Oo, halos lumipad ang kaluluwa ko sa mga oras nayon, kasi seryoso ang dalawa habang nagiisip kung ano ang gagawin, hindi ko naman masisisi sila dahil ako ang pinagmulan ng kaguluhang ito, kung hindi ko pinatulan ang matandang yon at di ako nag padaig sa takot di sana hindi nanganganib ang buhay namin.
Jordan: sige pumasok kayo, titignan natin kung saan ang galing nyo, nga inutil!!
Nakahanda naman si Babe sa pintuan naghihintay kung sino ang papasok. Mga ilang sigundo lang ang dumaan dahan-dahan nang inikot ang door Knob ng pinto.
Pagbukas ay tinutok kaagad ang baril kahit saan hindi nya kasi makita dahil pinatay ni Babe ang ilaw.
" Abaaahhh.. Alam kung nagtatago kayo, lumang istelo na to mga bugoy!! Napanuod ko na to sa palabas, lumabas kayo kung ayaw nyong paulanan ko kayo ng bala, labas mga bugoy!! " Sabi ng lalaki na may dalang mahabang baril.
Dahan-dahan itong pumasok sa loob at hinanap ang switch ng ilaw, tumingin ito sa likod ng pintuan , subrang gulat nito dahil nakatitig sa kanya si James.
"Heeeee!!!" Gulat nitong sigaw.
Hinawakan ni James ang kamay, sa bilis ng pangyayari hindi ko nakita kung anong ginawa nito dahil naagaw nya ang baril at napaluhod 'yong tao, tsaka bumagsak ng walang ingay.
Jordan: hanep talaga sa bilis Boyfriend mo Abby.
Nagtago ulit si James sa pintuan, kampanti na ako dahil may hawak na itong baril.
Raul: Erning!! Erning kamusta dyan nahuli mo na bah?
...... ............ ......
(Tumawag ulit)Raul: Erning!! Erning!! Tang*na ka ba't hindi ka sumasagot, humihinga ka pa ba?!! David pasukin mo!!
David: Opo Boss.
Dahan-dahang pumasok si David, pag silip nya nakita kaagad nito ang paa ni Erning na naka dapa, kaya sumigaw ito, hudyat na kaylangan na itong magpaputok.
David: Tang*na Boss tinumba nila si Paring Erning!
Sabay-sabay silang nag paputok, hinawakan ni Jordan ang ulo ko na dumapa. Grabe!! Ang daming putok ang narinig ko. Tumigil lang ito ng maubusan sila ng bala.
James: Ano tapus na ba kayo!! Ako na naman!!
Nagulatang si David ng tumalon si James sa harap nya at binanatan ito ng baril, kaya napapasayaw dahil tinadtad talaga ng bala. Grabe hindi manlang naawa si Babe sa tao.
Kanya-kanyang nagsitago ang kalaban habang si David gumapang sa malaking paso para magtago. Binunot ni Babe ang bulaklak sa paso at kinuha ang mga baril.
Kaya pala may mga dalang bulaklak si Babe at iniingat-ingatan ito may mga baril pala nakatago. Doon na ako anakapag-isip na parang isa lang ang trabaho nila James at Jordan ang ma-mamatay tao.
Raul: Tang*na nyo, isasabay ko kayo sa Burol ni Kuya!!
James: Mauna ka taba!! Pag nahuli kita, lilitsonon kitang gag* ka!!
Raul: ferd ikutan mo sa likod!
Ferd: sige Boss!
James: wag mo nang ituloy ang balak mo Taba!! Baka ikaw ang isunod na iburol !
Raul: tignan lang natin, tsaka hindi ako mataba, healthy lang ako! Payatot!!
James: Jordan, umalis na kayo dito susunod nalang ako, doon parin sa dating lugar, sige na!
Jordan: sige, mag iingat pare!
Ako: Babe paano ka dito? Dito nalang kami!
James: Wag kang mag alala sa akin Babe kaya ko ang sarili ko, hindi ako makagalaw ng maayos pag nandito kayo, sige na Jordan!
YOU ARE READING
Steamy Stories Book 2
RomanceHello guys as i promise i will return with another wet and hot stories 💦👅