Chapter 8

21 0 0
                                    

Chapter 8

Katahimikan. ‘Yun ang nangyayare ngayon. Walang nagsalita, si Ji at ang kaibigan niyang si Zane ay nakangiti ng nakakaloko, si Guenzo ay nakatingin lang sa ‘kin pati ‘yung babaeng kasama niya. Si Gred naman ay natatawa sa tabi ko. Piste.

“A-ah, ha-ha. J-joker talaga ‘tong k-kapatid ko. Pasensya na p-po.” Utal utal kong sabi at hinila sa tenga ang kapatid ko. Sumunod naman si Gred na nakangiti pa rin at umiling iling.

“Ano ba ate! Masakit!” Reklamo ng kapatid ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Malapit na kami sa kanto pero ganun pa rin ang posisyon namin ng kapatid ko. Naiiyak na siya pero hindi ko siya binitawan.

“May balak ka bang tanggalin tenga ng kapatid mo, Keia?” Tawa ni Gred kaya tinignan ko siya ng masama.

“Oo! Tatanggalin ko talaga ang tenga ng piste na ‘to! Ikaw gaga ka bakit mo sinabi ‘yun? Ano nalang iisipin ng crush ko?!” Halos maiyak ako sa kahihiyan.

Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa tenga ni Ji kaya napasigaw na siya at may luha ng lumabas sa mata niya. Lumapit na rin si Gred at pilit tinatanggal ang hawak ko sa tenga ni Jiana.

“Bitaw na, Keia. Nasasaktan mo na kapatid mo oh.” Pilit na tinatanggal ni Gred ang hawak ko kay Ji kaya wala akong magawa kundi alisin ang kamay ko dun.

Masama akong tinignan ni Jiana at pumunta na sa cab na kakahinto lang. Iisa nalang ang kasya dun kaya hindi na kami nakasunod ni Gred.

Magtatampo ‘yun for sure pero hindi ko na inalala ‘yun dahil sa kahihiyan kanina. Tangina talaga.

“Napakabrutal mo talagang babae ka. Bakit naman ganun kahigpit ang ginawa mo sa kapatid ko? Namumula na ang tenga niya!” Sermon sa ‘kin ni Gred pero hindi ko siya pinansin.

May cab na paparating kaya naghanda na ‘ko sa digmaang magaganap.

Katulad ng ginagawa ko lagi ay nilagay ko ang bag ko sa harap at nakipag siksikan. Hawak ko ang kamay ni Gred at hinihila para hindi siya makabitaw sa ‘kin at makasakay kaming dalawa. Nagtagumpay naman kami at umupo sa favorite spot ko.

Bibitawan ko na sana ang hawak ko kay Gred pero hinigpitan niya ang kapit dun. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay tumingin sa kamay namin na magkahawak parang sinsenyasan na tanggalin ang kamay niya. Ngumisi ang gago at mas lalong hinigpitan ang hawak sa ‘kin.

“Ano ba? Bitaw hindi higpitan.” Nagsalita na ‘ko at pilit tinatanggal ang kamay ko.

“Ay bitaw ba? Kala ko kasi gusto mong hawakan kamay ko kaya pinagbigyan lang kita.” Ngumisi siya. Inirapan ko naman siya at hinila ang kamay ko nabitawan niya na ‘yun at natawa nanaman. Ang saya saya talaga ng lalaking ‘to.

Nilibre ulit ako ng lalaki at hinatid ulit sa bahay. Nagpaalam ako sakaniya at pumasok sa loob.

Nakita ko ang kapatid ko na nasa kwarto namin at nakaupo sa study table niya kita ko rin ang pamumula ng tenga niya kaya ngumisi ako.

Pumunta ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay pumunta sa kusina para magluto. Wala nanaman kasi si ate at hindi ko alam kung saan nanaman pumunta ‘yun.

Pagtapos ay tinawag ko na si Ji para kumain. Masama pa rin ang tingin niya kaya binalik ko ang masamang tingin sakaniya.

Natapos kaming kumain ng walang pansinan. Humiga na ‘ko sa kama at nag facebook. Hinanap ko ang facebook ng crush ko. Nagbabakasakali na makita ko ang pangalan niya dahil alam kong walang balak na sabihin netong kapatid ko ang pangalan niya.

Last GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon