Chapter 8

369 2 0
                                    

"WALA ka bang kapanga-pangarap sa buhay mo?"

Dumadagundong ang malakas na tinig ni Mayor Sedano sa loob ng opisina nito. "My God, Zisette, hindi pa natatapos ang problema sa kapatid mo—!"

"B-buntis na ako, Papa," napilitang pagtatapat niya. "Habang hindi pa halata ang tiyan ko ay gusto ko nang makasal kami ni Dieses."

Natigagal ito.

"Hindi naman nakapagtataka na sapitin namin ni Geya ang ganito, 'di ba? Kung wala nga siguro si Yaya Datay ay matagal na kaming inuuod sa lupa," pangongonsiyensa niya.

Hindi ito nakapagsalita. Halatang tinamaan sa kanyang sinabi. "Ipinaalam mo na ba sa iyong mama ang gusto mo?"

Tumango siya. "Hindi ko na siya pinauwi dahil balak namin ni Dieses ay sa huwes na lang magpakasal."

"At bakit?" kunot-noong tanong nito.

"M-malapit na ang pagbubukas ng klase at wala kaming panahon sa paghahanda." Bago pa man nakipagkita sa ama ay scripted na lahat ang kanyang sasabihin.

"Bahala ka sa gusto mong mangyari. Sana ay huwag kang magkamali sa bawat desisyon mo."

Ewan niya pero bigla ay may nakita siyang lungkot sa mga mata nito. Gusto pa sana niyang itanong dito kung ano na ang nangyari sa inihaing demanda ng asawa ni Raul pero nagsawalang-kibo na lang siya.

NANONOOD siya ng TV nang gabing iyon nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Naging negatibo ang tibok ng kanyang dibdib nang mabosesan ang tumatawag.

"B-bakit?" Bahagyang nanginig ang kanyang tinig.

"Gusto ni Mama na manigurong fake nga ang magiging kasal natin kaya siya na daw ang kukuha ng judge."

"S-sure." Naging matamlay ang kanyang tinig. Buong akala pa naman niya ay gusto siya nitong kumustahin kaya kahit gabi na ay napatawag. "Sasabihin ko na lang sa tito ni Rom ang gusto ng iyong mama."

"Bakit, nagkita na ba kayo ni Rom?"

"Kahapon," sagot niya. "Pagkatapos naming daanan ang tito niya sa opisina nito ay naghanap na kami ng mauupahang apartment. May nakita kami sa Caritan Centro. Bagong gawa pa lang."

"Magkano ang upa?"

"Nine thousand a month."

"Kaya mo ba namang bayaran 'yon?" Kaswal pa rin ang tinig nito.

Hindi siya umimik. Kung alam lang nito na halos mag-away sila kahapon ni Rom nang pikit-mata niyang ibigay sa may-ari ng apartment ang buong eighteen thousand pesos bilang paunang bayad at two months deposit.

"Puwede pa tayong makakita ng mas mababa ang upa," sabi pa ni Rom sa kanya kahapon.

"Puwede pa nga, pero gusto kong makita nina Papa na nasa maayos akong lugar. They don't expect na titira lang kami ni Dieses sa isang paupahang kuwarto. Kung ako lang ay puwede kong pagtiisan ang lahat. But not Dieses."

Matapos bayaran ang apartment ay isinunod nila ang pagbili ng mga kagamitan at appliances. Higit sa isandaang libong piso ang nagastos niya.

Halos maiyak siya nang mapagtantong wala nang sampung libo ang nalalabi sa kanyang bank book. Ano'ng irarason niya kung sakali mang matuklasan iyon ng kanyang mama at papa?

"Zisette, are you still there?" untag ni Dieses sa kabilang linya.

Napapilig siya. "N-nandito pa 'ko," pagbibigay alam niya.

"Gusto ko sanang itanong kung mag-aaral ka pa rin ba?"

"Oo," mahinang sagot niya. "Hindi naman siguro nakakahiya kahit buntis ako lalo pa at malalaman naman ng buong CSU na kasal tayo... kahit hindi totoo.

Sapat Na Ang Makasama Ka - Jennette HerreraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon