☽。⋆
Maverick (hindi ko kaibigan)
Active NowMaverick:
Dre. Ba't ka umalis kanina? may lunch after meeting pa gagi.Maverick:
Huy, ako naka assign sa'yo na bantayan ka hanep ka, tumakas ka pa kanina. Papagalitan ako ni Ate Bella!Josh:
Tinanong mo pa talaga 'yan pagkatapos mo akong asar asarin kanina? bahala ka d'yan, pakinggan mo ang sermon ni Ate Bella.Maverick:
Luh, nagjojoke lang ako! pero ang defensive mo kaya kanina, feel ko talaga may crush ka sa director eh. Aminin mo na, parang 'di ka naman kaibigan pre.Josh:
Bahala ka talaga d'yan, mapagalitan ka sana!Nakaimangot na ibinulsa ko ang cellphone ko sa pocket at hindi na binuksan nang madinig ko ang sunod sunod na notification, sinabi ko kung saan ang baba ko sa driver bago isinandal ang likod.
Wala sana akong balak mag grab ngayon dahil hindi naman kotse ko ang gamit ko kaninang pagpunta pero dahil sa pang-aasar ng magaling kong kaibigan ay napauwi tuloy ako ng wala sa oras. Bigla akong nahiya dahil alam ko namang nadidinig din ni Justin ang pangangatyaw ni Maverick, hindi ko na talaga kinakaya ang mga kalokohan ng kaibigan ko.
Wala naman kaming gaanong interaction, tanging pagsagot at tanong lang ang naging usapan nila pero labis na ang pagwala ng wisyo ko habang nasa studio kami, ang dami tuloy nagtatanong sa akin kung okay lang ba ako dahil halata talaga sa akin na gulantang ako. Daig ko pa ang nakakita ng multo kanina.
Napabuntong hininga ko nang maalala nanaman ang nangyare, 11:30 na halos pero ang utak ko ay naiwan kaninang umaga. Nakakagulat, nakakalungkot.
"Sir, ayos lang kayo?" tanong sa akin ni manong kaya tumango ako, umayos ako ng upo dahil pati si manong ay nagtanong sa akin. Mukha ba akong binagsakan ng langit at lupa ngayon?
"Opo kuya."
Maya maya pa ay nadinig ko nang may tumutugtog, nasa playlist pa ni kuya ang isa sa song ko kaya feeling ko tuloy ay nag sosoundtrip lang ako sa sarili kong kotse. Inayos ko ang beanie sa ulo at tinanggal ang suot kong facemask, pinasuot pa kasi sa akin 'to ni Ate Bella kanina noong lumabas kami sa studio para daw walang makakilala, hindi naman maiiwasan 'yon. Kaunti lang naman ang tao doon.
"Sir, gustong gusto ko po ang song na 'to. Kayo po ang artist 'di ba? baka puwedeng papicture mamaya." request ni manong kaya pumayag ako dahil mukhang kilala niya nga ako. "Ang anak ko ang nag recommend ng song na 'yan. Fan na fan po kayo no'n at adik sa'yo, two years na yata."
Parehas kaming natawa ni manong nang sabihin niya 'yon, ang saya lang maka encounter ng ganito. Nang makarating na kami sa tapat ng building ay nagpapicture muna ako kay manong bago bumaba, ginawan ko rin ng video greeting ang anak niya para kahit papaano ay mapasaya ko naman sila manong.
☽。⋆
Manager, Ate Bella
Active NowManager:
Hay nako Josh Cullen, napakakulit mo talaga. Buti na lang ay hindi ka pinagkaguluhan sa kung saan man ang pinunta mo. Sa susunod magpaalam ka sa'kin.Manager:
By the way, Direk Justin gave his number to you in case na may kailangan siyang idiscuss with you. Hindi kayo masiyadong nakapag interact kanina and he told me na next week ay simula na ang shoot.Manager:
Bukas may event ka na pupuntahan and after no'n ay studio ang diretso mo dahil may idadagdag sa song mo na ilalagay sa music video, day after mayroon kang collaboration with other artist, don't be late.Manager:
Rest ka. Huwag ka nang pumunta sa kung saan.Josh:
Ano number ng director Ate Bella?Manager:
Sa dinami dami kong text sa'yo, 'yan lang ang pinansin mo?Manager:
0976547743 text lang kapag necessary ha?Josh:
Yes Ate Bella :)Manager:
Sus, nabanggit sa'kin ni Maverick may crush ka daw sa director.Josh:
Wala ah!After two years of not contacting him, hindi pa rin pala siya nagpapalit ng number? inunblocked niya na pala ako at hindi ko man lang napansin. Bigla tuloy nahiya ang buong kaluluwa ko nang mabasa ang last message ko sa kaniya, bwisit! bakit nagsend ako ng ganoong message sa kaniya?
Napailing na lang ako at inalis ang contact niya sa screen, kasabay no'n ang pagtext sa amin ni Pablo na pumunta daw kami sa gig mamayang 8:00 PM, hindi ko pa talaga sigurado kung makakapunta ako dahil gusto kong magpahinga at tulad nga ng sabi ni Ate Bella ay kailangan ko ng pahinga.
Saglit akong natulala sa kisame bago mapagpasyahan na magluto dahil kanina pa pala ako hindi kumakain, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.
Alas sais na ng hapon at nakahiga pa rin ako sa kama habang tulala sa kisame, hindi ko alam kung bakit, nababaliw na yata ako. Napabaligwas ako nang may madinig akong katok sa labas, napakunot ang noo ko dahil wala naman akong order o inasahang dadating ngayon. Tangina, ano 'yon?
Dali dali akong pumunta sa pintuan at sinilip ang kumakatok mula sa eye seeing ng pinto at nang makitang si Ate Bella 'yon ay binuksan ko ang pinto, may dala dala siyang isang box at iniabot sa akin.
"Ano 'to Ate Bella?" tanong ko at tiningnan ang loob, "Towel?"
"Towel mo 'yan 'di ba? may pangalan mo sa dulo, naiwan mo kanina sa studio. Inabot lang sa akin ni Maverick, napakaburara mo talaga. Alis na'ko, huwag kang magpupuyat ha." saad nito at pagpapaalam sabay alis na, hindi man lang ako pinagsalita bago umalis! si Ate Bella talaga. Akala mo laging may humahabol sa kaniya.
Sinarado ko ang pinto at tiningnan ang towel, tinanggal ko ito sa tiklop at tiningnan ang kabuuan. Paanong naging akin 'to? wala akong towel na ganito.
Muli ko itong tiniklop at nilapag sa table, hindi akin 'to pero kay Justin 'to. Ito ang lagi niyang dalang towel dati at kung hindi ako nagkakamali, paborito niya ang towel na 'to. Kaya pala akala ni Ate Bella na akin 'to ay nakita niya ang pangalang nilagay ko sa ibaba, ang name ko at sa dulo nito ay name niya.
Ilang beses na kasi 'tong naiiwan noon kaya nilagyan ko ng pangalan, pero imbes na ang name niya lang ang inilagay ko ay dinagdag ko ang name ko para sa tuwing maiwan 'to ay isa sa amin ang mabigyan pabalik.
"Tangina.. paano ko naman ibabalik sa kaniya 'to?" bulong ko at bumuntong hininga. Kanina pa ako tuliro dito at tulala dahil sa kaniya. Hay.
![](https://img.wattpad.com/cover/374374423-288-k697477.jpg)
YOU ARE READING
Back to December || SB19 JOSHTIN
Fanfic𝙰𝚗 𝚏𝚊𝚗𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚠𝚑𝚎𝚛𝚎𝚒𝚗 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝙲𝚞𝚕𝚕𝚎𝚗 𝚂𝚊𝚗𝚝𝚘𝚜 needed to 𝚏𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑 𝚑𝚒𝚜 𝚞𝚙𝚌𝚘𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚜𝚒𝚌 𝚟𝚒𝚍𝚎𝚘 𝚏𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚜 𝚏𝚊𝚗𝚜, 𝚑𝚎 𝚠𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚊 𝚙𝚎𝚊𝚌𝚎𝚏𝚞𝚕 𝚊𝚗𝚍 𝚜𝚞𝚌𝚌𝚎𝚜𝚜𝚏𝚞𝚕 𝚛�...