CHAPTER 40

8.1K 295 222
                                    

CHAPTER FORTY

Safe Haven

This is the last chapter of Calmness In The Midst Of Chaos. Next will be the Playboy's POV. See you in epilogue, babies!

Happy reading! ♡

- - -

"Ayos na ba ang hitsura ko?" Jaevier asked as he turned away from the mirror to face me.

Napahinto ako sa pagsisintas ng sapatos para tingnan siya.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi ng matitigan ang kaniyang hitsura. He looks incredibly handsome in his buttoned-down shirt, sleeves rolled up to his arms, and man, the top three buttons were left open-just enough to give him that effortlessly attractive look.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at lumapit sa kaniya. Inabot ko ang kuwelyo ng suot niya at inayos iyon.

"You look so handsome today." I said with a chuckle, shaking my head. "No-you look extra handsome today."

I leaned closer to catch a whiff of his sandalwood scent. "At mas mabango rin. Parang ayoko na lang tuloy umalis tayo.
I'd rather pin you to the bed, making you moan, pant, and scream my name."

"Tarantado." Humalakhak siya bago muling humarap sa salamin. "Mukhang kailangan na nga nating magsimba. Sobrang dumi na niyang utak mo, kailangan nang mahugasan ng holy water 'yan."

"This is all your fault," I retorted.

Sumulyap siya sa akin, naka-angat ang kilay. "Bakit ako?"

I grinned at him. "You're so wild in bed that I can't erase it from my memory. Tinanggal mo ang pagiging inosente ko. Palagi mo pa akong minamanyak."

"Inosente raw." He gave me a side-eye. "Nagpapamanyak ka naman. Tuwang-tuwa ka pa nga, eh."

My grin widened. "Syempre. Ikaw na 'yan, eh. Aarte pa ba ako?"

Tumatawa niya akong tinalikuran. He opened the first drawer of the bedside table and grabbed my hair tie. Sitting on the bed, he patted the space beside him, signaling for me to sit.

I walked over and sat beside him, tahimik na naghihintay sa kaniyang gagawin. Umangat ang kaniyang kamay sa aking ulo at sinimulang itali ang aking buhok.

"Ang haba na ng buhok mo," komento niya habang tutok na tutok ang mga mata sa ginagawa.

"Pagupitan ko na ba?"

"It's up to you." Tumayo na siya sa harapan ko para matalian ng maayos ang aking buhok. "Pero bagay naman sa'yo ang mahabang buhok."

Nangingiti akong nag-angat ng kilay. "Pero mas bagay ka sa'kin."

He laughed. "Couldn't agree more. Ako lang talaga ang babagay sa'yo, wala nang iba."

Gusto ko rin talaga ang gupit ko. Naka-undercut ako at madalas itinatali ko lang iyon. Hindi naman iyon ganoon kahaba, hindi pa naman lumalagpas sa balikat ko. Pero kahit gaano ko kagusto ang buhok ko, kapag sinabi ni Jaevier na pagupitan ko, e 'di magpapagupit ako. Boss ko 'yan, e. Kailangan talagang sumunod. At willing naman ako. Kahit sabihin nga yata niyang mangholdap ako, susunod pa rin ako, eh.

Ipinulupot ko ang isa kong kamay sa kaniyang baywang at marahan siyang hinila palapit. Pagkatapos, isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang tiyan.

"Wag kang magulo diyan! Nasira tuloy!" Reklamo niya, hinampas pa ang balikat ko na tinawanan ko lang.

"Wag na kaya tayong magsimba? Cuddle na lang tayo dito sa kama buong maghapon," sabi ko habang nakasubsob sa tiyan niya.

"Cuddle lang?"

Calmness In The Midst Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon