Chapter 4

9 0 0
                                    

Chapter 4

Isang linggo walang pasok dahil nga katatapos lang ng exam. Nandito ako sa kanto ngayon at may bibilhin. Isa rin sa dahilan kung bakit ako nandito ay inaabangan ko si crush.

Anim na araw na ang nakakalipas at hindi ko na siya nakikita! Bukas ko pa ulit siya makikita dahil may pasok na kaya gumawa ako ng paraan para makita siya.

Kanina pa naman ako tapos sa bibilhin ko pero nandito pa rin ako nakatambay at nakatingin sa bahay nila dahil inaantay ko siyang lumabas. Naglalaro muna ako sa phone hanggang sa makita kong may lumabas sa gate ng bahay ng crush ko. Siya ‘yung lumabas.

Itinigil ko muna ang pagp-phone ko at nakangiting pinagmasdan siya. Ang gwapo niya talaga. Lumabas siya. Medyo may kalakihan ang bahay nila.

Lumingon siya sa gawi ko kaya nagulat ako. Agad din niyang tinanggal ang tingin sa ‘kin at  dire-diretsong pumunta sa kung saan ako. Dahil dakila akong delulu ay akala ko pupuntahan niya ‘ko.

Nasa tapat ko na siya kala ko ay titingin siya sa ‘kin pero nilagpasan niya lang ako at pumasok sa loob ng store kung saan ako tumatambay. Aray.

Itong store na tinatambayan ko ay malaki, kaya may gana rin akong tumambay dito ay dahil mahangin at may upuan sila sa labas.

Sinundan ko siya ng tingin ko at nakitang bumibili siya ng yogurt na kinuha niya sa ref. Yogurt lover pala ang baby ko.

May iba rin siyang binili pero hindi ko makita ng maayos, parang puro healthy foods lang ‘yun! Grabe can‘t relate, mahilig kasi ako sa mga junk food. Pumunta na siya sa counter at nagbayad.

Halos lahat ng galaw niya ay sinusundan ko, pati ang pagkamot niya sa ulo, pagkusot sa mata at pagkamot sa anez. Ay joke, iba na ‘yun.

Papalabas na siya pero hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sakaniya. Alam kong alam niyang tinitignan ko siya pero hindi ko inalis ang tingin ko para tignan niya rin ako at pansinin. Hihi.

Ang lakas ko talaga kay lord dahil tumingin siya sa ‘kin at kinunotan ako ng noo! Mukhang galit na si dadzey. Umiwas ulit siya ng tingin at umalis na.

Pinagmasdan ko lang ulit siya hanggang sa makapasok siya sa bahay nila. Ang sarap niya talaga titigan.

Dahil nakita ko na siya ay sapat na ‘yun kaya umalis na rin ako at dumiretso pauwi. Naabotan ko si Jiana na nagbabasa ng wattpad books. Nakapoker face pa ang gaga kaya alam ko na kung saang part na siya.

Ngingisi ngisi ako habang papalapit sakaniya at agad inagaw ang libro. Nagulat naman siya at tinangkang abutin ang libro pero nilayo ko agad.

Tinignan ko ang binabasa niya at tama nga ang hinala ko! Bedscene siya! Angas talaga ng kapatid ko, manang mana sa ‘kin.

“Grabe ka, Ji! R-18 ‘to ah? Bakit binabasa mo?” Tinignan ko siya ng mapangasar kaya inis niyang hinahablot ang libro sa kamay ko.

“Ate kasi! Akin na! Malapit na s‘yang umano eh!” Inis niyang sabi na inaabot pa rin ang libro sa ‘kin.

“Umano?” Mapangasar kong tanong.

“Umano! Basta umano! Ate kasi akin na! Isa, kapag nakita kitang nagbabasa hahablutin ko rin!” Habol niya sa ‘kin dahil naglalakad na ‘ko papunta sa kwarto namin. Binelatan ko lang siya sabay silip sa libro.

Omg! Malapit na nga talagang umano! Natawa ako ng malakas ng mabasa ko ang scene na ‘yun.

Sumunod siya sa ‘kin papasok habang pilit pa ring inaagaw ang libro. Habang ginagawa niya ‘yun ay binabasa ko ang libro niya. Shet! Ganda ng scene may pa bend over si daddy! Mas napalakas ang tawa ko dahil dun.

Last GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon