DAIYTE❦(Part 1)

102 7 4
                                    

B A B A L A

Asahan niyo na ang kabanatang ito ay magiging mahaba dahil ang daming gustong sabihin ng nag-iisang PogichoGwapoisig batay sa kanyang mga kagalakan, kadramahan, at katapusan.

Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa (Hindi ito mature kaya walang rated. Kung meron, yung nagsulat at naggawa, underrated XD) Nawa'y mabasa ninyo itong sobrang pahina!

Para ito sa mga tagahanga na matagumpay na naka-kumpletong basahin ang Daiyte...

『Thanks:』

Unang una sa lahat, nais kong magpasalamat na nagawa ninyong makatapos sa kuwentong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang una sa lahat, nais kong magpasalamat na nagawa ninyong makatapos sa kuwentong ito. Lubos kong pinasasalamatan ang mga sumubaybay sa simula pa lamang hanggang sa dulo. Hindi ko inaakalang may susuporta sa kuwentong ito.

Alam kong hindi ito kasing ganda, kasing ayos o kasing galing base sa mga nadiskubre niyo. Pero nawa'y nagustuhan niyo kahit papano ang mga pahandog, palaman at pasopresa batay sa mga nakalagay kung gaano ko rin ito tinangkilik.

Grabe! Hindi ako makapaniwala na sa wakas, nakatapos din ako ng isang kuwento matapos ang maraming buwan na nakalipas! Halos limang taon at kalahati na nga ito pero laking biyaya pa rin sapagkat naisagawa kong hindi sukuan at ituloy kung ano ba ang nararapat.

Hinaba haba man ng mga kabanata, sa tinagal tagal ng paglalabas kada pamagat ng kuwento, maraming pabitin na eksena, at sa mga bagay na kinakailangang ayusin katulad ng grammatika, estilo ng pagsusulat at kung ano-ano pa, ito kayo at ikinagagalak ko na nakarating kayo sa tuldok ng kwento.

Sa katunayan nga niyan, wala talaga akong inaasahang mga taong magnanais na tunghayan ang kuwentong ito. Hindi ko ito gaano inihahandog sa nakakarami dahil sa imperpekto ito. Nagbago lang iyon nang unti-unting lumalago ang bumibisita sa aking kuwento. At isa kayo roon! Mga kapwa na nagkaroon ng konsiderasyon na sikaping pasukin hanggang sa paglabas nito.

Ang lahat ng ito ang nagbigay sa akin na dugtungan pa ang pamamalakad at umunlad bilang isang manunulat. Pagyamanin ang kahinaan at paunlarin ang kagustuhan na gawin ang nararapat: ang magkaroon ng motibasyon na sumulat.

At sa tulong ninyong pakikipaglayag sa kung ano ba ang tungkol sa kuwento katulad ng mga naging tapat na komento o katugunan, naging determinado ako na ang kalalabasan ay narito na. Ang sarap kahit papano sa pakiramdam na nalampasan ko itong pantugma.

Akala ko nga matatabuyan ko ito dahil isa lang itong baguhan at tipikal na maaring mabaliwala dahil may mga pagkakamali, hindi mala-propesyonal na pormat, medyo may pagka-jejemon o sukot ng pagkakagawa at marami pang masasabi na dapat maiba kung maikukumpara sa mga mahuhusay.

Ngunit huwag na kayong mag-alala pa! Dahil nagawa ko na rin naman ito, baka magawa kong ayusin ang mga kinakailangan na magresulta na ito ay maging makabago ngunit naroroon pa rin ang daloy kung ano ba ang ibig nito. Pero sa susunod na siguro kung baka sakali man.

Ang Librong SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon