Bella's POV
Apat na taong gulang pa lang ako ng namatay ang Nanay ko, ang Tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa. Ang kwento sa akin ng Tito Nathan ko noon ay naglaho na lang na parang bula ang Tatay ko ng nalaman niyang buntis ang Nanay ko. Nag-iisang kapatid ni Nanay si Tito Nathan kaya sa kanya ako naiwan ng namatay ang Nanay ko. Kahit na may pamilya na si Tito Nathan at mahirap lang din sa buhay ay tinanggap niya pa rin ako sa pamamahay nila at tinuring niya akong parang totoo niyang anak.
Tuwing umuuwi ito galing sa trabaho ay palagi itong may pasalubong sa anak niyang Eloiza. Kung ano ang pasalubong niya kay Eloiza ay ganoon din sa akin, mapa laruan man ito o damit. Ang akala ni Tito Nathan ay tanggap din ako ng asawa niya, pero hindi niya alam sa tuwing wala ito sa bahay ay palagi akong pinapagalitan ni Tita Eliza. Palagi rin akong inaaway ni Eloiza. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maganda ang trato nila sa akin. Ginagawa ko naman lahat ng utos nila, tumutulong naman ako mga gawaing bahay at hindi ako pasaway na bata.
Gusto ko mang sabihin kay Tito Nathan ang ginagawa ng mag-ina niya sa akin tuwing wala siya sa bahay pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong mag-away sila ng dahil lang sa akin.
Hindi na ako nakapagtapos ng college dahil tumigil na ako sa pag-aaral para tulungan si Tito Nathan sa mga gastusin sa bahay. Nagtrabaho ako bilang isang crew sa fastfood. Sa isang University kasi nag-aaral si Eloiza at ang mahal ng tuition niya roon kaya kahit magkandakuba man sa pagtatrabaho si Tito Nathan ay hindi niya kakayanin kung pati ako ay mag-aaral pa. Simula ng pumasok si Eloiza sa isang University ay palagi na silang nag-aaway ni Tita dahil kulang ang sahod ni Tito Nathan para tustusan ang pag-aaral ni Eloiza.
"Kulang na nga ang sahod mo ay may palamunin ka pa rito!"
'Yan ang palaging sinasabi ni Tita Eliza kapag nag-aaway sila. Kung noon ay tinatago pa ni Tita Eliza ang pagkadisgusto niya sa akin, ngayon ay lantaran na ito. Wala namang magawa si Tito Nathan dahil ang sabi niya ay obligasyon niya ang pamilya niya.
Naawa ako kay Tito Nathan kaya napagpasyahan kong magtrabaho bilang isang waitress at dancer sa The Shire, isang high end club. Twice a week ang schedule ko sa pagsasayaw. Hindi basta-bastang sayaw lang ang ginagawa namin doon. Anim kaming nagsasayaw sa entablado ng club na halos wala ng saplot dahil ang suot lang namin ay kapirasong bra at undies lang. Nilunok ko na ang pride ko. Malaki ang kinikita namin sa pagsasayaw dahil malaki-laki rin ang tip na nakukuha namin. Total hindi naman nila ako makikilala. Kapag sumasayaw kami sa entablado ay nakasuot kami ng maskara, hindi kami pwedeng magsalita, hindi kami pwedeng i-table at lalong-lalo na ay hindi kami pwedeng ilabas ng bar ng mga customer. 'Yon ang patakaran sa club na ito. Sa ilang taon kong pagtatrabaho rito ay maraming beses na akong inalok na ilabas ng customer pero ayaw ko.
Pwede na sana akong bumukod pero naaawa ako kay Tito Nathan dahil walang mag-aalaga sa kanya. Palagi itong pagod sa trabaho pero hindi ito maasikaso ng mag-ina niya. Hindi sila nagluluto, naglilinis ng bahay at naglalaba, ako lahat ang gumagawa no'n kahit na pagod din ako sa pagtatrabaho.
Ang akala ko ay magiging maayos na ang turing ng mag-ina sa akin pero nagkamali ako, kahit na malaki-laki na ang naaabot kong pera kay Tita Eliza ay ganoon niya pa rin ako kung ituring, isang palamunin lang sa bahay nila at hindi bilang isang pamilya.
BINABASA MO ANG
Falling in love with the Billionaire
RomanceIpinangako ni Ysabella sa kanyang sarili na ibibigay niya lang ang kanyang iniingitang puri sa lalaking mamahalin at pakakasalan niya, subalit ng magkaboyfriend ito ay muntik na siyang mapagsamantalahan, mabuti na lang at may lalaking sumagip sa kan...