Azrael Ian Montefalco III

1K 24 14
                                    

Azrael Ian Montefalco III is also from the story "Until Trilogy" of Jonaxx.

Si Azrael ay isa rin sa mga magpipinsang Montefalco.

Si Azrael, o mas kilala sa tawag na Azi, ay ang masasabi kong pinaka-nagpapatawa sa buong gang. Siya kasi yung laging tampulan ng tukso. Hindi kasi sya masyadong matalino. Hindi rin sya ganoong kagaling sa basketball tulad ng mga pinsan nya. Hindi rin sya ganun ka-swerte sa mga girls. Pero kahit ganun, hindi siya pwedeng mawala sa barkadahan. Siya kasi ang unang nagpapatawa. Siya ang bumubuhay sa masayang kwentuhan.

Sobrang supportive din siya sa relasyon nina Elijah at Klare. Siya kasi at ang bunso nyang kapatid na si Claudette ang pinakaunang nakaalam. Kahit na minsan ay nasasaktan din sya tungkol sa dalawa, hindi pa rin sya bumitiw at sumuporta pa din.

Maloko man at palatawa, masasabi kong maalaga at protective pa din syang tao.

Sana ay magawan din sya ni Queen J ng story at inaasahan kong magiging masaya ang takbo ng story nya.

My List of Wattpad HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon