Chapter One - He was my bestfriend and he was my....

31 0 0
                                    

That's Jessie! ^__^ =======>

JESSIE'S POV

“Jessie, HUYY, Jessie... YUHOOOOO!!,” nagulat ako nang biglang magsalita si Dindin, ang bagong transfer na kaklase ko.

“H-ha? A-ano nga ulit yung tanong mo?,” tanong ko sa kanya. Nasa loob kami ng classroom ngayon at kasalukuyang nagkkwentuhan tungkol sa mga kung ano-anong bagay dahil vacant time namin.

“Tinatanong ko kung may first kiss ka na..Sino? Meron na ba? Ha? Ha?,” bigla niyang inilapit ang tenga niya na parang may kung anong magandang balita akong ikkwento sa kanya. “Sabihin mo na daaallliiiii.”

Hmm..First kiss ko? Ang totoo niyan..*lunok*..*lunok*...meron na. Waaah! Nakakahiya man pero may first kiss na talaga ako. Sasabihin ko ba dito sa chismosang classmate ko na ‘to? Sa totoo lang ayoko na talagang pagusapan ‘yon pero I have a feeling na kelangan kong ikwento sa inyo iyon, para naman mas maunawaan niyo ang aking kalagayan.

Haaaayy.. alam niyo kasi ganito yun.. Dati kasi nung 3rd year highschool ako, ilang months palang ang nakakaraan, may bestfriend ako na lalaki. Si Xtian Kurdt  A. Santiago. Isang lalaking matalino pero playboy. As in PLAYBOY. Well, pano ba naman hindi eh sa itsura palang niya, lahat na ata nang babaeng mapapadaan eh napapalingon sa kanya. Seriously, ganon ba talaga siya kaGWAPO? -_____-  Yun. Tapos idagdag mo pa yung height niya, pang basketball player. Haha. Well kaso hindi un yung sports niya, kundi soccer. Nasabi ko na nga ba sa inyo na matalino siya? Pasensiya na kung uulitin ko ulit pero matalino talaga. Running for valedictorian siya at lahat na ata ng organizations dito sa school eh siya ang president. Err, may isa nga siyang org kung saan officer din ako, committee nga lang. hihi. Yung Student Body Organization ng school namin. Hayyy.. Ewan ko nga kung pano niya napapagsabay-sabay ang academics, girlfriend at pakikipagbonding niya sakin. Uhmm.. pero nakakahiya nga sa kanya eh, usually kasi sa mga nagiging girlfriend niya, ayaw man niyang aminin sakin, kaya sila nagbbreak eh ako ang dahilan.

 Simula 1st year palang kasi kami, lagi na kaming magkasama. Naging kaklase ko kasi siya noon. Parehas kaming nasa star section. Tapos nanging close kami hanggang sa naging magbestfriend na kaya kahit napalipat ako ng section noong 2nd year ako, ganon pa din kami..Kulitan ng kulitan. Kaya naman parang ang lumalabas eh mas sweet pa siya sa akin kesa sa girlfriend niya tapos ayun dun magsisimula ang conflict at alam nyo na ang susunod. Palaging itatanong ng mga naging girlfriend niya kung sino ba daw ang mas pipiliin niya, sila o ako. Eh para namang baliw tong si Kurdt, hindi sasagot kaya ayun hihiwalayan siya. Aist. Alam niyo sa totoo lang natutuwa ako kasi kahit na hobby na ata niya ang pag-ggirlfriend, pinapahalagahan pa din niya ang friendship namin.. pero nagbago ang lahat nang ‘yon simula noong nangyari nung 3rd year kami..

*Flashback*

“Ey kurdoooot, ilibre mo naman ako nang footlong oh. Bili na. yung buy one take one para tig-isa tayo,” sabi ko kay Kurdt habang nakatambay sa school namin. Lagi kaming natambay dito pagkatapos ng klase, hindi muna kami umuuwi kasi minsan may pinapagawa pa sa kanyang mga paperworks.

“Tss. Wag ka ngang magulo, may katext ako oh,” saway niya sakin habang seryosong seryoso na nagtatatype sa cellphone niya.

“Wushuuu. Sino naman yang katext mo? Bago mo na namang nililigawan no,” sabi ko. “Sigeee naaaaa... minsan na nga lang ako magpalibre oh. Hmp!”

Tumigil siya saglit sa pagtetext at humarap sakin “Ahem! Wow, nakakahiya naman sayo! parang kaninang umaga lang ako na ang bumili nang juice mo ah.”

“Eeehh. Ano ka ba, kanina lang yun noh. Tsaka para juice lang eh, yun ngang mga niligawan mo halos manakit na ang ngipin sa mga chocolates na naibigay mo.”

The Playboy's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon