☽。⋆
Josh's
"Make a different pose, Josh."
Nagsimula akong magpost ng kung ano ano suot ang suot ko sa shoot, naiilang pa ako minsan sa tuwing inaayos niya ang posture ko. Parang wala lang naman sa kaniya ang malapit na mukha namin.. pero sa'kin, meron. Hmp, nakakailang kaya.
Bwisit, kung mailang ako sa kaniya ay parang hindi ko siya tinabihan at siniksik ang sarili kanina sa kaniya para lang kumain siya, nadala lang ako dahil mukhang kailangan niya talaga ng kain. Ang kulit niya pa naman din at saka ang sungit! halatang kailangan ng kain.
"Efren, can you please call his leading lady? it's already their part together." efren nodded, tinawag niya na si charice na ngayo'y pinupunasan ang pawis, pagkatapos ay lumapit sa tabi ko kaya't umusog ako ng kaunti.
Lumipat kami sa kabilang kuwarto para doon ganapin ang photoshoot. "Okay all good, Josh sit in the sofa and charice.. right? turn around and face josh, you'll do nothing but just glaring at each other and you have to make it look like you are a happy couple."
Sinimulan naming gawin ang sinabi niya, umupo ako sa sofa at ngumiti, si charice naman ay nakangiti lang din pero nakatayo sa harap ko, nakita kong lumipat sa gilid si Justin para makita ang posisyon namin ngayon. Iba iba rin ang ginawa naming scenario at wala pang isang oras ay natapos na kami, sunod nito ay ang shoot na ng video na gagawin.
Natapos ang araw na iyon ng walang nangyareng aberya, all smooth naman ang naging shoot at halos 8:00 PM na rin kami natapos. Pagod at gusto nang umuwi ng lahat nang matapos naming kumain, wala rin kaming naging interaction ni justin dahil ayaw ng tadhana, amp. Iniiwasan niya yata ako, mukhang nagalit sa nangyare kanina.
"Dre, dala mo kotse mo?" tanong ni maverick sa akin, tumango ako at hindi ko nanaman siya maintindihan kung bakit nakangiti ng maloko sa akin, nako, patay... sasabay nanaman yata sa akin. "Pasabay dre."
"Kasabay mo sila ate bella kanina 'di ba?" tanong ko dito.
"Oo pero gusto ko tumuloy sa condo mo, laro tayo. Ayain ko rin sila pablo at ken para masay-" hindi natapos ang pangungutya niya nang sumingit si ate bella.
"Hoy, anong laro nanaman pinagsasasabi mo maverick? maaga pa 'yan bukas." natawa na lang ako nang humaba ang nguso ni maverick, mukhang isda eh. "Josh, 7:30 ang call time bukas tapos 6:30 pm, may event ka sa acer. Alam mo naman na siguro 'yon 'diba?"
Patay ka josh cullen, tambak nanaman ang ganap mo! "Ano ba 'yan ate bella, hindi yata nauubusan ng ganap 'yang si lodi eh. Hindi na kami nakakapagbonding magkakaibigan!"
"Hayaan mo, may free day si josh next week. Doon kayo magbonding at ikaw, maaga ka din dapat bukas!" pagpapaalala niya din kay maverick. Lalong humaba ang nguso nito kaya tinampal ko ang nguso niya.
"Hoy! sakit ah!" tawa na lang ang naisagot ko sa kaniya kaya tinaas niya ang middle finger sa akin, pikunin eh.
☽。⋆
"Amp, ano 'to josh cullen? kailan ka pa nagdala ng towel sa trabaho?" napabalikwas ako sa upuan ng sasakyan at tumingin ng masama kay maverick, anak ng! tinago ko na nga yung towel tapos nakita pa? anong klaseng mata ang mayroon siya?
YOU ARE READING
Back to December || SB19 JOSHTIN
Fanfiction𝙰𝚗 𝚏𝚊𝚗𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚠𝚑𝚎𝚛𝚎𝚒𝚗 𝙹𝚘𝚜𝚑 𝙲𝚞𝚕𝚕𝚎𝚗 𝚂𝚊𝚗𝚝𝚘𝚜 needed to 𝚏𝚒𝚗𝚒𝚜𝚑 𝚑𝚒𝚜 𝚞𝚙𝚌𝚘𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚜𝚒𝚌 𝚟𝚒𝚍𝚎𝚘 𝚏𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚜 𝚏𝚊𝚗𝚜, 𝚑𝚎 𝚠𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚊 𝚙𝚎𝚊𝚌𝚎𝚏𝚞𝚕 𝚊𝚗𝚍 𝚜𝚞𝚌𝚌𝚎𝚜𝚜𝚏𝚞𝚕 𝚛�...