CHAPTER 1

11 1 0
                                    

KAKABABA lang naming tatlong magkakaibigan sa jeep, galing ako sa trabaho at ang dalawa naman ay galing sa school nila. Habang binibaybay ang kaniya-kaniyang bahay ay bigla nalang kami nagkatuwaang magkakaibigan. Mistulang mga baliw dahil sa ginagawa naming kalokohan, pagtalagang nagsama kaming trio para talaga kaming baliw na nakawala sa mental hospital.

Sabay-sabay naming isiningkit ang mga mata na parang may namumuo namang kalukuhan sa isipan namin tatlo. Humiwalay ako sa dalawa at tumuntong sa patag na bato na giniwang kong stage at tumayo ng tuwid na para beauty queen ang datingan.

" Hello! Universe! My name is Mayonah Albayana Esperanza 22 yrs of age from the Bicol region of Albay, PHILIPPINES! " nagsipagpalakpakan ang dalawa na may kasamang pang nagchecheer.

Ako naman todo todo parin ang pagfefeeling miss universe at ginawa ko pang crown and dalawa kung kamay tapos may pawagayway pa sabay flying kiss. Para nga talagang baliw. Iba ang saya ko kapag kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan. Bata palang ay sila na ang nakakasama ko at magkakaklase rin kami hanggang high school. Same vibe and same dreams.

" Pwedeng-pwede ng ilaban sa Miss Universe " aniya ni Nica.

" Baka ikaw na 'tong makasungkit ng korona. Ilang years na hindi parin natin nababawi ang crown ng pilipinas. " patuloy naman ng isa na si Arabella.

" Ah! basta ako si Catriona Gray lang ang pinaka paborito kung beauty queen sa lahat. Walang makakapalit. " pagmamalaking sabi ko. Nagkatingin ang dalawa hanggang sa nag umpisa na ulit kaming tatlo maglakad.

Nasa may dulo pa ang bahay namin kaya medyo malayo layo rin ang lalakarin. Hindi nakakapasok ang trycle rito at tanging motor lang ang kasya sa daan. Tsaka mabukid narin ang dadaanan dito kaya mahirap talaga makapasok ang mga sasakyan.

Sales lady pala ang trabaho ko ngayon. Maliban sa akin nag aaral ng college sina Nica at Arabella ang kaibigan ko. Swerte nila dahil nakapagcollege agad sila, samantalang ako sa isang taon pa bago makapagcollege. Kailangan ko kasi paunahin muna ang dalawa kong kuya. Isang taon nalang din ay gagraduate na ang isa sa mga kuya ko. Hindi na ako sumabay pa dahil medyo mahal ang tuition nila, yung isa kung kuya engineering ang kinuhang course at ang isa ko pang kuya ay criminology naman kaya magastos talaga. Kumbaga nagparaya nalang muna ako total isang kimbot nalang ay gagraduate narin yung engineer kong panganay na kapatid. So sa ngayon magtatrabaho muna ako para naman hindi ako maging tambay at palamunin.

" Sige mga sis una na ako. " Paalam ko sa dalawa ng nasa tapat na ako ng gate namin.

" Bye!bye! " Paalam rin ng dalawa.

" Kita tayo mamaya. " habol ko sa kanila. Tumango ang dalawa at nagpatuloy na silang maglakad.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso kaya madalas ako ang lagi ang trip ng dalawa kong kuya at utusan rin nila. Hirap talaga maging bunso. Pero at least ako ang paborito anak nila mama at papa.

" Wala pa ba si mama, pa? " tanong ko ng makapasok ako sa bahay. Naabutan kong nanood ng tv si papa. Nagmano naman ako ng lapitan ko ito.

" Maya pa siguro uwi 'non "

" E, sila kuya pa? " Sunod na tanong ko at dumeritsyo sa kusina para uminom ng tubig.

" Baka nasa labas na naman ang mga 'yun " Saad ulit ni papa.

" Pa! Hindi man lang ba nagkapagsaing sila kuya bago lumabas. " inis na sabi ko. Ang tatamad talaga ng mga kumag na 'yun.

Hindi si papa kumibo dahil busy rin ito sa panonood ng tv. Mga lalaki talaga dito sa bahay buti nalang consider si papa dahil galing ito sa palayan malamang nagpapahinga ang papa. Pero yung dalawa? Tsk sa school sila galing akala mo naman sobrang pagod  na pagod na. Alam ko na marami din gawain sa school. Pero para lang sila magsasaing hindi pa magawa. E may oras pa nga sila lumabas ng bahay ni maski makapagsaing man lang ay hindi pa binigyan ng kaunting oras. Tapos uuwi na naman silang dalawa kapag kakain na.

A GIRL OF MAYON ( Bicolana )Where stories live. Discover now