EPILOGUE
Calmness
Trigger Warning: this chapter contains rape, suicide, and violence. Read at your own risk.
I used to think that home is a place where you can rest when you're exhausted from all the pain and problems the world throws at you.
No one knows how envious I am of the attention my parents give to my two other siblings. How I wish they treated me the same way. How I wish they loved me the same way.
Aren't parents supposed to be the first to protect you from the pain the world can throw at you? Aren't parents supposed to be your allies and your first line of defense when things go wrong? Isn't family supposed to be the first to believe in your abilities?
Pero meron talagang mga anak na hindi sinuwerte ng magkaroon ng responsableng mga magulang.
Merong mga anak na ginagawa lang trophy ng mga magulang. Kailangan mong mag-excel sa lahat ng bagay para may ipang-brag sila at hindi mapahiya sa mga kakilala.
Merong mga anak na ginagawang robot ng mga magulang. Sunod-sunuran sa lahat ng gusto nila, at kapag hindi sumunod, ikaw ang masama. Ikaw ang walang utang na loob.
Utang na loob? Putang inang utang na loob 'yan. Hindi na lang sana kami inanak kung pagkaluwal na pagkaluwal pa lang sa mundong ito may responsibilidad na agad na naghihintay sa amin dahil sa lintik na utang na loob na 'yan. When in fact, hindi naman namin piniling isilang. Sila ang may gusto at gumawa sa amin kaya responsibilidad ng bawat magulang na mahalin at palakihin ng maayos ang kanilang mga anak.
"Mavi, ano na naman ba 'to? Bakit bumaba na naman ang mga grades mo?" Si mommy habang sinisipat niya ang report card ko.
Hindi ako nakasagot. Nagyuko lang ako ng ulo habang mariin kong kinakagat ang pangibabang labi ko.
Magkatabing nakaupo sa kaharap kong sofa ang mga magulang ko habang mag-isa lang akong nakaupo sa mahabang sofa. I feel so small in front of them.
Nagagalit na naman si mommy dahil bumaba ang grades ko. 98 kasi ang average ko noong nakaraang sem, medyo bumaba at 96 na lang ngayon. Dalawa lang naman ang ibinaba pero kung mag-react si mommy daig pa ang puro palakol ang grades ko.
"Hindi mo ba nakita iyong card ng kuya Jaxon mo? Puro ninety-nine ang average niya, hindi bumababa kahit isang puntos!" At nagsimula na naman siyang ikumpara ako kay kuya.
"Ano pa ba ang aasahan mo riyan sa anak mo, Melanie? Wala kang mapapala riyan. Mai-stress ka lang sa kunsomisyon diyan," si daddy bago ito tumayo. He even gave me a look as if I were shameful before he turned around and went up the stairs.
Mas lalo akong yumuko, halos masugat na ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko roon. Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay.
Simula bata pa, tatlong taon pa lang ata ako noong magsimula akong mag-aral at hanggang ngayong grade five ako, wala akong ibang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. Kailangan palaging mataas ang mga grades ko, bawal bumaba dahil masasabihan akong bobo, walang kuwenta, mahina ang utak.
Palagi akong ikinukumpara ng mga magulang ko kay kuya Jaxon. Si kuya Jaxon kasi, masipag mag-aral at sobrang talino. Nagsisipag din naman ako mag-aral, iyon nga lang kahit anong gawin ko, hindi ko kayang lumevel kay kuya Jaxon. Masyado siyang matalino. Kahit nga siguro hindi mag-aral ang isang 'yon, makakakuha parin siya ng matataas na grades, samantalang ako kailangan pang magpakapuyat sa pag-aaral para lang may ipangsagot sa school.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...