Kabanata 1

1 0 0
                                    

KABANATA 1

Ano kaya ang buhay doon sa syudad? Panigurado ay maraming sasakyan doon. Nais ko rin namang mag-aral doon. Experience na rin kumbaga. Kaya naman napag-isip-isipan ko na noong nakaraan upang makapagdesisyon na agad.

"Ito, baon mo Bella." Sabay abot sa akin ni mama ng pera.

It's only worth 400 pesos. Ayos lang naman, kaya lang sa budget. Basta ba'y makarating ako sa aking pupuntahan.

"Salamat, Ma." Niyakap ko si mama.

"Mag-ingat ka doon, anak." Kumalas ako sa aming pagyakap ni mama.

"Maraming salamat ho, pa." Siya naman iyong niyakap ko.

"Balik ka ate ha?"Ani Luciana.

"Oo, naman. Pagkatapos ng school year nato, babalik ako dito." Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Paalam, Lucas." Niyakap ko silang magkapatid saka kumalas na rin pagkatapos. "Alis na ako, ma. Magpapadala ako ng sulat."

"Oh, sige anak. Mag-ingat ka palagi ha. Magpapadala kami ng Papa mo kung ano ang ibang kailangan mo doon."

"Opo." Sumampa na ako sa tricycle.

Kanina pa naghihintay ang driver sa akin. Baka nga ay naiinip na siya. Nagmamadali na lang rin ako.

Isang bagpack lang ang dala ko. Kunti lang naman yung mga damit ko saka isang sapatos lang ang dinala.

"Babye, Ate Bell!" Rinig kong sigaw ni Luciana dahilan upang mapatingin ako s a aking likuran.

Umaandar na yung tricycle.

"Pasalubong, Ate ha!" Ani Lucas.

Kumaway naman ako sa kanila saka binaling na lang ang atensyon sa daan. I'll surely miss them.

Nang malayo-layo na kami ay tinanong ko ang driver.

"Kuya, alam mo ba po kung nasaan ito? Iyong masasakyan ko po papunta diyan na lugar."

Pagsulyap ng driver sa cellphone ko ay para bang nag-iisip ito.

"Anong eskwelahan 'yan?" Kunot noo niyang tanong.

"La Trinidad ho." Sagot ko.

"Uh.. hindi pamilyar sa akin ang eskwelahan na yan. Magtanong ka na lang diyan sa kanto. Ngayon ko lang 'yan narinig. Diyan ka ba mag-aaral?"

"Oo, sana. Kapag makapasa."

"Ano ba yung maganda sa eskwelahan na 'yan dahilan upang lumuwas ka dito sa probinsya?"

"Nakita ko lang ho kasi na kapag doon ka nag kolehiyo. Wala kang babayaran na kung ano man. Wala ring bayaran yung dorm nila sa loob ng campus para sa mga estudyante nila."

"Talaga?" Manghang sabi ng driver. "May anak rin ako na magkokolehiyo. Kaso wala kaming pera pang-aral sa kanya. Nagbabalak na nga rin kami na pahintuin na lang siya. Kaso sayang naman sabi ng kapatid ko."

Tumahimik lang ako at nakinig sa mga kwento niya.

"Nakapasa ka na ba?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Hindi pa ho, ngayon lang ho mag take ng entrance exam. Saka nakapagfill-up na ho ako online."

"Online?" Aniya na tila naghahanap pa ng mga salita. "Mahirap makasagap ng signal rito."

"Opo, kaya naman ay pupunta pa ako sa tuktok."

"Pasahan mo nga ako kung anong website 'yan hija. Baka sakaling diyan lang rin magkaroon ng tyansa ang anak ko."

"Sige po."

"Mamaya na kapag nakarating tayo sa bayan."

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bayan. Hininto niya ang tricycle kung saan nagpaparada ang jeep.

"Ito Facebook ng anak ko." Pinasilip niya sa akin ang account. "Iyan lang ang gamit ko ngayon. Di na kasi ako gumawa ng para sa 'kin."

Tumawa siya ng bahagya, sinabayan ko na rin.

Angelina Castro.

I typed her name on Facebook and added her. Then I sent the link of the school where I want to study.

"Salamat ha." Ngumiti naman ito sa 'kin.

My lips form in a straight line and nod as a response.

Tanga ko rin. Tinanong ko pa siya kung alam niya ang eskwelahang iyon. Taga probinsya lang rin naman ang driver. Hindi niya talaga alam.

"Excuse me ho, manong." Tingnan ako ng driver. Nakaparada ang jeep niya. "Alam niyo ho ba kung saan ang lugar na ito?"

Pinakita ko sa kanya ang location na iyon. Kumunot naman ang kanyang noo.

"Hindi ma'am eh.." Umiling siya.

Huh? Eh paano ako makakapunta room kung hindi nila alam.

My eyebrows knitted and stare at the road. Nagtanong pa ako ng ilang beses doon sa mga driver ngunit wala pa ring nakakaalam. Imposible naman.

Uuwi na lang siguro ako? Ito na lang ang naisip ko. Sasabihan ko na lang yung mga magulang ko na hindi na ako natuloy.

Nakayuko ako. Tinitingnan ko na lamang ang aking mga paa na nakaapak sa lupa habang nakanguso.

Beep! Beep!

Inangat ko ang aking tingin at mayroong huminto sa aking harapan na kulay itim na van.

"This is on your way to your trip ma'am." Ngumiti sa akin ang driver saka mayroon siyang katabi na lalaki.

Lubos akong nag-iisip kung paano nila ako nakita at nahanap. Hindi na pala ako mag commute dahil mayroon ng service ang eskwelahan. Malayo dito sa amin, ngunit paano sila nakarating sa mismong araw na pupunta ako sa kanila.

"Paano niyo po nalaman yung lokasyon ko?" Tumawa naman ng bahagya ang driver.

"Check your email please."

Yumuko ako at tiningnan ang aking cellphone. May email nga, nasa notification.

Dear Ma'am/Sir

We highly acknowledged you for choosing our school. We hereby declare that we will look up to you on the day of your trip. We are waiting for your arrival. Have a good day!

Kumunot naman ang aking noo kakaisip.

"Po? Hindi naman nabanggit kung bakit." Sabi ko pa saka tumingin sa mga lalaking nasa harap.

"Sleep well." Iyon na lamang ang kanyang nabanggit saka biglang may umusok.

Naaninaw ko pa na tinakpan nila ng handkerchief ang kanilang ilong.

What is going on....

Nawalan naman ako ng malay. Tuluyang bumagsak ang aking katawan at dumilim ang aking paningin.

"Ma'am.." May naririnig akong boses. Gusto ko ng dumilat ngunit gusto pang pumikit ng aking mga mata. "Ma'am.." Kanina niya pa ako tinatawag. "Ma'am.." Ilang beses yata ako tinawag bago tuluyang naidilat ang aking mga mata.

"Good day. We just arrived to your destination." May nagsalita naman na artificial intelligence sa sasakyan.

Ang tanging naalala ko lang ay mahaba akong nakatulog.

Bumaba iyong lalaking nasa front seat saka  pinagbuksan ako ng pinto. Nanibago ako sa aking mga nakita sa bintana. Umayos ako at bumaba ng sasakyan.

This school was surrounded by trees?

Nagtaka naman ako.

"Saang lugar po ito?" Tanong ko sa lalaking bumaba na siyang nagbukas sa pinto ng sasakyan.

Tiningnan niya lamang ako at wala akong nakuha na sagot.

Seen zoned.. sa personal.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Yet this school is huge. Napakalawak ng field. It is all surrounded by greens. Mayroong mga puno. Siguro ang yaman ng may-ari nito.

Tuluyan akong lumakad sa loob ng campus.

Bite The Dust Where stories live. Discover now