Chapter 22

2K 1 0
                                    

Dumating ang umaga na napakasakit ng ulo ko kaya ginising ko si James para ipaalam sa kanya na kaylangan ko ng gamot. Nagising naman agad ito pinainom ako ng gamot tsaka nag luto ng agahan.

James: Babe ano nang oras umuwi si Jordan kagabi?

Ako: Mga 10pm na yata Babe.

James: naku!! Siguradong pag nagkita na naman kami non, puro kantsaw ang aabutin ko don.

Ako: 😁😁😂 bakit ba kasi pag inuman Babe palagi kang bagsak!

James: Hay naku Babe! Paminsan-minsan lang kasi ako nag iinom kaya mabilis malasing at makatulog.

Ako: kaya nga minahal kita Babe kasi di ka nahilig sa mga bisyo.

James: 😊😊😊 I LOVE YOU Babe.

Ako:  Mahal na mahal kita Babe.

Dumaan pa ang mga ilang araw ay hindi ko na nabalitaan kay James na nag kita sila ni Jordan, kaya minabuti nalang namin ni James na asikasohin ang nalalapit naming kasal.

Hindi ko na din nakikita si Buldog na dumadaan sa inuupahan namin, hindi narin ito nangungulit na makipagtalik sa akin. Nagtataka nga ako bakit walang Buldog na namimilit sa akin tuwing hating gabi. Hindi ko na din nabalitaan si Uncle at Si Beshyng Bakla.

Ako: Babe nagugutom na ako eh.. Nakakapagod naman maghanap ng mga susuotin sa Kasal, haysss..

James: Tara, gutom na din ako.

Habang kumakain kami ni Babe sa loob ng restaurant nagulantang kaming kahat dahil may nag takbuhan sa labas at mga putok ng baril. Kaya biglang pumasok ang security sa loob tsaka ni lock ang door glass, kitang kita namin ang mga palitan ng putok.

Pulis at tatlong lalaki pumunta kami sa gilid ng restaurant kung saan hindi kami makikita kung mag pumilit na pumasok ang mga bandido.

Ako: Babe... natatakot ako baka madamay tayo. 😥😥

James: wag kang matakot nandito naman ako hindi kita pababayaan.

Doon na kami nag sigawan ng mga costumer ng barilin ng isang bandido ang aming pintuan dahil nga na corner na sila. Hindi na pumalag ang Security dahil alam nyang maraming madadamay pag nag paputok sya.

Bandido 1: Tang*na kaylan ba tayo titigilan ng nga parak na yan!!!

Bandido 2: wag kanang umangal dyan, maghanap nalang tayo ng paraan paano tayo makakatakas dito!

Bandido 3: bwesit ka talaga Onyok!! Bakit mo pa kasi binaril kita mo namang may mga pulis sa paligid!

Bandido 2: paano pag hindi ko binaril di tayo ang patay, pakiramdam ko kasi nahalata nya tayo kaya inunahan ko na!

Bandido 1: wag na kayong mag sisihan dyan, punyeta!!! Nasa bingit na nga tayo ng kamatayan nag sisihan pa kayo!

Bandido 3: tangina!!! Kukuha na lang ako ng mahohostage!!

Lumingon sa amin ang isang Bandido at sa akin mismo nakatingin. Tumayo ito at dali-daling hinablot ang buhok ko.

Bandido 3: ito pwede na to!!!

Ako: Ahhhhhaaa....wag po!

Biglang hinawakan ni James ang kamay nang Bandido, kaya subrang nagalit ito.

James: Pare, Wag mo nang ituloy!

Bandido 3: Bakit kakasa ka?! Bibitawan mo ba ako, o pasasabugin ko ang bungo ng babae na to?!

James: bitawan mo pare, hanggat maaari, baka hindi mo gugustuhin ang mangyayari sayo!

Nagkatitigan ang dalawa nararamdaman kung nanginginig ang kamay Ni James habang hawak nya ang Kamay ng Bandido napakahigpit ng hawak nito. Hindi ko alam na ganito pala pag galit si Babe feel na feel ko talaga na safe ako pag  kasama sya.

Steamy Stories Book 2Where stories live. Discover now