After naming kumain ni Hans eh nagpaalam na din ako sa kanya at sinabing magkita nalang kami mamayang mga 3pm para puntahan ang mga sponsors ng pageant. Wala kasi kaming klase nang hapon dahil may meeting ang faculty kaya maaga kaming umawas. Nagklase lang ng isang oras then mga 2, pinalabas na kami. Nagbabye lang ako saglit kay Dindin at umalis na din. Marami din kasi siyang inaasikaso sa club niya at isa pa kasali din na sya sa banda. Kinuha siyang singer sa isa sa mga bands sa school namin, halos mga kaklase din namin ang kabanda niya..and guess what, isa sila sa mga kasali sa battle of the bands! Kaya nga hindi na din kami nagkakausap masyado these past days dahil doon. Pero, okay lang naman yun sakin. I have no problem with that.
I decided na pumunta na kay Kurdt at ibigay yung photocopy ng list ng contestants since isang oras pa naman bago ulit kami magkita ni Hans. Bago ako pumasok sa SBO room eh kumatok muna ako. Pagkaukas ko nang pinto nakita ko kagad si Kurdt at mag-isa lang siya sa kwarto. May mga papers siyang inaayos. Paglingon niya sa akin para namang natameme ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ibibigay ko lang ba itong photocopy, o itatanong ko kung pwede kaming mag-usap?
“Ah,President, eto na po yung copy nung lists ng mga candidates. Nanjan na din po kung anong mga numbers nila. Bale 12 po sila lahat-lahat,”nagmamadali kong sabi.
Tumango lang siya.
Hindi ko na alam kung anong gagawin. “Ahm.. sige po, alis na po ako.”
“Wait,” biglang sabi niya. Tumayo siya at pumunta sa harap ko. “Don’t be too formal with me, please.”
Formal? Eh siya nga itong parang businessman kung makipagusap sa amin kanina. “Ah, Okay.”
“Jessie..” Grabe, kinakabahan na naman ako.. Pero this time alam ko kung bakit. This is it. Mag-uusap na kami.
“Si Hans na ba?,” paghehesitate na tanong niya “nililigawan ka ba niya o siya na ba ang bago mong bestfriend at hindi na ako?”
Huh? Nililigawan? Bestfriend? Si Hans? Eh kahapon lang kami nagkausap nun ng matino. Bestfriend agad?
“Ah. Hindi. Magkasama lang kami kanina dahil dun sa meeting.”
Para namang nabunutan ng tinik ang expression niya. “Talaga?”
Tumango ako.
Ngumiti naman siya sakin pero bigla ulit nagbago ang expression ng mukha niya at naging seryoso ulit. “Are you still mad at me?”
“I’m not mad at you,” kabado kong sabi.
“Yes, You are. That’s why you keep on avoiding me. Until now. I’m so sorry I did that. Nadala lang ako ng emotion ko at hindi ko na inisip kung ano ba ang gagawin ko. Sorry talaga. I know that made you feel uncomfortable. Sorry. Hindi ko na yun uulitin. I will never do that again o kahit anong bagay na magiging uneasy. Pwede pa ba tayong maging tulad nung dati?”
Kita ko sa expression ng mukha niya na parang nagsisisi siya sa ginawa niya. Malungkot siya at parang maiiyak habang nagsosorry siya sakin. Narealize ko bigla na bakit ko nga ba ginawang big deal yung kiss na yun? It was out-of-the-moment na pangyayari sa amin. Tsaka diba ako din naman ang may gawa kung bakit niya ginawa yun?
Kahit na kinakabahan pa din ako, Hindi ko nalang yun inisip. Hindi nalang ako nag-isip. I just let my emotions take over me. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Nagulat siya pero niyakap niya din ako. First time ko tong ginawa sa kanya. Kahit naman kasi magbestfriend na kami first year palang, never naman kami naging ganito kacheesy. Grabe, I missed him so much. Ang tanga ko dahil masyado kong inisip na marami nang magbabago simula nung araw na yun. Na magbabago na ang pagtingin ko sa kanya. Well, somehow nagbago naman talaga... Ewan ko ba. Basta. Bahala na. Maybe I’m just overthinking things. Pwede pa naman namin ibalik yung dati, siguro?
BINABASA MO ANG
The Playboy's First Kiss
Teen FictionJessie and Kurdt had been best of friends since first year highschool. The first word that'll enter your mind when you see them is "inseparable". Indeed, they are always together laughing and helping each other since. Until one day, something unexpe...