intro.

415 38 9
                                    

intro.

"charisma! shit ka pinag-alala mo kami!"

"luh? tangina sino ka ba?" sagot ko sa lalaking kung murahin ako parang kilalang kilala ako.

sino ba 'to? sino ba 'tong mga 'to?

"puta charisma 'wag kang ganiyan," sabi no'ng isa.

"aba, sino nga kasi kayo?" naiinis kong tanong.

"kami ang team charisma! ulol ka ba o sadyang tanga ka lang?"

team charisma? ah oo!

"teka, speaking of, nasa'n na nga pala ang team charisma?" tanong ko at tumingin tingin sa paligid.

"antanga, kami nga ang team charisma!"

"ulul, nasa'n na ba kasi sina dustin? sina denver? sina anya? ba't kayo ang nandito?" tanong kong muli.

"what the fuck?! ba't yo'ng mga hayop na'yon ang hinahanap mo?!"

"pakyu anong hayop? kaibigan ko 'yung mga yo'n!" sabi ko. ang kakapal naman ng mga betlog na'to.

"putangina charisma, alam mo ba kung anong nangyari kaya ka napunta rito sa ospital?"

teka, ay shit oo nga, nasa ospital nga ako.

"teka, ang naaalala ko lang, kasama ko ang team charisma sa van at may pupuntahan kami," napatigil ako ng may marealize ako.

"putangina?! nasa'n ang team charisma? okay lang ba sila?! shit!" natataranta kong sabi.

"tangina kami nga ang team charisma! kami ang kasama mo, papunta tayong tagaytay!"

"ha? hindi! hindi ko nga kayo kilala!" sabi ko.

muli akong may naalala.

"atiyaka alam ko kung kaninong van 'yun, kayna anya 'yun! 'yun yo'ng palagi naming ginagamit tuwing aalis ang team charisma!" sabi ko.

tama, hindi itong mga betlog na'to ang kasama ko nung aksidente.

sila dustin yo'n, ang team charisma.

ang mga kaibigan kong napakahalaga sa'kin.

---
» okeeee omg nagtanong ko kung gagawa ba ko ng book three, and you said yes ehehehe. plus, may plot na'rin kasi ako, kaya gora hahaha ge tenkyu mwa mwa.

so this is book three, kaya don't read this kung hindi niyo pa nababasa 'yung #teamcharisma at #teamcharisma 2.0.

title: #teamcharisma?
author: tinkeobell
genre: humor
parts: 17 | intro + chapters i.-xii. + outro + outro 2.0 + special chapter + end of trilogy.
status: completed
date started: july 09, 2015
date ended: august 16, 2015

#TeamCharisma? | #Trilogy Book ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon