Chapter 5

9 1 0
                                    

Bella's POV








  Alas tres na ng hapon at pauwi na kami galing ng The Shire dahil nagpractice kami ng isasayaw namin sa susunod na araw sa anniversary ng The Shire. Napag-usapan nila Michelle at ng top management na sasayaw kaming anim sa entablado. Ang napili nila ay belly dancing. Ilang linggo na rin kaming nagpapractice para ma perfect namin ang sayaw namin.














  "O, isa pa!" Sigaw ng nagtatawag ng pasahero.














  "Kuya, mukhang bata na lang ang kasya d'yan ipipilit mo pa." Wika ni Persephone.














  Mahina ko naman itong hinampas. Tumawa lang ito ng mahina.














  "See you later, Belle." Ani Persephone at humalik sa pisnge ko, "mauna na ako. Doon ako sasakay sa naka-aircon." Turo nito sa bagong dating na bus.













  Nang makasakay na si Persephone ay pumara naman ako ng jeep. Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa malapit na market sa amin at bumili ng uulamin namin mamaya at mga gulay.













  Nagha-hum ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Kapag may nakakasalubong akong kakilala ko ay binabati ko ito. Nang makarating ako sa bahay ay nakabukas ang gate namin. Nagtaka naman ako dahil mukhang walang tao ang bahay pero nakabukas ang gate. Nakalimutan na naman sigurong i-lock ni Tita Eliza. Panigurado ay nasa kumare niya na naman iyon at nakikipagchismisan. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi na raw siya pumupunta sa sugalan. Hindi ko lang alam kung totoo ba ang sinasabi niya.













  Binuksan ko ang pinto namin at wala ngang katao-tao ang bahay. Ang alam ko ay nasa trabaho si Tito, hindi ko lang alam kung nasaan ang mag-ina. Dumiretso ako sa kusina at hinugasan ang pinamili ko para mailagay ko na ito sa fridge.













  Habang naghuhugas ako ng mga pinamili ko ay may naririnig akong mahinang ingay. Kumunot ang noo ko. Sinundan ko ang ingay at parang sa kwarto ko ito nanggagaling. May kinuha akong bakal na tubo, pang depensa lang at baka may nakapasok na magnanakaw sa bahay namin. Habang papalapit ako ay may naririnig akong mahinang umuungol. Mas kumunot ang noo ko. Guni-guni ko lang ba ito?













  Mahina kong pinihit ang doorknob ng pinto ko at binuksan ito. Nang mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto ko ay doon nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang hawak kong bakal na tubo. Gulat namang napatingin sa akin ang nasa loob ng kwarto ko.













  Si Eloiza ay nakapatong kay Adrian at sa kama ko pa sila nagtatalik!













  Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.













  "Bella!" Sigaw ni Eloiza at mabilis na umupo sa kama ko at tinakpan ang hubad niyang katawan.













  Sa kanya lang ako nakatingin. I am disappointed at the same time ay naaawa kay Eloiza. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang pinsan ko ay nakikipagtalik sa lalaking muntik na akong gahasain!













  "Honey! It's not what you think! She seduced me!" Paliwanag ni Adrian at lumapit sa akin.













  "Eloiza..." Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya.













Falling in love with the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon