Chapter 5

2.4K 101 17
                                    

Lozinda POV



Natatakot ako

Ang masayang pakiramdam.

Yung sobrang ligaya na nakakainis na rin.

Yung kilig na lagi ko nalang nararamdaman.

Dahil sa kanya

Dahil kay Lory

Hindi siya mawala sa aking isipan.


Laging gusto ko siyang puntahan para makita ko at aking makasama.

Kaya natatakot ako.


Sapagkat ang nararamdaman ko ngayon kay Lory ay nararamdaman ko din kay Mionette.


Noon. . .

Inis na napasabunot ako sa aking buhok at lalo ko pang siniksik ang mukha sa una.

Nagugulohan ako.

Mahal na mahal ko si Mionette alam ko yun.


Subalit dahil sa feelings ko kay Lory ay nagugulohan ako.

Ayokong magkasala kay Love, ayoko siyang masaktan pagnahalata niyang ganito na ang nadarama ko.

Dahil may ibang babaeng gumugulo sa puso ko.

Pilit kong nilalabanan ito subalit lalo lamang nagiging mapusok ang puso ko makapiling si Lory.

Si Lory na sadyang napakaganda

Napakamalambing

Matalino at masayang kausap

At may labing napakalambot at matamis halikan.


Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi.

Ramdam ko pa rin ang labi niya na nahagkan ko ng hindi sinasadya.

At gusto kong maulit yun.

Gusto ko pa siyang halikan ng mas matagal.

"Ugh, enough!!" Napipikon ko ng sabi.

Bumangon ako sa pagkakahiga at pagal na napaupo habang nakasandal sa headboard ng kama.

"Dapat ko ng tigilan 'to, hindi deserve ni love ang ginagawa ko. Mahal na mahal ko siya at kasama sa pagmamahal na yun ang huwag siyang saktan ng dahil sa akin."

Napayakap ako sa mga tuhod ko.

Hangga't maaga pa ay kailangan kong tigilan ang aking umuusbong na damdamin para kay Lory.

Pipilitin kong layuan siya para hindi ko na masaktan pa si Mionette.

Matagal na kami at malapit na sa planong magsama kaya sa kanya lang ako dapat.

At lahat sa akin

Malalim akong napabuntong hininga.

Dapat sa napakadaling panahon ay nagustohan ko siya agad?

Kaya ko bang lumayo sayo Lory?

Sa ideyang yun ay nakita ko sa isip ang biglaang paglayo ko kay Lory.

Blinded By Lies (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon