SIMULA
Abala sa paglalaro ang aking dalawang kapatid sa labas ng bahay kasama si Papa.
"Anak, mag first year college ka na. Saan ka mag-aaral? Wala akong maisip na eskwelahan." Tanong sa akin ni mama habang nagtatadtad ng gulay. Ako naman ang naghaharos ng malunggay.
Dito sa probinsya namin ay malayo ang eskwelahan para sa mga kolehiyo. Ngunit sa elementarya ay makikita mo lang rito.
"Hindi ko alam, Ma." Sabi ko. "Maghahanap ako ng eskwelahan na may iskolar. Iyong wala na tayong masyadong bayaran. Para hindi kayo gaanong naghihirap ni Papa. Makalikom lang ng pera para sa akin."
"Anak, responsibilidad namin 'yan ng Papa mo dahil mga magulang mo kami."
"Ngunit sa tuwing nakikita ko kayo na naghihirap dahil sa akin ay hindi ko kaya." Ani ko. "Hahanap ako Ma, babalitaan na lang kita."
Matagal ko na talagang inasahan na sa malayo ako mapadpad.
"Mama! Ate Bell!" Nailipat namin ang aking atensyon kay Luciana na tumakbo papalapit sa amin. "Come play with us!"
Bahagya naman akong natawa.
"Wow, english ah." Ani ko sabay ngisi.
"Tinuruan kami ng teacher." Sagot niya naman. "Sabi ng teacher ko mabilis raw akong matuto."
Alam kong magaling siya. Mabilis siyang matuto kesa sa kambal niyang si Lucas.
"Ate, gawa tayo ng paper plane sa labas." Pag-aya niya sa akin.
Tingnan ko naman si Mama at tumango siya.
"Hindi ako marunong eh. Saka may ginagawa pa kami ni mama." Sumimangot naman bigla ang kanyang mukha.
"Sige na Bella. Pagbigyan mo na ang kapatid mo. Minsan lang 'yan."
"Yes! I'll teach you how to do it." Ngumiti naman ako saka sumunod na sa kanya palabas.
Naabutan ko sila Papa na gumagawa ng paper plaine. Mayroon pang bangka.
"See, ate? Tingnan mo gawa namin ni Papa."
Ang mas napansin ko ay si Lucas. Salubong ang mga kilay nitong nagtutupi ng papel. Seryosong-seryoso siya sa kanyang ginagawa.
Ngumisi ako.
"Sige, Lucas kaya mo 'yan." Tingnan niya ako ngunit deadma lang. Hindi talaga iyan namamansin. Masungit siya. "Seryoso ah. Parang gagawa ka talaga ng totoong eroplano."
"Hayaan mo 'yan ate. Tayo na lang maglaro."
Kakaiba rin itong si Luciana. Hindi talaga sila magkakasundo. Kambal na kabaligtaran ang ugali sa isa't-isa.
Nagpalipad kami ng eroplanong papel. Tuwang-tuwa naman si Luciana.
Nang makita kami ni Lucas na nagsasaya ay tumayo siya saka dinampot ang eroplanong papel at barko niya.
"Sasali ako! Tingnan niyo sa 'kin mas maganda ang lipad!"
Paglipad nito ay humagalpak ng tawa si Luciana.
"Pft! Anong klaseng lipad 'yan Lucas!"
Paano ba naman ay sa kung saang direksyon pumunta ang kanyang eroplanong papel.
"Ah! Nakakainis!" Reklamo ni Lucas dahil napahiya siya. "May isa pa naman ako dito!"
Diniwal niya ang kanyang dila Kay Luciana.
"Sige, try mo!"
Sa pangalawang subok niya ay sablay pa rin.
"Tama na 'yan Lucas! Tanggapin mo na lang na palpak ka gumawa." Tinawanan ulit siya ni Luciana.
"Lucy, huwag kanng ganyan." Ani ko sa mahinahon na tuno.
Minsan sumusobra rin itong si Lucy. Lumalaki iyong ulo. Ang resulta magagalit si Lucas. Siya pa ang maging masama.
"Gawan ka namin ni Lucy, okay? Para naman matama iyong paglipad saka tuturuan ka niya."
"Ayoko nga!" Pagtanggi ni Lucas.
"Sige na." Pagpumilit ko pa.
Umiling siya. Hindi ko naman siya tinigilan. Nagtatampo lang 'to, alam ko.
"Papayag naman si Lucy na siya ang gumawa." Ani ko. "Di ba, Lucy?" Tinaponan ko siya ng pagpayag na tingin.
Nasa likuran ko siya. Mahaba rin ang pride nitong dalawa.
"Fine." Aniya nang nakaismid.
"Oh, see? Tara na."
Gumawa ulit kami ng eroplanong papel para kay Lucas.
"Mamaya ko na lang to ipapalutang sa tubig." Tukoy ni Lucas sa kanyang barkong papel. "Ligo tayo mamaya sa sapa ate."
"Sure." Ngiti ko.
"Kain muna kayo bago maligo." Pagpapaalala ni Papa sa amin na ngayon ay siya na ang tumutulong kay mama na magluto.
"Opo, Papa!" Sabi naming tatlo saka tumawa dahil nagkasabay.
Pinalipad na rin namin yung bagong gawa nang matapos. Tuwang-tuwa si Lucas, tinuruan namin siya kanina. Sinabi niya na siya na ang gagawa sa kanya.
Pagkatapos ay tinawag na kami ng mga magulang na pumasok sa loob ng bahay at kumain na. Biniro-biro lamang kami ng Papa kaya natatawa. Palabiro itong ama ko, buti na lang ay natatawa kaming mga anak niya kahit na minsan corny ito.
Naligo na rin kami sa sapa. Ako ang nagbabantay sa dalawa. Nakakatuwa silang pagmasdan, lalo na kapag nagkasundo. Iyong sakit sa ulo natatanggal.
"Mama. Punta muna ako doon sa tuktok. Maghahanap ako ng signal."
Pumayag naman si Mama. Dinala ko ang aking cellphone saka lumakad patungo Ron sa itaas. Dadaan pa ako sa kakahuyan, hapon na. Nakakatakot rito. Ang daming mga kababalaghang kwento sa aming lugar.
Dito lang makakahanap ng signal. Nag search naman ako sa mga eskwelahan na public pang kolehiyo.
Sana merong malapit dito sa amin. Para hindi ako masyadong lalayo sa aking pamilya. Iyong mga kaklase ko nasa ibang lugar mag-aaral dahil mahirap daw rito. Hindi na nila kayang tiisin.
Ilang minuto akong nag scroll at pumindot ng kung ano-anong site ngunit mayroon ka pa ring babayaran. Missilenuce fee.
Naghanap ako ulit. Pinindot ko iyong panghuling eskwelahan na nakita ko na nagngangalang "La Trinidad Unibersidad".
When I clicked the linked, it shows what the school promote. They offer full scholarship, free dorms, no miscellaneous payments. My eyes widened when I saw it. But when I read the location of its school I slowly stop reacting.
It's far from us. Kailangan ko pang bumyahe ng apat na oras.
When I get home. Tinanong ako ni mama dahil tumahimik ako at parang mayroong malalim na iniisip.
"Anong desisyon mo, Bella." She asked.
I pouted my lips. "Hindi ko alam, Ma. Ayos naman ang opportunidad na 'yon pero malayo."
Sinabi ko sa kanya kung ano yung nahalungkat ko sa website at sa kung anong meron sa eskwelahan na yun. Mayroon pa ngang video sa lugar. Ayos naman siya para sa 'kin kaya lang malalayo ako sa mga magulang ko.
"Ayos lang naman sa amin nak, makapagtapos ka lang ng pag-aaral. Basta ba'y maganda ang buhay mo doon. Magpapadala kami sa abot ng makakaya para sa 'yo."
"Kung ano iyong desisyon mo anak. Susuportahan ka namin." Ani mama.
Kailangan kong mag desisyon kung anong nakabubuti sa akin at sa amin. Makapagtapos lang ako ng pag-aaral.
YOU ARE READING
Bite The Dust
Mistério / Suspense#UniversitySeries1 A school series where they are fed by a demon. A survival mystery romance that can catch you out of breath. A sweat, blood and tears. To love is to sacrifice.