The Mayon Volcano, also known as Mount Mayon, is an active volcano located in the province of Albay, on the island of Luzon in the Philippines. It is one of the most active volcanoes in the Philippines and is known for its perfect cone shape, earning it the nickname "Perfect Cone".Makikita ninyo sa larawan ang labi ng isang simbahang Franciscan na itinayo noong ika-16 na siglo, ngunit nawasak ng pagsabog ng Bulkang Mayon noong Pebrero 1, 1814. Ang simbahan ay itinayo noong 1587, ngunit sinunog ng mga pirata mula sa Olanda noong 1636. Ito ay muling itinayo noong 1724, ngunit nawasak ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Ang Cagsawa Ruins ay ngayon ay isang popular na destinasyon ng turista. Ito ay isang simbolo ng kapangyarihan ng kalikasan at ang pagiging matatag ng mga tao sa Albay. Ang Cagsawa Ruins ay isang pambansang kayamanan at isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.
❀❀❀
ABALA ang mama ko sa kanyang pagluluto ng iba't ibang putahing ulam at mga pagkain, habang ako naman ay naisipan ko na maglibot-libo dito sa sikat na pasyalan sa aming lugar.At dahil walang magbabantay sa'kin ay sinama nalang ako ng mama ko sa pwesto nya na kung saan ay dito sya nagtitinda ng mga pagkain.
Hindi naman ito ang unang araw na punta ko rito maraming beses narin. Nawiwiling kasi akong panoorin ang magagandang tanawin dito lalo na ang isa sa mga pinaka paborito kong titigan ay ang bulkan. Amaze na amaze talaga ako sa Mayon Volcano ang ganda-ganda nya e, 'yun bang hindi ako nagsasawang pakatitigan ito. Tunay nga na ipinagmamalaki naming mga taga Albay ang Mayon dahil sa tinataglay nitong ganda na dinadayo pa ng mga tao o turista.
Naupo ako sa may damuhan na kung saan tinatanaw ko ang Mayon. Mayroon akong bitbit na snack na ibinigay sa akin ni mama kanina lang. Habang nakatuon ang paningin ko sa perpektong kono hindi ko namalayan na may isang batang lalaki ang lumapit sa akin at inistorbo ako sa pagmumuni-muni ko.
" Ang ganda noh? " napakonot noo naman akong napagawi ng tingin sa sumulpot na isang batang lalaki na hindi ko kakilala.
Hindi sya nakatingin sa akin kundi doon sa Mayon na parang namamangha rin dahil sa laki nitong bulkan. Muli ito nagsalita na syang ikina taas ng kilay ko.
" Mayon Volcano is look like you. " may tamis na pagkakasabi nya.
Nakataas parin ang mga kilay ko. " Huh? "
YOU ARE READING
A GIRL OF MAYON ( Bicolana )
RomanceIsang dalaga na may malalim na koneksyon sa Mayon. Bagamat hindi na maalala ang tunay na mukha ng kanyang unang pag-ibig, patuloy pa rin niyang dama ang kanyang presensya sa bawat pagtanaw sa bulkan. May taglay na tapang at determinasyon na harapin...