Chapter 2

12 1 0
                                    


Chapter 2

Awkward. 'Yun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako titingin, kung sa pagkain ko ba o dito sa kaharap ko.

He's infront of me! My crush is infront of me, and he also talk to me! I think i'm gonna die.

I eat slowly, para makasama ko pa s'ya ng matagal. He's also eating slowly while reading something on his notebook. Nagrereview ata. I took my phone and open the link that our teacher gave us to review.

Nagreview nalang din ako habang kumakain para hindi ako mailang sakaniya. Hindi ko na siya napansin dahil sa sobrang focus ko sa binabasa ko.

Naramdaman ko nalang na nililigpit niya ang gamit niya, tapos na siyang kumain. I sigh. He's leaving na, hindi ko na ulit siya makakasama. Charot, drama.

Dahil tapos na rin ako sa pagkain ay nagligpit na rin ako, wala dito 'yung bag ko dahil iniwan ko 'yun sa room.

Inipon ko nalang ang pinagkainan ko para mamaya ay 'yun nalang ang aasikasuhin ng tao dito.

He stood up and i also stood up. I look at his I'd but i can't see it clearly.

Nakita ko lang dun ay 'Cle' at hindi ko na nabasa ng maayos dahil nagsimula na siyang maglakad paalis. Napanguso ako, sayang hindi ko nanaman nakita 'yung name niya. Pagkakataon na eh!

Naglakad na rin ako at medyo binilisan ko para sumabay sakaniya. Anghirap niyang habulin dahil ang laki ng biyas niya! Ang lalaki pa ng hakbang. I'm not short, he's just taller. I'm 5'4 and in my age sakto lang 'yun, 16 na 'ko, magb-birthday na sa February.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa school. Papaakyat na sana siya sa building nila ng lumingon siya sa 'kin, nagulat ako.

"I'm also single." He said and start to walk on the stair. Left me dumbfounded. What the hell?

Hindi pa nag process sa 'kin 'yung sinabi niya, nakaharap pa rin ako kung saan siya nakatayo kanina.

Nang mahimasmasan ay napahawak ako sa bibig ko at tumingala sa building nila. My heart are beating so fast! What does he mean? Liligawan niya ba 'ko dahil single rin siya? Charot.

"Hoy!" Napatili ako ng may manggulat sa 'kin.

Sasampalin ko na sana kung sino 'yun ng makita ko si Alliana with her friends na tumatawa dahil sa mukha ko. Nakaturo pa 'yung daliri ni Alliana sa 'kin. Tinatawanan ako.

Tinignan ko sila ng masama pero wala lang 'yun sakanila. Tinatawanan pa rin nila ako, nakahawak pa sa t'yan tapos anlalakas pa ng tawa nila na pinapangunahan ni Alliana.

"Tawang tawa?" I ask sarcastically. They laugh even more. Iniwan ko na sila dun at pumunta sa room.

Alam kong nakasunod sila sa 'kin dahil naririnig ko pa rin 'yung mga tawa nilang nakakainis. Parang kanina lang kami naging close ah! Tapos ngayon ginaganyan na nila ako, kainis.

"Solid mukha mo, Keia! If nakita mo lang!" She laugh again while pointing at me.

"Sana pala navideohan natin Lei!" She said and continue laughing, I ignore them.

Pagpasok sa loob ay tinignan ko ng masama 'yung dalawa sa likod dahil ngingisi ngisi silang nakatingin sa 'kin.

Sarap suntukin nung bibig nila.

Umupo nalang ako at dumukdok, imbis na masaya ako ngayon ay nainis na ulit ako dahil kay Alliana at dito sa mga tao sa likod ko.

I hate this day, but i also love it.

Last GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon