KURDT ON THE RIGHT SIDE. >//////< ====>
---
“Jess, galit ka pa ba sakin?”
Kung kanina lang eh iniisip ko na na sana nandito na sila, ngayon naman eh saktong nagsidatingan na nga ang iba pang mga officers at committee kaya hindi ko na din nasagot ang tanong niya. Galit pa nga ba ko sa kanya?
Nagalit ba ko sa kanya? Siguro nga. Hindi tama yung ginawa niya eh.
Nang nasa room na ang lahat ng officers nagsalita na ulit si Kurdt. Hindi na niya ko ulit tiningnan pa. “Kinausap ako ni ng principal natin about sa foundation day natin, alam nyo naman na three months from now eh foundation day na natin. She said that we’ll start our preparations na and as usual, it will be a 3-day celebration. It will start on December 2 up to 5. Kagaya ng nakagawian , there will be an opening program then followed by school fair. On the first night gaganapin ang battle of the bands and dance contest. On second night will be the pageant at sa last night ay ang school dance.”
Inexplain samin ni Kurdt kung ano-ano ang mga assigned parts namin. Siya at ang Vice President ang bahala sa school fair at dance pero tutulong din sila sa mga programs. Sectretary ang bahala sa mga list of programs, date, at time. While PRO naman ang bahala sa mga listahan ng mga sasaling bands, performers, etc. As usaual, treasurer and auditor ang bahala sa mga papasok at lalabas na pera. And so on, and so forth. Eh anong gagawin ng mga committee? Sila bahala sa pagdedecorate ng stage at iniassign din kami sa kanya-kanyang officers, bale kami ang magiging julalay ng mga officers eh, este tutulungan namin sila na mapagaan ang work nila. Ako, san ako napaassign? Sa pageant. Tutulungan ko yung muse at escort na maging maayos yung pageant. Hehe. Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa inyo, muse kasi ang tinakbuhan ko dati kaso ayun talo ako. Hihihi. Kaya eto magpapakajulalay ever ako sa pagtulong sa muse at escort namin kasama ang aking escort na natalo din. Kaming apat ang magpapakahirap para maging successful yung pageant. Pero siyempre, with the help of other officers and teachers pa din naman. Hindi naman namin magagawa yun na kaming apat lang no.
“Do you have comments or suggestions about your assigned part?,” tanong ni Kurdt.
“Ahmm. President,” nagtaas ng kamay si LA, ang PRO namin. “Ano nga palang theme sa school dance this year?”
Ang school dance eh parang js prom except invited lahat mula first year hanggang fourth year. Lagi siyang hineheld sa aming school gym at katulad nga ng sabi ko, parang js prom na may mga dance, queen of the night achuchuchu ever.
“Theme,” sagot ni Kurdt. “As of now wala pang theme para sa school dance but if you want to suggest something just tell me.”
“What about masquerade?” suggest nung isang officer.
“Hindi wag na yun. Nagawa na natin yun dati eh.” Sabi naman ni secretary.
“Cosplay na lang!”
“Pwede..” sabi ni Kurdt. “but it’s costly eh. Ang goal natin eh makatipid as much as possible.”
Nagtaas ako ng kamay. “Uhhm.. Can I suggest something?” mahinang sabi ko.
Lahat ng nasa rooms eh nagtinginan sakin including Kurdt at na-awkward ako sa kinauupuan ko. Bat ba ko nagtaas ng kamay? Ayan tuloy. “Of course Jessie, What is it?”
“Uhm..What about something like spring dance? You know yung ano na magsusuot ng mga flowy dresses yung mga babae with matching braid or something tapos magsasayaw sa paligid ng bonfire.”
“YES! I agree.” sabi nung muse namin. “It’s sooo romantic. Then let’s held it on the open grounds para sooo beautiful.”
“Oo nga. Oo nga.” Pagsang-ayon pa ni LA. “Then sa mismong festival lahat ng mga boys eh may hawak ng tig-iisang flower and ibibigay nila yon sa babaeng gusto nilang maisayaw.”
BINABASA MO ANG
The Playboy's First Kiss
Ficção AdolescenteJessie and Kurdt had been best of friends since first year highschool. The first word that'll enter your mind when you see them is "inseparable". Indeed, they are always together laughing and helping each other since. Until one day, something unexpe...