outro.

226 25 21
                                    

outro.
» third person's pov

"hays, naaksidente na naamn si charisma tangina. kapag talagang nakita ko 'yang mga putanginang 'yan, mapapatay ko 'yong mga hayop na 'yon," napabuntong hininga si keith.

nasa may coffee shop sila sa tabi ng hospital.

"pero hindi tayo mapapagod, 'di ba? hindi tayo titigil hanggat hindi tayo naaalala ni charisma, 'di ba?" sabi ni cj.

"pa...pa'no kung hindi na nga makaalala si charisma? pa'no pag ganiyan nalang siya fore---pornever?" tanong ni raven.

"edi hindi parin natin siya titigilan. kahit pa buong buhay nating ipapaalala sakaniya kung sino tayo, ayos lang. team charisma tayo, 'di ba?" saad ni kendall.

napangiti naman sila, matapos ay lumabas na sila ng coffee shop at nagtungong ospital.

bago sila pumasok ay napatigil muna sila.

bumuntong hininga muna sila. matapos ang ilang segundo ay kumatok na sila at pumasok.

"charis--- luh, tanghali na ah? ba't tulog pa rin si charisma?" sabi ni raven.

"gisingin niyo dali, hindi pa ata 'yan nakain ng breakfast," sabi ni clyde.

ipinatong muna nila sa lamesa ang dala nilang umagahan galing sa coffee shop at nagtungo kay charisma.

"charisma, wakey wakey," dahan dahang tinapik ni keith si charisma, dahil nakabenda pa ang katawan nito.

"isampal ko kaya rito 'yung brip ko?" sabi ni kendall.

"hoy charisma, napapasarap ata tulog mo. ako pinapanaginipan mo 'no? sabi na nga ba mag hidden desire ka sa'kin e!" sabi naman ni cj.

nakailang tapik na sila ngunit hindi pa rin gumising si charisma. medyo nagpanic na sila.

iisa lang ang nasa isip nila ngayon, kung bakit ayaw magising ni charisma.

pero ayaw nilang paniwalaan ito, ayaw nilang maniwalang wala na si charisma.

"aba hoy tangina mo gumising ka, isasampal ko talaga sayo 'tong brip ko," patuloy nilang inaalog si charisma.

habang ginising nila ito, may nakitang papel si cj na nakapatong bedside table.

kinuha niya ito at binasa ang nakasulat.

dear team charisma,

tangina hayop para akong nasa mmk. okay, so kapag nabasa niyo 'to, panigurado ginigising niyo ako ngayon. itigil niyo na 'yan, wala kayong mapapala, hindi na ako magigising.

ha ha ha, hindi ako nagjojoke mga hayop kayo. teka teka naiiyak ako, tangina. sorry kung kahapon ko lang kayo naalala, napanaginipan ko 'yung #teamcharisma natin e, 'yung group chat, ang saya saya natin no'n, 'diba? sorry kung kailangan niyo pang pagtiisan 'yung anterochuchu amnesia ko, tangina sorry talaga. gusto ko sanang sabihing good news, dahil nakakaalala na ulit ako, pero hindi ko kaya, kasi wala na'ko, wala na, puta.

sorry kung bumitiw agad ako, sorry kung hindi ko na nakayanan. hindi ako lumaban, i'm sorry, i'm sorry, i'm sorry.

haist, sina dustin kasi e, 'di ako tinulungan, ayan, boom panezx patay na nga ako, sunog pa katawan ko like ew dibuh.

aiden, tumigil ka na sa pambababae mong tarantado ka, makakarma karin.

raven, ang goodboy-goodboyan. lagi mo kaming pinagsasabihang 'wag magmura e ikaw nga ang pinakamatindi magmura, tignan mo pagdating mo rito sa langit susupalpalin talaga kitang ulol ka.

keith, hayop ka tangina mo pakyu porket matangkad ka, sasabihin mong elem student ako? tangina ka ba?

clyde, tangina mo at ng sound effects mong tarantado, pasasabugan kita ng fireworks e hayop na'to.

kendall, ikaw, alam mo bang nakakaulol ka. tangina, ano? naubos ba 'yung mga panty na binebenta mo? dito sa langit, marami kang pagbebentahan, sumunod ka agad ah? ihahampas kita sa pader kapag hindi.

cj, ikaw na hayop ka, paasa ka putangina mo, pa-fall kingina, sana magets mo 'tong sulat ko kasi kung hindi, ang manhid mo. ingungudngod kita sa kalye e tarantado.

kayong mga betlog, ulol rangers, team charisma. tandaan niyo pala, saatin lang may pornever. mga betlog kayo pero mahal ko kayo.

tangina ew pwe ang corny, siguro medyo smudged na 'yung ink ng ballpen 'no? tumutulo na kasi luha ko e. hindi ko na inulit, nakakatamad, ano kayo chix?

o siya, paalam na, sumunod nalang kayo agad dito ha?

mahal ko kayo ew pwe <3

ps, oy 'yung sulat na pinapabigay ko kayna dustin, ibigay niyo na. tapos ano, subukan niyong basahin magpapadeliver ako galing langit ng sipa sa betlog.

pps, 'wag kayong magselos yie, mas mahaba 'tong sulat niyo kaysa sa kanila.

- nagmamahal (ew), charismaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa hart hart <3

bumagsak nalang si cj sa upuan habang hawak hawak ang papel, tumulo ang luha nito.

napatingin naman sila kay cj.

"puta, bakit ayaw gumising ni charisma?" naiiyak na sambit ni raven.

"bakit cj? ano 'yan?" tanong ni aiden, lumapit sila kay cj at isa isang binasa ang papel.

bigla nalang tumakbo palabas si kendall habang ang lima ay tuluyan pa ring umiiyak.

"NURSE! DOC! SI CHARISMA AYAW MAGISING!" sigaw ni kendall nang makarating siya sa nurses' station. dali dali namang nagtakbuhan ang mga nurse, saktong nando'n din ang doktor.

matapos tinawagan naman ni kendall ang mga magulang ni charisma. si kendall nalang ay may natitira pang lakas para takbuhin ang mga nurse at tawagan ang mga magulang ni charisma.

"clear!"

''200 joules'

"clear!"

"360 joules"

"clear!"

ibinaba ng doktor ang defibrillator.

"time of death, 11:47AM."

---
» may outro pt.2 pa tas may special chapter pa ehehehe jusq ang hilig kong gumawa ng drama ang ending pero hindi ko naman kaya HAHAHA no tears from the authors means no tears from the readers, laway lang tumutulo sakin e HAHAHAHA sadlyf.

#TeamCharisma? | #Trilogy Book ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon