"Pag-aralan mo yang mga kaso."
I flinched when the chief suddenly slammed the table with the folders of a new case.
"Yes Sir." Magalang kong tugon dito.
Pinatuloy ko ang aking pagkakape at tinignan ang orasan. Its 11 pm at mamaya pa akong umaga makaka-uwi. Hirap pala pag night-shift.
"Tol, may kape ka pa?" Tanong ng isa sa mga kasamahan ko.
"Ubos na."
Binaling ko ang aking mga mata sa folder na binigay sa akin. Tinatamad pa ako ngayon kaya di ko muna ito pinansin.
"Labas muna ako, maninigarilyo lang." Pagpapa-alam ko sa kanila.
Lumabas ako at dumampi sa aking mga balat ang malamig na simoy ng hangin. Naglakad ako ng ilang metro palayo sa istasyon ko. Nilabas ko ang sigarilyo ko at sinindihan ito.
Ilang segundo akong nakatayo doon ng may marinig akong malakas na boses.
"Tulong! Yung bag ko ninakaw!"
Lumingon ako at nakita ko ang taong naka hoodie na nilampasan ako.
"Pulis! Iyon ninakaw yung bag ko!" Hinihingal na sabi ng babae habang itinuturo yung magnanakaw na tumatakbo.
Agad kong itinapon ang sigarilyo ko at hinabol ang magnanakaw.
Nagmadali akong habulin siya. Mabilis siyang tumakbo. Para kaming nagpapaligsahan sa pagtakbo sa daan, wala ng mga tao sa daan at kakaunti na lamang ang mga sasakyan na dumadaan.
"Hoy!" Sigaw ko dito.
Mas binilisan pa nito ang kanyang takbo.
Mas binilisan ko ang paghabol sa kanya pero sadyang maliksi ito. Medyo malayo na ang natakbuhan namin.
"Pag di ka tumigil ilalabas ko ang baril ko."
Agad siyang tumigil sa pagtakbo at halatang natakot. Malayo na ang naabot namin at kasalukuyang nasa city park na kami.
Nilapitan ko ito at hinablot ang kanyang hoodie. Tumambad sa harap ko ang pawisang mukha ng binata na nanginginig sa takot.
"Sir, wag nyo po ako ikulong please. Maawa ka po."
"Asan na ang ninakaw mo?" Tanong ko dito.
"Ha? Hi-hindi ako nag-nagnakaw." Pagsisinungaling nito.
"Galing mo magsinungaling, hindi halata."
"Hi-hindi nga."
"Sa presinto ka na magpaliwanag." Tugon ko sabay hawak sa braso niya.
"Si-sir b-baka naman pwede natin to pag-usapan."
"Ma-mahirap lang po kami." Malungkot niyang sambit.
"Mahirap ka na nga nagnakaw ka pa!"
"Alangan naman na mga mayayaman ang magnakaw? Pwede ba yon?" Pilosopo nitong tugon.
"Kung ihatid kita sa presinto?" Seryoso kong sabi sa kaniya.
"Joke lang po sir, di naman mabiro."
Kasalukuyan akong nakadungaw sa mukha niyang naiilawan ng poste. May matangos itong ilong at may kulay pink na labi. Medyo maputi sya at may makakapal na kilay at pilik-mata.
Ngumiti sya sa akin na parang naguguluhan sa aking pagtitig sa kaniya.
Hinila ko siya papunta sa malapit na bench at umupo kaming dalawa doon.
"Bakit ka ba nagnakaw? Saan mga magulang mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Well, iniwan ako ng tatay ko at yung nanay ko naman nagtrabaho sa malayo. Balita ko nga may bagong pamilya na siya. Di man lang ako binalikan." Malungkot niyang sagot.
BINABASA MO ANG
SMUT COMPILATION (BxB) | R18+
RomanceThese one-shot stories contain MATURE and EXPLICIT contents about men 2 men erotic encounters.