Chapter 6

3 0 0
                                    

Bella's POV


  Nasa condo na kami ngayon ni Damian. Pinaupo niya ako sa couch. Napatingin ako sa kabuuan ng condo niya. Mas maganda ito at mas malaki kesa sa isang condo niya. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong bottled water, binuksan niya muna ito bago binigay sa akin. Nilapag niya naman ang isang puting box sa mesa.


  "Thank you, Attorney." Ani ko.


  "You can stay here. I have a spare room na hindi ginagamit since kakalipat ko lang dito." Aniya at umupo sa couch.


  "Maraming salamat, Attorney. Mabuti na lang at dumating kayo." Wika ko.


  Paano na lang kaya kung hindi sila dumating? Mabuti na lang at nakatawag ako sa kanya kanina.


  Nagring ang telepono nito kaya sinagot niya ito.


  "What?" Aniya at napatingin sa akin, "did you take pictures of the area and the evidence?....settle her bills." Aniya at binaba ang tawag.


  Base sa pananalita nito kanina at sa itsura niya ngayon ay galit ito.


  "What really happened, Bella?" Mariing tanong nito sa akin, "nasa hospital ngayon ang pinsan mo dahil nadatnan siyang walang malay ng Tita mo sa kwarto mo. She's fine now." Aniya at lumapit sa akin.


  Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinaglaruan ang daliri ko.


  "K-kanina bago pa dumating si Tita at iyong Juancho," I heaved a deep sigh before continuing, "galing akong trabaho at pag-uwi ko ay naabutan ko si Eloiza at Adrian na nagtatalik sa kwarto ko. He drugged Eloiza, sinabi iyon ni Adrian sa akin kanina. T-tapos," napatingin ako sa kanya na matamang nakikinig sa akin, "t-tapos sinabi niya na plinano niya raw ang lahat..gusto niya akong gahasain at nadamay ang pinsan ko. Nilabanan ko siya pero masyado siyang malakas, he tried to inject the drugs pero dumating si Tita at si Juancho kaya hindi natuloy ang balak niya. Tumakas siya dahil narinig niyang nagbanta si Jauncho na pasasabugin niya ang bahay namin." Mahabang paliwanag ko.


  "That son of a bitch!" Galit na wika nito.


  Nakakuyom ang kamao nito at nagtatagis ang panga niya.


  "N-napansin ko na namumula ang mga mata niya at parang wala siya sa sarili. Mabuti na lang at nakatawag ako sa 'yo kanina." Ani ko.

  "You have to choose now, Bella. It's either ipakulong mo siya o ako mismo ang papatay sa kanya." Seryosong sabi nito.

  Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang huling sinabi nito. Nagtitigan kaming dalawa.

  "I will file a case." Sagot ko sa kanya.

Hindi lang ako ang sinaktan ni Adrian, dinamay niya pa ang pinsan ko.

"Pupunta tayo ng presinto bukas. Magpahinga ka na muna ngayon. I will hire the best lawyer for you. Huwag mo ng problemahin ang pangbayad. As for your family's safety, may mga tauhan akong nakabantay sa pamilya mo." Mahabang sabi nito.

"A-attorney, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran. S-sabihin mo lang, kahit ano gagawin ko para makabayad sa 'yo." Saad ko.

Napatitig naman ito sa akin, "kahit ano?"

Tumango ako sa kanya. Malaki ang binayad niya kay Juancho. Wala akong pera na pangbayad sa kanya. Kahit gawin niya akong maid habang buhay ay papayag ako. Utang ko ang buhay ko sa kanya. Ilang beses niya na akong nasagip sa kapahamakan.

Falling in love with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon