CHAPTER 2

23 1 0
                                    

MAAGA ako nagising at naabutan ko nag uusap ang mama at papa sa may kusina habang nagluluto ng almusal si mama samantalang si papa naman ay nagkakape na.

" Ma, pwede ba ako sumama sa cocoy food Garden? " tanong ko kay mama nangmatapos kong magmogmog at maghilamus ng mukha.

" Wala kabang pasok sa trabaho mo? "

" Lunes, Myerkules, at Biyernes ang schedule ko, ma. Ni reschedule kasi ang iba sa amin dahil may mga working student din na gustong mag apply. " paliwanag ko habang nagtitimpla ng kape.

" 'O sige total mag-isa ka lang naman dito. At para may katulong naman ako. "

" Nga pala ma, pwede po ba sumama sayo kapag wala ako trabaho? "

" Oo naman anak. "

" Thank you ma, " ngiting saad ko.

" At gusto lang makaganti kamu sa mga kuya nyan. " sabat bigla ni papa. Tama si papa. Hindi pa ako lubos nakaganti sa mga kuya ko. Kaya nga hindi lang ako mag-i-stay dito sa bahay kasi alam ko na uutos-utos lang ako ng mga 'yun.

" Hindi ka nagkakamali dyan pa." nagkunwari akong nagdadrama at fene-feel ang linyahan na lumalabas saking dila. " Dahil magmula ngayon ipaparanas ko rin ang pait at pighati ng isang api- ARAY! " napahiyaw ako dahil sa lakas na pagbatok na kung sino mang salarin na muntik ko nang ikasubsob sa lababo.

Buti nalang mabilis kong na-i-balanse ang katawan ko sa may lababo kundi putok sana labi ko ngayon.

" Ang aga-aga ang ingay muna. " kahit kailan talaga gusto nya laging pinapa-init ulo ko.

" Kung makapagbatok ka akala mo hindi ako madidisgrasya ha!. Pano nalang pala kapag nasubsob ako sa lalabo at pumutok ang labi ko. Kaya mo kaya pagalingin agad?! " matinis na sigaw ko kay kuya Sevi.

Sya talaga laging nag uumpisa ng iritasyon ko. Kaya nga hanggat maaari ayukong nakikita sa umaga si kuya Sevi. Kasi sya agad ang nagdadala ng kamalasan sa maganda kong umaga.

" Haynaku! Nag-uumpisa na naman kayo ki aga aga. Away agad. " singit naman ni mama nang matapos nya ng maluto ang almusalan namin.

Inirapan ko si kuya Sevi at naupo na sa may lamesa. Kapatid ba turing nito sa'kin o kaaway? Gustong gusto nya talaga na bwesitin ako at ilabas ang piga ko sa kanya.

NARITO na nga pala kami sa cocoy food Garden. Mahigit ilang taon narin nagtitinda si mama ng mga iba't ibang pagkain dito. Naalala ko pa na lagi nya akong sinasama kapag nag-iisa lang ako sa bahay, maski nong nasa highschool na ay nagpupunta padin ako rito. Gumagaan ang pakiramdam ko satuwing nakikita ko ang ganda ng paligid maging ang isa sa mga paborito kung view at 'yun ang Mayon Volcano. Hindi na ako magtataka kung bakit kay bilis mag-init ang ulo ko dahil din siguro sa katangiang ng isang mayon na syang ipinangalan rin sakin ng magulang ko. Pinagdagdagan lang nang A at H kaya naging Mayonah.

Labis ang tuwa at galak sa puso ko ng malaman kung saan nang galing ang pangalan ko. Ikweninto sa'kin ni papa ang paglilihi ni mama sa mayon ang weird diba? pero totoo 'yun. Gustong gusto raw kasi ng mama na laging nakikita ang mayon kaya nga panay rin ang punta nila dito dahil mas kita ang hubog at ganda ng mayon sa lugar na ito. Kung hindi nyo naitatanong kung maganda rin ba ako gaya ng Mayon? of course 99 % saktong lang ang kulay ko hindi gaano kaputi hindi rin gaano kayumangi yung bang pinaghalo lang parang creamy ha? may ganun bang kulay? HAHAHA charottt. Basta bahala na kayo mag-isip.

Kaya nga gustong-gusto ko ang istorya ng mayon. Si magayon at si ulap. Nakakainggit naman ang love story nila kahit sa dulo pareho silang namatay walang happy ending pero at least magkasama parin sila sa kabilang buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A GIRL OF MAYON ( Bicolana )Where stories live. Discover now