CHAPTER 35

9K 361 112
                                    


CHAPTER THIRTY FIVE

Back

"Will you marry me?"

Maliwanag at maraming ilaw ang malawak na garden na kinaroroonan ko. Maging ang bermuda grass ay mayroon ding mga nagkalat na maliliit na bombilya.

Sa stage ay naroon ang malalaki at umiilaw na mga letrang "Will you marry me."

The stage was surrounded by various colorful flowers, and the paved path and stairs leading up to the stage were filled with flowers as well. Napakagarbo ng buong lugar, halatang ginastusan ng malaki.

"Alam kong marami ka pang pangarap na gusto mong matupad, pero kasi, hindi na talaga ako makapaghintay, eh. I know it's still too early for this, pero dito rin naman papunta ang relasyong 'to, right? Ayaw ko nang patagalin pa at mas lalong ayaw na kitang pakawalan. Kasi, ikaw lang... You're the only one I want and see myself growing old with," puno ng sinseridad ang boses na sabi ni Marcus.

Sa gitna ng stage ay naroon si Marcus, nakasuot ng itim na tuxedo, nakaluhod sa harapan ng kasintahang si Keizou at hawak ang nakabukas na box ng singsing.

Hindi umimik si Keizou. Nakayuko lang ito kay Marcus na alam kong nilalamon na ng matinding kaba. Maski kaming mga nanonood sa proposal niya ay hindi maiwasang kabahan lalo pa't nanatiling walang ekspresyon si Keizou.

Shit! Huwag naman sanang tatanggihan ni Keizou si Marcus kasi siguradong masisiraan ng ulo ang isang 'yan.

"Hayaan mo sanang samahan kita sa pagtupad ng mga pangarap mo. Gusto kong maging bahagi ng lahat ng pangarap mo, Keizou. So please, marry me and stay with me until the end, babe," he added.

"Tang ina mga pre, ako ang kinabahan para kay Marcus, eh!" Napapailing na ani Shawn sa aking tabi.

"Bakit kasi ayaw pang sumagot ni Keizou? Mamaya niyan, maihi na sa pantalon 'yang si Marcus," tawa ni Aiden.

"What if hindi tanggapin ni Kei?" Kabadong sabi ni Brielle.

"Ano ba naman kayo? Tatanggapin 'yan ni Kei," si Maecy. "Bakla! Tang ina, tanggapin mo na, ano ba! Pagod na pagod na akong tumayo rito! Lamon na lamon na ako, jusko ka! 'Wag kang pa-intense!" At hindi na nga siya nakatiis at sinigawan na ang mga kaibigang nasa stage.

Nasa ibaba kami, sa gilid ng stage kasama ang mga kaibigan ni Marcus. Inimbitahan nila ako rito, wala naman akong trabaho kaya pumunta ako. Dapat ay kasama ko si Summer ngayon, pero may sariling lakad siya kasama ang girlfriend niyang si Yesha sa Australia.

"Wag mo naman akong tanggihan, cheese ko. Alam mong mahal na mahal kita... Sobrang mahal na mahal." Bahagyang tumawa si Marcus, pero naroon ang kaba at panginginig sa kaniyang boses. Kulang na lang ay magmakaawa siya. "Please, babe?"

Sa halip na sumagot, lumuhod si Keizou sa harap ni Marcus.

"Bakit naman ako tatanggi?" Marahang ngumiti si Keizou sa namumutla nang lalaki. "Getting married to you, spending my life with you is one of my dreams, so yes... I'll marry you. Let's get married, Marcus."

Naghiyawan ang mga kasama ko, naghampasan pa ang mga babae, halos mangisay na sa kilig. Ngumiti rin ako at pumalakpak na hindi inaalis ang paningin sa stage.

They're getting married... And I can't help but feel proud of them. They're both men, and in the eyes of others, their love may be wrong, but it didn't stop them from finding love in each other's arms.

"I promise na ikaw lang ang mamahalin ko sa buong buhay na 'to. At kahit sa susunod na buhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko... Hinding-hindi kita bibigyan ng rason para pagsisisihan mong pinapasok mo ako sa mundo mo. Thank you so much, Keizou. You mean the world to me... I love you so much, babe. So damn much..." Humihikbi nang ani Marcus na ngayon ay yakap na ni Kiezou.

Calmness In The Midst Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon