Kabanata 2
Iba ang atmosphere sa buong field sa eskwelahan nito. Para bang mayroong kakaiba sa hangin. It seems so dark and lonely.
Ngunit isinawalang bahala ko lamang ito. This is only my gut feeling na parang may kakaiba. Parang may kakaiba sa lugar na ito.
"Good morning, Ma'am." Napatalon ako nang biglang may nagsalita.
Guard lang pala. Napatalon pa ako sa gulat.
"Naku po! Akala ko kung sino." Sabay hawak at hagod sa aking dibdib dahil sa kaba.
"Pasensya na ho, Ma'am."
"Ayos lang ho." Kahit muntik na akong atakihin sa puso. Lumakad na siya palayo. "Ay! Kuya!" Huminto at lumingon sa akin iyong guard.
"Ano ho, iyon Ma'am?" Tanong niya.
"Alam niyo po ba kung saang kung saang building at floor iyong nag e-entrance exam?"
"Opo, Ma'am." Tumango siya. "Iyang ibang building diyan. ABM department, nasa ikalawang palapag."
"Ahh, sige. Salamat ho." I nod and he did same as I act as I walked out.
Apat na building ang narito, hindi ko pa alam yung iba. May agriculture kaya rito? Education? Nakalimutan ko yung nation sa website kung ano pa ang mga course na nasa kanila. Marami pa naman yung mga kurso, kaso nakadepende lang kung ano ang ino-offer ng eskwelahan.
Sinunod ko lang yung sinabi nung guard. Pumasok ako sa ibang building saka dumiretso lang. Maganda rin pala ang eskwelahan nila ngunit parang luma na.
Sa paglalakad ko ay may nakita akong estatwa na nakahawak ng libro. Naka formal suit ang estatwa saka mayroon siyang pormal na sumbrero. May nakaukit doon.
La Trinidad 1894
Nasagot agad yung nasa utak ko ah. Matagal na nga 'tong eskwelahan kaya pala ang luma na tingnan. Nais ko pa sanang maglibot. Para naman kapag nagsimula na ang eskwela ay hindi ako mawawala. Ma familiarize ko yung mga silid dito. Kung saan yung faculty room, banyo, gym. Pero siguro masasanay rin ako no? Kapag nag-umpisa na ang klase.
Nakaapak na ako sa ikalawang palapag. Sinundan ko lamang ang daan na parisukat hanggang sa makita ko ang isang silid na mayroon ng nag entrance exam.
"We're on the second batch." Napatalon ako nang mayroong nagsalita sa aking likuran.
My entire system is screaming! My goodness! I almost died on a heart attack! Ikalawang beses na 'to!
Sino ba naman ang hindi magugulat dahil sa sobrang tahimik rin ang eskwelahan na ito. Baka sa susunod na kakabahan ako mamamatay na ako.
My goodness people!
Kabado pa naman ako kahit hindi nagkakape.
"I'm sorry if I startled you." Anang babaeng kumausap sa 'kin.
Napapikit ako saka huminga ng malalim.
"Ayos lang yun."
I know, yeah. Ayos lang naman pero nakakamatay.
"Take a sit." Aniya saka sumunod na lamang ako sa kanya na umupo. Magkatabi kami.
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya.
Her hair is straight, bagsak na bagsak ang kanyang buhok. Iyong tipong parang nagparebond. Mayroon siyang bangs, mistiza siya, matangos ang kanyang ilong, singkit ang kanyang mga mata and she's also neat and clean.
Wow, she's really gorgeous. Wala kang makikitang pimples sa kanya. Kung lalaki lang ako, unang kita palang sa kanya ay natameme na 'ko.
"Yes, I am ten minutes late on the first batch of entrance exam. One instructor told me I should wait for the second batch."
Tumango naman ako. Parang yung kausap ko si Luciana. English ng english. Kailangan ko ring i-train yung utak ko sa english no? Para naman kaya ko na ring magsalita ng tuloy-tuloy. Hindi yung english na tipong nasa utak ko lang.
Magaling sa utak mag english ngunit hindi naman masabi ng tuloy-tuloy.
"Ano yung kukunin mong kurso?" Sinimulan ko na ngang mag interview sa kanya.
"BSBA." She said. Tumango naman ako. "How about you?"
"Likewise." I smiled.
"Marketing or Financial?"
"Marketing." I replied.
"Oh, likewise." Tumawa naman kaming dalawa ng bahagya.
"May lahi ka ba?" Tanong ko sa kanya ng mga ilang segundo lang.
"Yeah, my father is Korean while my mom is a Filipino."
"Wow!" Manghang sabi ko. "Kaya pala ang puti mo tapos ang ganda mo pa!"
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Shhh, don't shout. They are taking we exam."
Tinakpan ko naman agad yung bibig ko.
"Pasensya na." Nagulat lang ako. "Hindi ko akalain na may makakausap akong koreana. Kaya pala ang kinis-kinis mo tapos Ingles ka ng Ingles."
She put her palm on her face and shake her head.
"Wow! Ang luwag talaga ah. Next time punta tayo doon sa ibang building." Dinig namin ang ibang estudyante papalapit dito sa amin.
"Sigurado ba kayo na papasa na sa exam?" Sabi pa nung Isang babae.
They are in one group consist of three members.
"Oo naman! Scholarship nga 'to 'di ba? Joke time lang 'yang entrance exam nila dito. Alam ko 'yan, kunwari lang 'yan pero pasado tayong lahat."
Humagikhik naman sila.
Iyong kasunod naman nila ay tatlong lalaki rin.
Perfect pair!
Ngunit sa tingin ko ay hindi sila magkasama. They belong on different group. The other one looks annoyed. Iyong nasa gitna ang tinutukoy ko. Yung dalawa naman na nasa kaliwa't kanan niya ay abala sa pag ngisi.
"Noisy idiots!" Reklamo pa nung nasa gitna. "Hey." Tawag nung lalaking nasa gitna sa mga babaeng nangunguna sa kanila. "Stop that chitchat. It pissed me off."
"Bakit? Ka ano-ano ba kita?" Tumaas ang kilay ng babaeng nasa gitna.
"Don't you even used your mind? The guard said there's taking an exam here."
"Pakialam ko?"
"Wala ka nga talagang utak." Diin niya. "Ang bobo mo."
Umigting ang panga niyang tinutukan ang babae.
"Get out of my way." Lumipat ang aming tingin sa lalaking kakarating lang.
Nabighani naman ako sa kanyang pagdating. Whoa! Is he even real? Totoong tao ba ang nakikita ko o Isang karakter sa romance movie o libro.
Damn! Ang pogi niya.
Mataas ang kanyang buhok kaya pinusod niya ito. Mayroon pang kunting naiwan na bangs. His hair is brown, hazel eyes, pointed nose, cherry lips, white, tall and handsome as hell. Makisig ang kanyang pangangatawan. Blanko ang kanyang tingin. Umiigting pa ang kanyang panga.
"Omo.."
"Whoa..." Nabanggit ng dalawang babae.
Tumabi sila saka sinundan namin ng tingin ang bagong dating na lalaki. He walked straight and sat on the other chair.
Lumunok naman ako.
My goodness! Ang gwapo talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klaseng nilalang. Saang lupalup ba siya nanggaling.
"The fuck.." Banggit ng babaeng katabi ko.
Para kaming mga asong gutom kung tumingin sa kanya. Tumutulo ang laway kakatitig.
YOU ARE READING
Bite The Dust
Mystery / Thriller#UniversitySeries1 A school series where they are fed by a demon. A survival mystery romance that can catch you out of breath. A sweat, blood and tears. To love is to sacrifice.