special chapter.

247 29 19
                                    

special chapter.
» third person's pov

after 5 years...

"charisma! may package na dumating!" sigaw ng kapitbahay niyang si tina moran.

dali daling lumabas si charisma sa kaniyang bahay at kinuha ang package na nakalapag sa harap ng kaniyang pinto.

isa itong box na parang 7 years old na bata ang nagtape sa sobrang gulo. ipinasok ito ni charisma at isang oras na pinilit buksan.

"tangina lahat ata ng tape ginamit dito, e. may scotch tape, masking tape, double-sided tape, pati electrical tape jusko," sambit niya at nagpunas ng pawis.

"pati ba naman sa langit pinahihirapan parin ako, hays naman oo," sabi niya atiyaka tuluyang binuksan ang kahon.

puno ng brip ang box, sa pinakailalim nito ay may cd.

charisma our loves so sweet | september 17, 20**

"ew tanginuh wadafuq," nandidiring sambit ni charisma bago ito ilagay sa cd player.

"3...2...1... start."

"hey, charisma," sambit ni aiden sa harap ng video cam. "ako 'to, si aiden na dating playboy, na walang ibang ginawa kundi mambabae. pero tignan mo'ko ngayon, ako na 'tong naghahabol. no'ng third year ko siya nakilala, kinindatan ko siya kaya sinampal niya 'ko. putangina hinawakan niya 'yung mukha ko, kinikilig parin ako hanggang ngayon, shet. simula no'n, palagi ko na siyang kinukulit, hindi na'ko nambabae. hanggang ngayong dalawang taon na kaming graduate, hinahabol ko parin siya. siya nga pala, engineer na'ko, engineer rin kasi si crush hihihi," parang tangang kinikilig si aiden. pagkatapos ay bigla itong ngumiti ng malumanay. "miss ka na namin, charisma."

"3...2...1... start."

"Kahit maputi~ na ang~ bulbol mo~," pagkanta ni clyde sa video cam. "ehehehe ang ganda na ng boses ko 'no, charisma? singer na'ko, sikat na'ko men! hindi kapanipaniwala kasi mas bagay ang mukha ko maging model 'di ba? ay eto pa, girlfriend ko si julia baretto! tangina pogi ko 'di ba---"

"babe your face, you're still courting me you dumbass!" sabi ni julia barretto na binatukan si clyde.

"ehehe charisma, pakipot lang 'yang si julia, gusto ako niyan! anyway, charisma, miss ka na namin!" napakalapad ng ngiti ni clyde, ngunit kitang kita sa kaniyang mga mata ang mga luhang pinipigilan lang niyang bumagsak, "miss na miss ka na namin."

"3... 2... 1... start."

"liit! ehehehe tumangkad ka na kaya? pft," natatawang sambit ni keith. "model na'ko! ang pogi ko kasi, 'di gaya ni clyde na hanggang singer lang pft. kaso punyeta, model ako ng cherifer, oo hanggang cherifer lang ako kaiyak. pero alam mo ba kung sino girlfriend ko? si kiray! HAHAHA joke. si lyca, 'yung nanalo sa the voice, ay joke ulit. seryoso na, si ariana, ariana grande. oo tangina seryoso! sa airport kami nagkita, pauwi na'ko galing america, binisita ko kasi mga tito't tita ko. nagkabungguan kami, 'di siya nagsorry kaya sinabunutan ko siya, ayun, gumanti siya. pero nagkatinginan kami sa mga mata namin, tapos may sparks shet! siguro kasi ginamitan ako ng taser no'ng bodyguard niya ehehe. alam mo naman 'yung taser 'di ba? 'yung pangkuryente, ginagamit sa mga masasamang tao. ayun, no'ng tinaser ako, damang dama ko 'yung spark na dumadaloy sa katawan ko. paggising ko nasa ospital ako, nandun si ariana, nagsosorry. tas 'yun, naging kami ehehehe tangina shet lang! walang wala si clyde sa'kin, ariana grande ang peg ko, siya hanggang julia barretto la---"

"fuck you keith, fuck you," sabi ni julia habang nakapakyu kay keith.

"ang daming nangyari sa limang taon, charisma. may mga masaya, may mga malungkot. miss ka na namin charisma, ginawa namin lahat para marating ang mga position kung nasa'n kami ngayon, para sa'yo," tumalikod saglit si keith, nagpunas ito ng luha, pagkatapos ay humarap muli, "mahal ka naman charisma, tandaan mo 'yan."

#TeamCharisma? | #Trilogy Book ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon