Day off ngayon si Kianna kaya pupunta ito sa Puntod ng kaniyang Kambal na si Kevianah. Masyado rin kasing maraming nangyari kaya naman ngayon pa lamang Siya makakadalaw simula ng nailibing ito 2 weeks ago.
"Hi, Bal! Galit ka rin ba saakin?"
Malungkot na bati ni Kianna sa Punto ni Kevianah.Umupo si Kianna sa harap ng Punto ng kaniyang Kambal at tinanggal ang mga ligaw na damo doon.
"Ako pa lamang ang bumisita saiyo, ano? Kasi ang dumi dito."
Ngiti ni Kianna.Biglang humangin ng malakas at biglang nagbago ang panahon, parang uulan ng malakas.
"Hey! Huwag ka namang magalit saakin, Bal. Wala na nga akong kakampi sa Pamilya natin eh."
Biro ni Kianna dahil biglang dumilim ang kalangitan."Alam mo ba Bal? Malapit na natin makuha ang Hustisya. I'm sorry kung hindi lamang sana kita inaya ng Gabi na iyon para samahan ako mag Bar, ako sana ang namatay hindi ikaw. Ang sakit lamang kasi pati Sila Mom at Dad ay hindi ako pinaniwalaan."
Mahinang sumbong ni Kianna sa Puntod ng kaniyang Kambal habang humihikbi.Umulan na para bang nakidalamhati rin ang kalangitan at kaniyang Kambal sa Sakit na nararamdaman.
"Bal, babalik ako ha? Baka maulanan na naman kasi ako at magkasakit. Walang mag-alaga saakin. Kausapin mo naman ako sa Panaginip, miss na miss na kita."
Malungkot na paalam ni Kianna.Paalis na sana si Kianna ng mamataan niya ang Kotse ng kaniyang mga Magulang na pumarada.
Nilapitan niya ang mga ito at nagmano Siya.
"Kamusta po kayo?"
Ngiti ni Kianna sa mga Magulang.Hindi kumibo ang mga ito na parang hindi Sila mapakali.
"Mom, Dad are you okay?"
Takang tanong ni Kianna."Umalis ka na, Anak."
Naiiyak na wika ng Mommy ni Kianna.Bigla namang bumuhos ang Luha ni Kianna sa narinig, ngayon na lamang Siya tinawag na Anak nito at kinausap.
"Miss ko na po kayo!"
Hagulgol ni Kianna."Umuwi ka na, magpalakas ka.
Matatapos din ang lahat ng ito."
Payo ng Daddy ni Kianna."What do you mean, Dad?"
Naguguluhan na tanong ni Kianna."Stop asking questions, go home.
I'll explain everything when the right time comes."
Wika ng Daddy ni Kianna.Bigla namang naintindihan ni Kianna ang ibig sabihin ng kaniyang mga Magulang dahil sa kaniyang pagtingin sa likod ng mga ito ay may nakita Silang Tatlo Lalaki na nakatago sa mga Puno at nakasilip.
Ayaw niyang mapahamak ang mga ito kaya tumango Siya at bago umalis ay pinag-ingat niya mga ito.
"Aalis na po ako, mag-iingat po kayo.
Call kuya Leo if something happens."
Bilin ni Kianna."We will, Anak. We love you."
Bulong ng Daddy ni Kianna."I love you both po."
Hikbi ni Kianna at sumakay na sakaniyang Kotse.Habang nag maneho ito ay napansin niya nag Dalawang Kotse na nakasunod sakaniya.
Patuloy lamang Siya sa pagmaneho at hinanda ang kaniyang .45 Caliber dahil marunong din siyang bumaril.
Nang mapadaan sila sa masukal na Daan ay binangga ng mga nakasunod sakaniya ang Pwetan ng kaniyag Kotse.
Mabuti na lamang at Malaki ang Raptor kaya hindi Siya masyadong nawindang.
Huminto si Kianna at hinintay na lumabas ng Kotse ang mga nakasunod sakaniya.
Hindi siya nagkamali, bumaba ang mga ito sa Kotse at pilit na binubuksan ang pinto ng Kotse ni Kianna.
Kinuha pa ng Babae ang isa pa niyang . 45 Caliber kaya naging Dalawa na ang hawak nito.
Marahas niyang binuksan ang pinto ng kaniyang Raptor at pinaulanan niya ng Bala ang mga ito.
Walang natira sa mga ito.
Napangiti si Kianna dahil hindi pa rin Siya nagbabago sa pag asinta.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNE
RomanceSi Kianna Delos Reyes o mas kilala sa bilang Kia ay isang sikat na Volleyball Player sa kaniyang Henerasyon ngunit naging Sekretarya Siya ni Dwayne Ramos dahil sa isang pangyayari na kontrolado ng Dalaga. Matagal ng may pagtingin si Kianna sa Nobyo...