SEVEN

4 0 0
                                    

Nathalia's POV

Naglalakad na ako papuntang school habang nagsasound trip nang may naramdaman akong kakaiba sa likod ko.

Tumingin ako pero wala akong nakita. Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at hindi ko nalang pinansin yun.

"Achoo!"

Okay. Alam ko na kung sino yun. Hayaan na sya. Bahala sya sa buhay nya. Ano bang problema nya??

Naglakad nalang ako ulit at hindi na pinansin yung Kutong Lupa sa likod ko.

"Hindi mo manlang ako pansinin bestfriend?"

I just shrugged my shoulders and walked faster. Ayokong pansinin yang autistic na yan. Mahirap na. Baka mapalapit pa ako sa kanya... at hindi ko na matanggap na hindi na talaga pwede...

"Nako Nath ganyan ka na. Akala ko pa naman magiging true friend kita... well, maraming namamatay sa maling akala."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko sya.

"Tubig ka ba?"

"Huh? Naks! Nabanat ka narin ah?? Oh sige.... bakit??"

Argh this man is getting on my nerves. REALLY. may pa kinikilg effect pa sya muka naman syang tanga. =_=

"Tss. Because I can't wait for you to evaporate and be gone."

Sabi ko sa kanya with matching poker face. Haha. his face was priceless!

Eto pa..

"Ethan.... ang gwapo mo talaga."

"T- talaga?!"

"Oo! Mula talampakan hanggang tuhod pag nakatalikod!! haha.."

"Awtss... Nathalia naman! Wag ganyan!"

Pinagtawanan ko lang sya dun at nagdiretso na sa paglalakad.

“Wow." H-huh? Bakit sya nag-“wow"?

“Problema mo? Bakit ka nag-wow?" Sabi ko sabay lingon ulit sa kanya.

“Marunong ka palang tumawa? Grabe. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda mo pala lalu na pag tumatawa..." sabi nya sakin na parang amazed na amazed. Ngayon nga lang ba nya ako nakitang tumawa? Well, i guess oo.. lagi ko naman kasi sya tinatarayan eh..

Tumalikod nalang ulit ako at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad.

“I really wanna see you smile. It's like the best thing that could happen in my whole life. :)"

Flattered naman ako..... hep!!!! Hindi!! Nainis ako!!!

Nainis ako!!! Oo! Nainis!!

Yun ang naramdaman ko diba? Diba? Diba?

Hindi ako naflatter!! Wag kayong echos!!

Binilisan ko nalang lalo ang paglalakad at namalayan ko nalang na nasa school na pala ako nang makarinig aki ng pagkalakas lakas na sigaw galing sa room namin.

“NATHALIAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!"

Wha?? Sino yun??

“Kendrick!!"

Ohh.. sya pala.. kaklase ko sya pero di kami close. Ewan ko kung bakit ako tinatawag..

Tinignan ko lang sya na parang nagtatanong at thankful naman ako nang magets nya kaagad.

“Uhm.. kasi ano... ano... ehh... g-gusto... ah eh.. ano.. pano ba to?... w-wait lang hehe.. ge maya nalang ulit... hehe.. bye.."

Okay? What the hell was that? Tulala lang ako habang nagwowonder kung anong nangyari kanikanina lang tas biglang may umakbay saking kutong lupa.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 18, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

A Bestfriend's SecretTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang