Illegitimate Daddy

1.2K 0 0
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nung lumipat kami ng bahay. Komportable na kaming naninirahan dito pero hindi ko pa rin maiwasan maalala ang aming lumang tahanan. 

Dinampot ko sa mesa ang aking libro na babasahin at pumwesto sa harap ng bintana, ipinatong ko ang aking paa doon at binuksan ang libro na hawak ko. Nagsimula akong basahin ito pero ilang segundo lang ay humihikab na ako, tanda na inaantok na ako. Ibinaba ko ang hawak ko at doon ay naistatwa ako sa aking nasilayan.

Pinagmasdan ko ang lalaking maskulado na dinidiligan ang mga halaman niya. Siya ay may mauugat at malalaking braso, tanda na batak ito sa gym at trabaho. Pawisan niya itong ginagawa at agaw atensyon ang pawis niyang mula sa dibdib na dumadaloy paibaba sa kanyang pantalong may bakat ng kanyang pagkalalaki. Nabighani ako sa kanyang gwapong mukha. Napabalikwas ako sa aking kinauupuan at nagmadaling mag-tago nang bigla niya akong sinulyapan. 

"Fuck, nagpapahalata ka Gavin." Bulong ko sa sarili ko.

Tumayo akong muli at sumilip sa bintana, nakatalikod na siya at papunta sa loob ng kaniyang bahay. Isinara ko kaagad ang bintana at humiga sa aking kama. Nakatutok lamang ako sa kisame at iniisip ang aking kapitbahay na matipuno.

Sa aking pag-mumuni ay nakatulog ako. Napahimbing ako sa aking tulog at nagising na lang sa malakas na bulyaw ng aking ina. 

"Tangina Gavin kakain na, kanina ka pa tinatawag!" Sigaw ng aking ina mula sa kusina.

"Wait lang." Sagot ko sa kaniya. Hinanap ko ang aking cellphone upang tignan kung anong oras na ba. Gabi na pala, mahigit limang oras rin pala akong natulog. 

Lumabas ako sa aking kwarto at tumungo sa kusina. Pumwesto ako sa aking upuan at nagsimulang kumuha ng kanin at ulam.

"Natulog ka?" Tanong ng akong ina habang nakatutok sa akin.

Tumango lamang ako sa kaniya at nagsimula nang kumain.

"Nakasalubong ko anak ni Greg kanina, si Cedric. May hinuli daw na drug pusher." Sambit ng aking ama na puno ang bibig.

"Hindi pa ba yan sya mag-aasawa?" Mausisang tanong ng aking Ina.

"Hindi pa siguro, baka susunod sa yapak ng kanyang ama." Sagot naman ng aking ama.

"Maiintindihan naman ang sitwasyon ni Greg, matagal ng namayapa ang kaniyang asawa. Baka ayaw niya lang talaga na may kapalit." Tugon naman ng aking ina.

"Siguro palaging tuyo si Greg, walang nadidiligan, HAHAHA." Tawa pa ng aking ama.

Nagtawanan silang dalawa at hindi ko napigilang sumabay din.

"Hoy." Tigil sa akin ng aking ina na tinitigan ako ng masama.

Agad akong yumuko at nginuya ang natitirang pagkain sa aking bibig. Ngumiti lamang ang aking ama sa akin at nagpatuloy na kaming kumain.

--------------

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Kumain agad ako at nagpaalam sa aking ina na gagala lang ako. Pinayagan niya ako at tumungo na ako sa plaza upang makipagkita sa aking mga kaibigan. 

Apat lang kami doon at nagsimula na kaming gumala sa mall hanggang umabot na kami sa sinehan. Natagalan ako at pag-check ko sa aking relo ay 4:20 na pala.

"Guys, uuwi na pala ako. Hindi ko na tatapusin ang sine tutal patapos na rin naman yan. Baka hinahanap na ako ni nanay." Pagpapa-alam ko sa kanila.

"Sige ingat."                                                                                                                          

SMUT COMPILATION (BxB) | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon