Chapter Three - A newfound friend.

20 0 0
                                    

“Jessie!”

Nagsimula na akong tumakbo pauwi pero bigla akong napatigil nang marinig ang pangalan ko. Lumapit sakin yung tumawag at pinayungan niya ko.

“Bakit ka naman sumugod sa ulan? Wala ka bang payong?,” sabi niya.

Nung una hindi ko maaninag kung sino itong nagsasalita dahil medyo madilim na ang paligid. Pero ater a few seconds nagregister na din sa utak ko kung sino to.

“Hans?,” tanong ko.

“yup. Ako nga. Anong ginagawa mo dito? Kanina pa awasan ah.”

“Ah. Ginabi na kasi ako kakaintay ng tricycle,” sabi ko nalang.

Si Ace Hansel Miranda o mas kilalang Hans eh ang escort ng school namin. Hindi ko na kelangan na idescribe kung gwapo ba siya o hindi dahil nakita niyo na naman ang salitang ‘escort’ w/c means alam nyo na.. and w/c also means isa din siya sa mga nakatalaga para sa pageant kaya magkasama kami sa pag-aayos ng school pageant. Ibang-iba siya kay Kurdt. I mean, oo pareho silang gwapo, matangkad at nasa star section pero sabi nila eh si Hans daw yung tipo ng lalaki na nagseseryoso sa babae. Nakakatatlo o dalawa palang ata siyang girlfriend. I don’t really know kung ano pa ang mga facts about dito kay Hans dahil minsan ko lang naman siyang makausap. Ngayon ko nga lang at ‘to nakausap outside ng room ng SBO.

“Ganun ba? bakit kasi dito ka nag-aantay ng tricycle. Lika ihahatid na kita,” yaya niya.

“Ah. Wag na. wag na.nakakahiya naman sayo, maaabala ka pa.”

“No. I insist. Tsaka baka magkasakit ka pa no, malapit na ang foundation day, kelangan full force tayo sa pagpaaayos ng event.”

Ay, so ganun? Inaalala ang kalusugan ko dahil baka mabawasan ng tagagawa sa event? Pero oo nga naman. Kelangan nga nang efforts and presence namin para maging success ang foundation day.

“Okay. Sabi mo eh. Basta huwag kang aangal na masakit na ang paa mo kakalakad?”

Medyo naman parang nakita ko sa mukha niyang naghehesitate siya na ihatid ako pero hindi pa din niya sinabi  na hindi na niya ako ihahatid. “ah. O-okay lang yun no. San ba ang sa inyo?”

Hmm. Gentleman. Haha. “Basta dun!” tinuro ko yung daan sa gitna namin since tatlong kalye ang makikita mo mula dito sa may waiting shed. Isa sa left side, isa sa right side at isa sa middle. Nagsimula na kaming maglakad at sobrang tahimik namin. Pano ba naman kasi hindi kami masyadong magkakilala tapos magkashare kami sa iisang payong, ang awkward tuloy. Kaya naman nagsalita ako.

“Naibigay ko na nga pala yung lists ng mga candidates kay Sir Cabal, kelan ba magsisimula ang practice nila?,” tanong ko kay Hans.

“Ah, hindi ko alam eh. Hindi ko pa natatanong si Princess tungkol sa practice pero baka two days, three days from now magsimula na din ang practice,” sagot niya.

“Ahhhh.. Ano pa ba ang gagawin natin bukod sa pagtulong sa practice ng mga candidates?”

“Marami pa katulad ng pagasikaso sa mga sash, crowns and boquets. Kelangan pa din natin na kausapin yung mga sponsors para ng pageant at tsaka pala pati yung mga judges. Then tutulungan din natin yung mga contestants na maghanap ng mga damit na isusuot nila if ever na hindi sila makakahiram o makakapagpatahi. Tapos kelangan din nating itrain sila kung pano maglakad ng tama sa stage.”

“EH?! Pano yun eh hindi ako marunong nun. Yung mga poise poise na yan, hindi ko alam kung pano, tas ituturo pa natin sa kanila? Baka lakad ng robot lang ang maituro ko dun.”

Bigla naman siyang tumawa sa sinabi ko. “Hahahahaha. It’s okay. Princess can do that. You know her.”

Ay oo nga pala. Pagdating nga pala sa mga pagrampa rampa eh si Princess yung muse namin ang maaasahan mo. Siya pa. Eh yun ang mga gustong-gusto niya.

The Playboy's First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon