Lorylie POV
Tatlong taon ang dagling lumipas
Isang tain nalang ay magtatapos na ako.
At plano kong kumuha ng masters degree online.
"Sis."
Napakislot ako sa komportabling pagkakahiga.
"Bakit Ate?"
Lalo niya akong yinakap sa kanya.
Nasa silid ko ang Ate Gene dahil dito siya natulog sa akin kagabi.
Ganito siya at tumatabi sa akin matulog kapag hindi siya umaalis abroad.
"I miss Saffanya."
Tukoy niya sa pinsan niya na matagal na panahon niyang hinanap.
Tulad sa amin ng Ate Mionette.
"Bakit kasi hindi ka pa nagpapakilala sa kanya para makuha mo na siya sa poder ng Mama mo."
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
"It's not that easy baby."
Alam ko ang dahilan niya.
Ayaw niyang makaharap ang tunay niyang ina.
Dahil natatakot ang Ate dito.
"I'm just waiting for the right time to be with her."
"Pero Ate di ba ngayong taon ay magtatapos na siya?"
"Yeah, and I'll accompany her to Cebu."
"Tuloy na tuloy na talaga ang plano mo Ate."
"Cause it's only the way I can be with her."
"Pero paano ang ampunan at yung...Mama Primrose mo?"
"She knew my plan and Sister Rufina understand why I need to leave the Orphanage."
Limang taon ngayon ang pamamahala ng Ate sa Ampunan at dahil sa kagustohan niyang makasama sa Cebu ang pinsan niya ay isasakripisyo niya ang alaala ng Tita Charity niya.
Pansamantala...
"Nakakatuwa si Saffanya, Ate Gene."
Nadama ko ang haplos ng Ate sa buhok ko habang nakaunan ako sa dibdib niya.
"Why you say so?"
"Kasi hindi siya nawalan ng pananampalataya sa Kanya kahit napakalupit ng kinikilala niyang Ina."
Hindi umimik ang Ate.
"Kasi sa totoo lang Ate nung ako naman ang nakaranas ng kalupitan ay muntikan na akong sumuko maniwala sa Kanya."
Inalala ko ang malupit kong naranasan kay Aling Mila at Shirley.
BINABASA MO ANG
Blinded By Lies (GL)
General FictionDisclaimer!! Basahin muna ang Dilim ng Kahapon, Professor's Indecent Proposal and A One Night Stand with a Nun bago ito! Kung matigas ang ulo mo, lumayas ka!