DAIYTE❦(Part 2)

97 5 0
                                    


『Creations:』

Sa ating pagbabalik, matapos ang mga makabuluhang nabahagi ko tungo sa mga nadamang sentimental, kaalamang kay dangal, dumating na mga regalo, at marilag na mga tao, tayo naman ay sumulong sa iba pang mga balitang dapat pang abangan! At magmumula ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa ating pagbabalik, matapos ang mga makabuluhang nabahagi ko tungo sa mga nadamang sentimental, kaalamang kay dangal, dumating na mga regalo, at marilag na mga tao, tayo naman ay sumulong sa iba pang mga balitang dapat pang abangan! At magmumula ito sa isa sa mga may ambag sa karunungan ng kuwento. Ang mga takip na nasa labas na anyo o pabalat!

Malaki ang ginagampanan nito dahil may mga kapwa na rito madalas bumabase. Kumbaga ito ang pinaka-thumbnail na nagbibigay pansin at magpapaintriga kung ano ba ang kinalaman nito. Tila para itong salamin, isang projeksyon kung nanaisin ng iba kung ito ba ay kabasa basa.

Ayon nga sa aking pagsisiyasat tungkol dito, ito raw ay upang maihatid ang tema o background ng kuwento sa isang natatanging paraan. Promosyon sa mga madla at matutukoy sa isang sining kung ito ba ay kaakit-akit. Kaya ganoon na lang ang importansya nito. May ilang kikilatisin pa at mayroong kasalungat naman doon. Depende pero ang dapat ay ituring ito bilang isa sa mga paenganyo na ibinuo.

Maituturing kong isang biyaya o grasya ang magkaroon ng ganito sapagkat naihaharap nito kung anong pinaparating lalo na pag-galing sa ibang tao o sariling kusa. Ito ang kay gandang instrumento upang mas sadyain pa ng mga kauri na masaksihan hindi lamang sa paunang itsura maski na rin sa pasunod na nakatago.

Dahil usapin na rin naman ang pabalat, ibubunyag ko na sa inyo ang mga dinanas ng kuwentong ito lalo na at lakas ng topak ko na magkaroon ng ganitong klase. Sa kasong ito, pa-akronim ang gawa sa salitang "DAIYTE" para mas kagiliw giliw at sa bawat letra ay doon madudungaw ang ebolusyong ating babalikan. Kasama na rin dito ang pa-deskripsyon. Kaya kung trip niyong alamin, hanep! Kung ayaw, hayup! Jowk lang siyempre. Ang uunahing patinig o katinig ay magmumula sa titik:


 Ang uunahing patinig o katinig ay magmumula sa titik:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

D - Dating panlabas at ang kauna-unahan. Ito ang mga panahong hindi ko pinapahalagahan ang ganitong klase dahil mas nakatuon ako sa kuwento. Isa pa, hindi ako isang propesyonal pagdating sa ganito kaya hindi pa ito ganap na maayos. Kahit may hilig ako sa sining, hindi pa sa ganitong klase. Pero kahit ganoon, naging memorabilya pa rin ito para sa akin, kahit gaano pa kasimple kung ito ay inyong makikita.

A - Ang aking kasunod na likha ay maipagmamalaki ko bilang isa sa mga kamangha-manghang gawa ko. Bagaman hindi pa ito umaabot sa antas ng mga inaasahan, dito nagsimula ang aking interes. Ginawa ko ito ayon sa aking kagustuhan, nang walang pamimilit, sa tulong ng mga inspirasyon upang magbigay ng kulay sa kuwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Librong SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon