𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸

66 5 1
                                    

☽。⋆


"Hoy! tawag ka na ni ate arin! ano nanaman iniisip mo d'yan?!" kaagad kong itinago sa bulsa ang panyo at tumingin kay Maverik na ngayon ay papalapit na sa akin, "Aayusan ka na ni ate arin, pumasok ka na sa loob."



Tumango ako at tumabi sa kaniya habang papunta sa make up studio, inaayos ko ang buhok ko bago pumasok sa loob, bumungad sa akin ang mukha ni ate arin na mukhang pagod na mabuhay. May hawak hawak pa siyang brush at pinagpag ang upuan.


"Bossing, kamusta ang buhay buhay?" biro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin, tawa lang ang sinagot ko at umupo na. Sinimulan niyang ayusan ako at si becky naman ay inayos ang buhok ko.


"Becky, ayusin mo buhok ko ha. Kapag ako hindi pogi d'yan." Lagi kasing si Becky ang nasusunod sa ayos ng buhok ko, lagi akong nag rerequest pero hindi niya naman sinusunod. Kaya ang ending lagi ay hindi napagbibigyan ang request ko.


"Si direk ang may request ng hairstyle mo ngayon kaya huwag kang magrereklamo ulit." saad nito habang naglalagay ng gel sa buhok ko, kumunot naman ang noo ko, bakit naman mag rerequest ng hairstyle si Jah?


Mukhang napansin ni Becky 'yon kaya nagsalita siya, "Mas bagay daw ang naisip niyang hairstyle para sa theme."



"Bakit sa iba sinusunod mo, sa akin hindi? hindi mo ba ako mahal Becky?" biro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.



"Napaka oa mo talaga josh cullen, sino ba ang hairstylist dito?" sagot nito at may inispray sa buhok ko pagkatapos ay sinuklay niya iyon.



Natawa ako at tumingin na lang sa harapan, in short, nakatingin ako sa salamin. Muntik pa akong malaglag sa upuan nung nakita ko sa likod si Justin na may inaayos sa hawak niyang camera.



"Mamaya ka na maglikot josh cullen, inaayusan pa kita." nadinig kong suway ni ate arin kaya't umayos ako ng upo, kanina pa kaya siya doon? bakit hindi ko man lang napansin?



Mukhang wala siya sa mood at walang pakialam sa mga tao dahil mag-isa lang siyang nakaupo sa single sofa habang nilalagay ang memory card sa camera niya. Pati na rin ang tripod at itinayo ito sa harapan. Ang guwapo niya lalo na't seryoso siya habang inaayos ang camera, mukha nga lang mangangain kapag kakausapin. Si stell, efren at si ate bella lang nga ang yata ang kinakausap niya.



Pati na rin si maverick na gusto siyang kausapin ay hindi rin magawa, pano ba naman kasi ay tingin niya pa lang nakakatakot na. Kaya madalas si stell lagi ang kakuwentuhan nito, puro kalokohan lang naman ang mga kinekuwento.



"Crush mo ba?" napunta ang tingin ko kay Becky na nakangising nakatingin sa akin mula sa salamin, umiwas ako ng tingin at dali daling umiling kaya't nasuway nanaman ako ni ate arin.



"Hindi ah.." nilunok ko ang sarili kong laway, "Kumain na ba kayo?" tanong ko, gusto ko lang naman malaman dahil 12:50 pm na ng tanghali at baka hindi pa sila kumakain. Oo, sila!


"Oo, si direk hindi pa. Hindi pa daw gutom kanina at mukhang hanggang ngayon hindi pa kumakain, kanina pa nag-aayos ng gamit niya. Sabi rin ni ate bella ngayon daw yung photoshoot para sa official poster ng MV. Tapos after, start na ng shoot." tumango ako sa sinab nito.


Hindi pa pala siya kumakain, hindi kaya siya magutom mamaya? ilang oras rin ang photoshoot, mainit pa sa set. Trip niya talagang magpalipas ng gutom lagi, kaya lagi siyang pinagsasabihan nila stell noon eh. Hindi pa pala nagbabago ang hobby niya na 'yon.


Back to December || SB19 JOSHTINWhere stories live. Discover now