CHAPTER XX

2 1 0
                                    

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XX

Tahimik ang buong klase habang nag-di-discuss ang isa sa kanilang guro. Lumilipad ang utak ni Ligaya at hindi na rin siya nakapag-iisip ng maayos. Mabuti na lang at hindi siya tinatawag ng propesor dahil kung gayon ay wala naman siyang maisasagot dahil sa kaniyang pagkabalisa.

Pasimple lamang siyang tinitingnan ni Chloe at ng grupo nito. Habang ang grupo naman ni Liam ay nagbubulungan habang tinitingnan siya. Alam niyang siya ang paksa nito dahil nasa kaniya nakapako ang kanilang mga tingin habang nakangiti pang tumitingin sa kanilang mga cellphone.

Ang video na tinitingnan nila sa screen ay ang nangyari kay Ligaya. Pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga ngunit kaagad niya itong pinahid at hinawakan niya ang kaniyang kamay para pigilan ang panginginig nito.

Halos hinahabol na ni Ligaya ang kaniyang paghinga at matindi na rin ang pagtitiim ng kaniyang bagang. Kung hindi lamang kasalanan ang pumatay, ay uubusin niya ang mga tumarantado sa kaniya.

"Good job," inabutan ni Lia si Ligaya ng limang libo dahil sa kinuha nito ang test questionnaire na gagamitin para sa kanilang final exams. "Akala ko magmamatigas ka pa eh." Itinaas pa nito ang kaniyang kanang kilay habang ipinagkrus ang kaniyang mga braso. "But thou shall know your place... Mabuti na lang at natuto ka na rin, lumugar!"

Tumalikod na su Lia para umalis na pero bigla siyang may naisip. Binalikan niya si Ligaya at tiningnan niya ang grupo nila Chloe. "I'm entitled to do what I want to do with her, right?"

"Sure girl." Proud na proud pang tugon ni Chloe na akala mo ay pag-aari nila si Ligaya. Sa bagay, hawak nga naman siya ng mga ito sa leeg.

Nanlaki ang mga mata ni Chloe at ng mga kasamahan niya nang matamo ni Ligaya ang isang malutong na sampal mula kay Lia.

"I waited for so long to do that..." Akala nila ay titigil na ito ngunit hinawakan ng mahigpit ng mga kamay nito ang baba ni Ligaya at pinatingin ito sa kaniya. "Subukan mo lang magsumbong, dahil hindi lang 'yan ang aabutin mo," Lia scorns, "I also have a copy of your video... What a shameful slut!" Marahas niyang binitawan ang baba ni Ligaya at saka umalis na siya ng tuluyan.

"Tsk tsk, how poor..." Pinaikutan ni Ariana si Ligaya habang niyuyupyop ang sigarilyo niya. "You don't wanna mess with us again, right?" Saka niya ibinuga ang usok ng sigarilyo niya sa pagmumukha ni Ligaya. Naubo naman ang kawawang dalagita dahil hindi siya sanay sa usok at amoy niyon. Pinagtawanan pa siya ng mga ito.

Si Ria naman ang lumapit sa kaniya. Lumapit ito sa mukha ni Ligaya. "This day is getting boring," saka niya inilayo ang sarili sa dalaga. Her index finger taps her head three times. "Hmm..." Napapaisip siya kung ano'ng magandang gawin. "I know na! Let's call Liam and his friends!"

Nanginginig na napailing si Ligaya nang marinig niya iyon. "Huwag..." hindi naman siya namamaos ngunit halos wala ng boses na lumalabas sa bibig niya dahil sa pagkabigla at pangamba.

"Come on, Ligaya! It'll be fun!" humagalpak si Chloe ng tawa at napapaikot pa ito sa tuwa. "I mean, you don't want us bored, right? Gusto ko lang na ma-entertain kami... and them of course..."

"Please, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, huwag niyo lang silang palapitin sa'kin..."

"Sino'ng binibiro mo? You don't get to instruct us what we want to do with you. Hindi mo kayang magbayad ng 15 million to save yourself 'di ba?" Sinampal ni Ariana si Ligaya. "'Di ba?!" Hindi ito tumigil sa pagbubuhat ng kamay sa dalaga. "'Di ba?!!" Lumakas ang sigaw nito hanggang sa nagsawa na siya sa mukha ni Ligaya.

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon