𝙿𝚛𝚘𝚕𝚘𝚐𝚞𝚎

102 5 1
                                    

☽。⋆

"Josh, ano na, tulog ka pa rin? ala singko na ng umaga. Kailangan mo pang gumayak! kapag hindi ka pa kumilos, pupuntahan ka namin at kakaladkarin sa condo unit mo!"


Madaling araw pa lang ay nag e'eco na ang bunganga ng manager ni Josh sa kuwarto niya habang hawak hawak nito ang phone at nakadapa pa sa kama habang balot na balot ang kumot. Pinindot niya ang end call at idinilat ang mata, napapagod na siyang madinig ang boses ng manager na araw araw ay nadidinig niya. Daig pa nito ang nanay niya.


Maaga ang call time ngayon papunta sa studio para pag-uusapan ang shoot ng upcoming music video niya, sa totoo lang ay gusto niya pang matulog at magpahinga dahil sunod sunod rin ang naging ganap niya nang nagdaang araw pero kailangan niyang bumangon at gawin ang dapat niyang gawin, tanging motivational niya na lang ngayon ay ang suporta ng fans niya at kung gaano siya kamahal ng mga ito.


Matapos maligo at mag-ayos ay ikinuha niya ang phone na nasa kama, tiningnan niya ang messenger niya at tumambad ang napakaraming notifications mula sa mga kaibigan at pamilya niya. Nauna niyang replayan ang mama niya at hinuli ang mga kaibigan dahil alam niya namang kalokohan lang ang pinag-uusapan ng mga ito, napailing siya nang tama nga ang nasa isip niya. Pinag-uusapan lang nila ay isang meme na sinend ni Paulo sa group chat.



Mga pogi, lalo ako.
Active Now.

Paulo:
sends a video.

Paulo:
Gagi, hahaha. Hinahabol sila ng aso tapos vinideohan nung hinahabol, tumigil yung aso.

Maverick:
Napaka random mo talaga Paulo! pero LT! HAHAHAHAHA.

Paulo:
Ken, iniba mo nanaman group name natin!

Ken:
Ganiyan talaga pre kapag pogi.

Paulo:
Minsan ka na nga lang magparamdam sa gc, yung impossible pa ang ipaparamdam mo. Awit sayo.

Ken:
Ayos ka ah!

Paulo:
Saan nga yung isa?

Maverick:
May ganap ngayon kasama kaming PA, ang aga nga eh. Akala ko madali lang maging PA at chill, mapapasubo din pala ako sa gising gising ng maaga na 'yan!

Paulo:
Awit. Ako di pa natutulog hahaha. May gig kami mamaya ni Ken, punta kayo. 8:00 PM pa naman.

Maverick:
Sige, try namin! @josh dalian mo mamaya ah, wala pa naman palang i s'shoot ngayon at discussion lang ng direk.

Josh:
Sabi nga sa'kin ni Ate Bella, discussion lang naman pala tapos ang aga pang kailangan pumunta!

Maverick:
Utos ng director 'yon, huwag ka nang umangal! saka sabi ni Ate Bella pinatayan mo daw siya ng tawag. Baliw ka talaga Josh! yare ka don mamaya HAHAHAHA

Josh:
Sino ba kasi 'yang director slash photographer na 'yan? ang aga ng call time ah, morning person ba 'yon?

Maverick:
Malalaman mo rin, gumayak ka na. Lapit na kami!

Josh:
Di na lang sabihin eh.


Hindi maalis ang kunot sa noo ni Josh nang maisip ang director at photographer na sinasabi ng kaibigan, ang tagal tagal niya nang nagtatanong sa mga ito at kahit sa iba pang staffs kung sino ba ang director ng upcoming music video niya pero hindi nila sinasabi kung ano ang pangalan kaya lalo lang siyang nagiging curious kung sino iyon.

Back to December || SB19 JOSHTINWhere stories live. Discover now