CHAPTER XXXIV

2 1 0
                                        

TRIGGER WARNING:

This story contains themes of violence, bullying, abuse, and topics that may be upsetting or triggering for readers which may not be suitable for some individuals. There are also unpleasant words used, and violent scenes that may not be suitable for everyone. Please be aware of your emotional well-being and seek support if needed. Reader discretion is advised.

CHAPTER XXXIV

Tila ba may nagpapaunahan sa isipan ni Naj tungkol sa ideya na siyasatin ang telepono ng biktima. Maaari itong magkaroon ng mahahalagang paliwanag na magbibigay liwanag sa kalunos-lunos na kinahantungan ng pagwawakas ni Ligaya ng kaniyang buhay.

Pero determinado siya, nagpasya si Naj na humiling ng access sa telepono ng biktima para sa karagdagang pagsusuri. Nang payagan naman siya ng kanilang nakatataas ay wala siyang sinayang na oras.

"Nagmamadali ka yata, detective," si Beltran nang mapansin siyang aligaga. "Ano ba'ng problema?"

Nilapitan ni Naj si Beltran at ang kasama nitong si Magsaysay. "Alam niyo kung saan nakatira si Villareal hindi ba?"

Tumango si Magsaysay habang seryoso naman siyang tinitingnan ni Beltran. "Teka, tama ba ang iniisip ko?" tanong nito.

Nagbuga na lamang ng hangin si Naj. Nawawalan siya ng pasensya sa mga ganitong klaseng tao. "I need some help. K-kailangan kong malaman kung saan siya nakatira."

"Teka—"

Hindi na natapos ni Magsaysay ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni Beltran. "Ano naman ang gagawin mo ro'n?"

Nagtitimpi lang si Naj sa lalake. "Questioning, malamang." Muli siyang nagbuga ng hinga. "Look, I'm on serious job here, and I need to go there to gather valuable information into her recent activities. And since hindi niyo naman na hawak ang kaso, I assume there are lacking evidence na p'wedeng makatulong."

Nagtaas ng kilay ang nagdududang si Beltran. "And what makes you so certain that there are still evidences that holds the key to this case? Ni hindi nga nagsasalita ang ama. This is only a suicide, Ponce. Don't be too driven by your emotions."

Nag-a-alburoto na ang utak ni Naj. Bakit pa nga ba niya sinasayang ang oras niya sa lalakeng 'to. "Beltran, if you had not notice the suspicious circumstances, I did."

Nagpalipat-lipat na lamang ang tingin ni Magsaysay sa dalawa.

Ngunit hindi natitinag si Naj. "We at least owe it to her to investigate every possible lead. Walang kaso na ma-i-echapwera ngayon nang dahil sa pera, Beltran. I'll make sure this will be worth a shot, and justice will be served."

"At ano namang kapalit kung hindi mo mapatunayan ang mga sinasabi mo? Ang trabahong nilaan mo na halos buong buhay mo?"

Natahimik si Naj. Nakikipagtagisan siya ng titig kay Beltran. "Exactly, Beltran. Nilaan ko na halos ang buong buhay ko rito. Bakit hindi ko gagawin ng maayos ang trabaho ko?"

Walang kasiguraduhan si Naj sa gagawin niya. Ni hindi niya nga alam kung may matatagpuan pa siya sa cellphone ni Ligaya. Pero, isa lang ang sigurado siya, mahirap kapag hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang tao dahil lang sa kakapusan sa pera.

Tahimik ang bahay, amoy luma ang mga kahoy, at halata ang kalungkutan dito. Wumawagayway ang araw sa sirang bintana, na nagbibigay ng maliliit na butil ng alikabok na sumasayaw sa ere.

Nakapako ang tingin ni Naj sa ama ni Ligaya at sa bata na katabi nito, si Sinta. Nakatulala si Manuel at nakalantad ang kaniyang pagluluksa. 

Huminga ng malalim si Naj at lumapit siya sa dalawa. "Condolence ho."

FRAGMENTS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon