Kabanata 3

2 0 0
                                    

Kabanata 3

Pinaupo na ang lahat ng estudyante. Lumabas iyong nagbabantay sa amin sa Pag entrance exam. Narinig ang ingay sa loob. Hiwa-hiwalay naman kami sa pag-upo. Nasa tabing upuan namin iyong lalaking nakapusod ang buhok. Sunod naman ay iyong tatlong mga babae at lalaki.

Well, he is only alone on his seat.

"By the way, what's your name?" Tanong ng katabi ko.

"Bell." Ani ko. "Pwede mo akong tawagin na Bella, sa 'yo ba?"

"I'm Park Hyun Hee."

"Ahh." Tumango ako. "Complete name ko pala. Bell Andres de La Vega."

Ngumiti ako.

"Ilang taon ka na?" I asked. "17 pa ako."

"I'm 18, magkasunod lang."

"Favorite color?" Tanong ko uli dahilan upang matawa siya ng bahagya.

"Should I say it?" Ngiting sabi niya. "Ano pa kaya ang sunod mong tanong?"

"Hmm.." Ani ko na nag-iisip. Ang aking hintuturo ay nasa aking baba. "Marami pa. Para naman makilala kita lalo. Gusto kitang maging kaibigan."

Tumaas ang kilay niya saka napatango.

Ilang minuto yata kaming nag-usap at nagtatawanan hanggang sa tapos ng mag entrance exam yung first batch.

"You can now get inside." Lumabas yung nagbabantay sa entrance exam.

Pumasok na kaming lahat sa Isang silid. Aircon pala ang isang 'to.

"Doon tayo sa gitna umupo." Ani Hyun Hee.

Tumango naman ako saka sumunod sa kanya. Tiningnan ko iyong lalaking nakapusod ang buhok. Sa likod siya naupo.

Hmm.. looks like he likes being alone.

Mayroon na pala kaming ballpen isa-isa sa mesa.

"Attention." Sabi nung instructor sa amin saka napatingin kami sa kanya. "We'll give you one hour to do the test. Finish or not finish, pass the paper. Understood?"

"Yes Ma'am!" We declared.

"Okay, start answering your test papers now."

Sinimulan na rin namin ang pagsusulit. Isang oras lamang ang binigay sa amin. Nahihirapan naman ako sa bawat test. I am not really good at this. Ngunit alam ko naman yung iba kaya nakakasagot lang ako.

Kahit na narinig ko ang sinabi ng mga kapwa Kong estudyante kanina na wala lang 'tong entrance exam. Gagalingan ko pa rin. Magkokolehiyo na ako, kailangan kong galingan. Dahil ang sabi nila dito raw babasehan sa gradings namin kapag nag a-apply ka na ng trabaho.

Mabilis natapos iyong mga kasama namin. Kaming na lang tatlo ni Hyun Hee at yung lalaking nasa likod ang hindi pa. Lumabas na rin yung iba.

Na pressure naman ako. Nasisilip ko na malapit ng matapos si Hyun Hee habang ako ay nasa mathematics pa. Ang hirap, hindi ako maalam sa mga ganito. Mas matalino pa nga yung kapatid kong babae sa 'kin. Hindi ko na maalala yung mga lessons namin.

Ho! Akala ko ba gagalingan ko 'to. Edi sana nag-aral ako ulit sa nga notes ko. Nakatago pa sa bahay. Ayaw ko kasi isunog yun o 'di kaya'y itapon sa basura.

Tumayo na si Hyun Hee. Talino niya siguro, obvious naman. Saka tumayo na rin yung lalaking nasa likod. Ako na lang mag-isa ang nag e-exam.

"I'll wait outside." Hyun Hee mouthed as I stare at her.

Tumango naman ako.

Di bale na, kakayanin ko 'to.

"Twelve minutes left." Usal nung watcher namin.

Bite The Dust Where stories live. Discover now