TRIGGER WARNING:
This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also words used that are unpleasant and may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.
CHAPTER XXI
Hindi pumasok si Ligaya no'ng araw na iyon. Wala sa sarili siyang pumunta sa Simbahan at tulalang nanghingi roon ng tulong. Balot na balot ng pag-aalala si Claude sa kaniya dahil sa mga visible bruises ni Ligaya.
"Ligaya, sigurado ka ba talagang hindi ka nakahanap ng away ha? P'wede natin 'tong idulog sa mga nakakataas, hija..."
Nasa loob siya ng kumbento at nasa hapagkainan sila. May pagkain at tubig sa mesa niya pero hindi niya ito ginagalaw. Wala ng buhay ang mga mata ni Ligaya nang tingnan niya si Claude.
"Kailangan ko po ng jacket at cap, Ate..." Kumunot naman ang noo ni Claude. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga gayong iba naman ang sinabi niya. Ang layo-layo ng sagot nito. "Giniginaw ho ako..." palusot ni Ligaya na may namamaos na boses. "Hihiramin ko lang ho sana eh. Baka rin umulan pag-uwi ko, madilim pa naman ang langit ngayon... Mukhang wala na siyang pakialam sa mga tao..."
Bawat salitang binibitawan ni Ligaya ay salat na sa emosyon. Hindi na rin siya naniniwalang mayroong Diyos dahil sa kaniyang sinapit.
Humugot ng malalim na hinga si Claude. Hinawakan niya ang malamig at nanginginig pa rin na kamay ni Ligaya. Punong-puno ang mukha ni Claude ng pag-aalala.
"Sige, kukunin ko muna... Mabuti na lang at nandito pa ang mga lumang gamit ko. Ibibigay ko na lang 'yon sa'yo..."
Tulala pa rin si Ligaya kaya tumayo na si Claude at kumuha ng mga hiniling ni Ligaya. Nang tuluyang maglaho si Claude sa paningin ni Ligaya ay tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mata. Kasabay ng pagngangalit ni Ligaya, ay siya namang pagkuyom kaniyang mga palad.
Hindi nag-abala si Ligaya na umuwi sa bahay nila. Sa halip ay sinundan niya kung saan pupunta si Liam. Mukhang nakainom na ito dahil pagewang-gewang na rin kung maglakad, pero alam niyang hindi pa ito uuwi.
Kumukulo ang dugo ni Ligaya. Nangngingitngit siya sa nararamdamang galit dahil sa ginawa nito sa kaniya.
Tahimik lamang ang kaniyang pagbubuntot dito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya ito at isang text mula sa kaniyang ama ang natanggap niya. Nagtago muna siya sa isang banda para replyan ang ama at matapos niya 'yon gawin ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na balikan muli ang trabaho niya.
Pumasok si Liam sa isang lugar na wala masyadong tao. Isa itong rental house na exclusive sa mga mayayaman pero tago ito. Parang ang mga taong tumitira sa bawat kwarto rito ay may ginagawang kababalaghan.
Hindi maaalis kay Ligaya ang kaba, pero gagawin niya ito para makabawi siya. Dinukot niya mula sa kaniyang bulsa ang isang pocket knife at mahigpit itong hinawakan.
Habang umuungol si Liam sa paglalakad dahil sa sobrang kalasingan ay sinamantala niya ang pagkakataon na sakalin niya ang leeg nito patalikod. Dinala niya si Liam sa isang madilim na lugar at wala masyadong tao. Malakas si Liam dahil lalake pa rin ito at kung ikukumpara ang lakas ng dalawa ay walang-wala ang lakas ni Ligaya. Mabuti na lang at lasing si Liam dahil naging advantage ito ng dalaga.
Pumapalag si Liam at kumakalas ngunit ginagamit ni Ligaya ang kaniyang galit para makabuo siya ng pwersa at lakas. Niyayakap niya ang leeg ni Liam gamit ang isa niyang kamay at ginilitan nito ang tagiliran ng binata. Malayo naman iyon sa bituka, nang mapansin na ni Ligaya na lumalaban na talaga si Liam ay binuhos niya ang kaniyang buong lakas para i-untog ang ulo ni Liam sa pader dahilan para manlabo ang paningin nito at masugatan.
Madilim, naka-cap na itim si Ligaya, nakasuot din siya ng itim na jacket, at itim na mask. Duda rin siyang makikilatis siya ng binata dahil lasing nga ito at ngayon ay nakakita pa ng bituin dahil sa kaniyang paghampas sa pader.
Bago kunin ni Ligaya ang cellphone ni Liam ay kinuha niya ang gloves sa bulsa niya para hindi ma-trace ang fingerprint niya sa device ni Liam. Habang umuungol sa sakit ang binata ay dinukot ni Ligaya ang cellphone nito. Hinarap niya ang screen sa mukha ni Liam para mag-unlock sa face recognition. Dahil branded at latest ang phone ng binata ay kaagad nitong na-detect ang kaniyang mukha.
Hawak-hawak pa rin ni Ligaya ng mahigpit si Liam, inuumpog niya ito sa pader sa tuwing gumagalaw.
Tiningnan niya ang album ng cellphone nito at hindi lang mukha niya ang nandoon kundi pati na rin ang video ng ibang mga biktima ni Liam. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon pa at d-in-elete niya ang mga ito. Nang makita niya roon ang video niya ay tinanggal niya rin ito doon. Hanggang sa may isang nakaagaw ng atensyon niya— isang video ni Liam, Chloe, at mga kasama nila na humihithit at high na high. Hindi na nagdalawang-isip pa si Ligaya na i-upload ito kaagad sa social media account ni Liam. Wala siyang pakialam kung ano'ng maging buhay nito dahil kulang pang kabayaran 'yon sa ginawa nito sa kaniya.
Binalik niya sa bulsa ni Liam ang cellphone nito. Tanging blurry ang vision ni Liam pero sa tantsa niya ay alam niyang babae ang kaniyang nakita. Gayunpaman, he can't trust on what he's seeing dahil kagagaling niya lang sa paghithit.
Si Ligaya naman ngayon ang gumanti ng pagsampal kay Liam. Natumba ito sa kalsada at saka paulit-ulit na tinadyakan ni Ligaya ang sikmura nito. Mabuti na lang at lasing ito kaya hindi na siya nahirapan dahil hindi naman makapanlaban. Binuhos ni Ligaya ang kaniyang galit sa pagtadyak kay Liam hanggang sa lumabas na ang dugo mula sa kaniyang bibig.
Bago pa man siya makita roon ay itinigil na ito ni Ligaya.
"Lintik lang ang walang ganti Arkansas..." Nanggagalaiti ang kaniyang boses sa galit. Hindi niya hihintayin ang karma para makuha niya ang hustisyang hinihintay niya. Higit sa lahat, hindi na siya si Ligaya. Dinampot niya ang cellphone nito na nahulog kaka-tadyak niya.
Gamit-gamit niya ang kamay niyang may gloves. Dumulog siya sa numero ng pulis at t-in-ext ito. "May adik dito na nakahandusay sa daan, chief." Sunod niyang kinuhanan ng larawan ang nakahigang si Liam at pinadala iyon sa pulis. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito sa kaniya. Iniwanan niya ang cellphone nito sa daan at saka lumayo na.
The last thing that Ligaya knew, a police siren came to respond. Pero masasabi niya nga bang nakaganti na siya, gayong isa pa lang naman ang bumabagsak sa kanila?

BINABASA MO ANG
FRAGMENTS (COMPLETED)
Fiksi RemajaLigaya, a bright and determined young maiden from a poor family, struggles to overcome the challenges of poverty and bullying as she strives for a better future through education. Haunted by internalized negativity and the constant pressure to succe...