Chapter 7

7 0 0
                                    

Bella's POV

  Padilim na ng makauwi kami sa condo ni Damian. Naligo kaagad ako dahil may pasok pa ako sa club mamaya. Nagmamadali akong nagbibihis ng kumatok si Damian.

  "Bella, dinner is ready." Aniya.

  "Susunod na lang ako." Sigaw ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko.

  Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Nasa dinning area na si Damian.

  "Where are you going?" Kunot noong tanong nito.

  "May pasok ako sa club ngayon." Sagot ko sa kanya at umupo sa upuan.

  "You should resign now." Matigas na sabi nito.

  "Hindi pa pwede. Kailangan kong pumasok." Sagot ko sa kanya.

  Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko.

  "Paano kung puntahan ka roon ng mga tauhan ni Montalvo?"

  Natigilan naman ako.

  "S-safe naman ako sa loob ng club. Mag-iingat na lang ako."

  "You're really stubborn!" He sounded pissed, "ihahatid na kita. Kumain ka na." Anito.

  Magkasalubong ang kilay nito habang naglalakad patungo sa kwarto niya. Napabuntong-hininga ako.



  Habang nagtatrabaho ako ay nasa isang table naman si Damian kasama ang kaibigan niya. Hindi ito umuwi pagkatapos niya akong ihatid kanina. Nakita kong kasama niya sa table si Sythrygr, binati ako nito kanina ng makita niya ako kaya ngumiti ako sa kanya.

  "Pvnyeta!"

  Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Persephone na nagmura. Hindi maipinta ang mukha nito.

  "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

  "Hindi!" Inis na sagot nito sa akin habang magkasalubong ang kilay.

  Nakita kong natatawa si Adrianna na nakatayo sa gilid niya. Napailing pa ito. May tinitingnan ito kaya sinundan ko ang tingin niya pero dahil maraming customers ngayon, hindi ko alam kung kanino talaga siya nakatingin.

  "Tang-inang, Criselda na 'yan! Kaonti na lang at tatapsayin ko na ang pekeng boobs niya!" Galit na sabi nito.

  Natawa ang bartender sa sinabi ni Persephone. Kahit kailan talaga napakatabil ng dila nitong si Persephone.

  "Ano ba ang kasalanan sa 'yo ni Criselda?" Tanong ni Kathnisse.

  "Wala!" Sagot nito sa amin, "bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya, pero kung hindi niyo po ako mabigyan, pasensya na sa gagawin ko kay Criselda." Anito habang nakatingin sa taas na parang nagdadasal.

  Nagkatinginan kami ni Kathnisse at natawa.

  "Gagang 'to!" Natatawang sabi ni Adrianna.

  "Tse! Mauna na ako. Aakyat pa ako ulit sa second floor." Ani Persephone at umalis na.


  "Tingnan niyo, papatirin niya 'yan." Ani Adrianna.

  Napatingin naman kami kay Persephone, makakasalubong niya si Criselda na malapad na nakangiti sa kanya. Sabay kaming natawa ng tumama ang sinabi ni Adrianna. Mabuti na lang at nakahawak si Criselda sa isang customer ng patirin siya ni Persephone. Nilingon naman siya ni Persephone at plastic na ngumiti. Napapailing akong kinuha ang tray na may lamang mga inumin. Iniwanan ko na sila Adrianna at nagserve na sa mga customers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling in love with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon