Chapter 1

6.7K 218 21
                                    

Lorylie POV

Marahan kong winaksi ang lumang kurtina sa silid namin ni inay.

Tipid akong napangiti sa natutulog sa maliit na papag.

Nilagay ko muna sa lamesita ang dala kong mainit na lugaw bago umupo sa gilid nang higaan.

"Inay." Marahan kong hinawakan si inay sa balikat. "Gising na po kayo Inay." Pukaw ko kay inay mula sa pagtulog. "Inay kain na po kayo para makainom kayo ng gamot ninyo."

Hinaplos-haplos ko si inay sa kanyang kulubot nang noo dahil sa katandaan at karamdaman.

Nadama kong siya ay kumilos, indikasyon na siya ay gising na.

"Magandang umaga po inay." Nakangiti kong bati sa kanya nang tuloyan na siyang nagising.

"Ugh ugh ugh m-magandang umaga din naman anak." Hinaplos ko siya sa kanyang dibdib upang di siya mahirapan sa kanyang paghinga.

"Kumain muna po kayo inay nang makainom na kayo ng gamot ninyo. " Marahang sabi.

Hinawakan niya ang aking kamay na basa kanyang dibdib.

"Salamat anak sa iyong pag-aalaga subalit patawarin mo ako kung hindi ko na magawang gawin ang tungkulin ko bilang isang ina sa iyo." Malumbay niyang usal.

Tipid akong ngumiti bago ko inabot ang kanyang humpak na pisngi upang aking hawakan. 

"Inay, sapat na sa akin ang binigyan nyo ako ng labing pitong taon para malagaan. At ngayon ay kailangan nyo ng aking pag-aalaga kaya po akin itong sinusuklian. " Masuyong sagot ko.

Narinig kong napahikbi ng bahagya si inay.

"Kung hinayaan ko lang sana ang ama mo na gawin ang tungkulin niya sa iyo ay hindi tayo maghihirap ng ganito. Lalo ka na ana~~~"


"Inay tama na po.  Ang mahalaga po ay magkasama tayong dalawa  kahit kapos tayo sa buhay. " Agaw kong sabi.


Hindi siya umimik ng ilang saglit bago ko siya narinig na napabuntong hininga.


"Pasensya ka na anak." Tipid akong napangiti.


Kinuha ko ang dala kong pagkain para kay inay na noodles at dalawang piraso ng pandesal.


"Kung pumayag man lang sana ako na kunin ka ng iyong ama nung pilit ka niyang kinukuha sa akin. Maganda sana ang natatamasa mong buhay ngayon."


Narinig ko siyang napahikbi na sa kanyang pagsasalita.


Itinaas ko ang aking kamay at kinapa si inay. Inabot naman niya ang aking mga kamay.


Marahan ko itong hinawakan at dinala sa aking pisngi.


"Kung sakaling ibinigay nyo ako kay itay ay wala po kayong makakasama sa buhay. Lalo na ngayong may dinaramdam kyo." Tipid akong ngumiti.



"Salat man tyo sa ginhawa ng buhay ay mayaman naman ako sa pagmamahal ninyo na walang katulad." Tumulo ang aking luha. "Wala man akong nakikita sa ganda ng paligid ay masaya po akong mabuhay na mahirap dahil sa inyo inay. Makulay ang aking madilim na tanawin dahil sa hindi matatawarang pagmamahal ninyo sa akin."



"Oh anak ko." Mahigpit na yakap ang bigla kong nadama.


Tinaas ko ang aking mga braso at iniyapos ito kay inay.


Blinded By Lies (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon