Chapter 9

7 0 0
                                    

Chapter 9

Nandito na kami ngayon sa field. Andaming estudyante kaya halos magsiksikan na kami, hindi binibitawan ni Alliana ang kamay ko.

Si Drev at Lei naman ay nasa unahan namin, nakakapit si Lei kay Drev. Lagi kong napapansin ‘to, pero bagay talaga ang dalawa na ‘to. I chuckled. Alliana look at me confuse, tinuro ko ‘yung dalawa at bumulong sakaniya.

“Bagay talaga sila.” Bulong ko kaya natawa si Alliana.

“Tagal ko na ring napapansin ‘yan.” Sabi niya at nagtawanan kami. Lumingon samin ‘yung dalawa at parang tinanong kung anong meron kaya umiling kami. Tumingin ulit sila sa harap at mahina kaming natawa ni Alliana.

Simula nung pinasabay ako ni Alliana sakanila mag recess ay naging magkaibigan na kami. Tuwing may klase ay pasimple kaming nagk-kwentuhan ni Alliana, minsan ay muntik kaming mahuli pero agad kaming tumitingin sa harap at kunwareng nakikinig. Si Drev at Lei naman ay lagi kong nakakatawanan kapag lunch.

Si Alliana ang laging nagpapatawa samin halos walang tigil ang bibig niya sa pagsasalita.

Pumila na kami, by section kasi. Nasa harapan ako ng girls at si Pres naman sa boys, nasa likod ko si Srea kaya ramdam ko ang matatalim na tingin niya. Hindi rin siya nakikita dahil mas matangkad ako sakaniya.

Maliit kasi ito, pareho sila ni Flaire para na rin silang magkapatid. Pareho siguro silang 4'11. Hindi pa rin talaga siya maka move on na mas naging leader pa ‘ko sakaniya. Halos lahat ng bagay gusto niya s‘ya ang nangunguna.

Lumingon ako kay Pres. Kanina nung sinabi niyang ang ganda ko daw ay halos maging kamatis ang mukha ko sa pula. Tawang tawa naman ang tatlo na pinangungunahan ni Alliana at nakaturo pa sa mukha ko.

Pagtapos sabihin ni Pres ‘yun ay dali dali siyang umalis, narinig ko pa ang mahina niyang pag mumura. Kanina pa rin siya hindi tumitingin sa ‘kin kaya nagtataka ako. Tinatry kong hulihin ang tingin niya pero lakas makaiwas.

Inalis ko nalang ang tingin ko sakaniya at napatingin sa kabilang section. Sa section nila Gred, tumingin din siya sa pwesto ko at nag taas baba ng kilay. Inirapan ko siya katulad ng lagi kong ginagawa.

“Goodmorning, students!” Bati samin ng Principal. We greet her back.

“This is the day we've been waiting for. You guys prepare for this for almost a month! Just enjoy and dance your heart out! Good luck, students!” She said and we all claps. Binigay niya naman ang mic sa emcee.

Marami pang sinabi ‘yung emcee kaya lahat ng student ay naiinis na dahil sa init. We are in the field for pete‘s sake! It‘s so hot at wala man lang kaming payong na dala! Ni sumbrero wala.

Nakakunot ang noo ko dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Nasa harapan pa ‘ko kaya lahat ng buga ng araw ay nasa akin! Swerte ng nasa likod ko dahil mas matangkad ako sakaniya at ako ang humaharang sa init. Nakakainis.

Nagulat ako ng may naglagay ng sumbrero sa ulo ko. Si Pres ang naglagay nun, nagtataka ko siyang tinignan pero hindi siya tumingin sa ‘kin at nakatingin lang sa harap. Kanina pa may sumbrero si Pres pang harang sa init kaya nagtataka ako kung bakit binigay niya sa ‘kin ‘to. Ngayon tuloy ay s‘ya na ang nakakunot ang noo at nilagay ang kamay sa ibabaw ng mata niya.

“Oy, Pres.” Tawag ko sakaniya pero hindi niya ‘ko pinansin. Ibabalik ko na sana sakaniya ‘yung cap pero pinigilan niya ang kamay ko.

“Ikaw ang magsuot niyan. Hindi bagay sa ‘kin may sumbrero.” Sabi niya habang hawak pa rin ang kamay kong hawak ang sumbrero niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon