Chapter 26 :)

1 0 0
                                    


Altheya POV

"You know girl kahit ako ang pinakamaganda doon kailangan maganda kapadin" sabi ni dreanda siya kasi ang nagmamakeup sakin at nagaayos infairness nga ei! May potential tong isang to ang ganda magayos at magmake up.

"Oh look your so beautiful syempre maganda yung nagayos" sabay flip niya ng hair.

"thank you" nakangiti kong sabi ng matapos.

"Oh girl isuot mo na tong gown mo" sabay kuha niya ng gown ko at inabot sakin. Nandito kasi kami sa bahay wala si kuya lagi naman ei! Kaya nagsuggest si dreanda na siya nalang ang magaayos sakin hindi talaga ko dapat sasama nung kinulit ako ni harvey kagabi sa tawag at nagsuggest siya na siya ang partner ko kaya wala na kong nagawa.

Nagbihis nako kulay white yung gown ko na tube at long neck then nag heels ako ng 1inch lang para hindi ako mahirapan maglakad.
Si dreanda naman oh well nagiimprove nako hindi na pugita ang tawag ko sakanya nakasuot siya ng black na tube gown bagay nga sakanya ei!

"Before anything else selfie muna tayo" ngumiti ako tapos click.

"Were so beautiful omaygad" ang arte talaga magsalita pero hayaan na masasanay din ako. Bumaba na kami at sumalubong samin si harvey na nakaupo sa sofa at ang pogi niya ngayon sa suot niyang tuxedo.

"Gorgoues" sabi niya at tumayo saka lumapit sakin.

"Thank you"

"Hey prince im here" natawa naman ako kay dreanda.

"Oh sorry hindi kita napansin"

"Psh siya pinuri mo ako hindi" nakasimangot na sabi ni dreanda.

"Sorry maganda ka din naman" by the way alam na ni harvey yung about samin ni dreanda kwinento ko sakanya kagabi nung tumawag siya.

"So let's go?" Lumabas na kami ng bahay saka dumeretso sa kotse niya.

"Oh dreanda hindi kaba sasabay?" Sabi ko nung mapansin ko na nakatayo lang siya don.

"Nope may magsusundo sakin like err may kapartner din ako noh"

"Ok sige see you" ngumiti lang siya at tumayo kaya pinaandar na ni harvey yung kotse. Nang makarating kami bigla naman akong kinabahan shemay.

"Kabado?" Tanong ni harvey ng makababa kami.

"Medyo" hays hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan.

"Don't be im here" tapos hinawakan niya yung kamay ko. Lumakad kami sa red carpet at ang daming nakatingin samin ang dami nadin kasi tao.

"Ganda ni altheya noh pars?"

"Oo nga ei! Noon pa man"

"Altheya akin ka nalang"

Here we go again alam kong maganda ako wag niyo nang ipaglandakan so ayun nginitian ko nalang sila. Pagdating namin sa venue maganda ang pagkakaayos prom na prom.

"Altheya" tumingin ako sa tumawag sakin si dreanda kumakaway para makita ko siya ang dami kasing tao kaya lumapit kami.

"Dito na kayo umupo" so ayun dun na kami umupo may kasama siya na lalaki pogi din naman.

"Wag mo ng hanapin yung taong wala masasaktan ka lang" sabi ni harvey kaya napatingin ako sakanya.

"H-hindi ko naman siya hinahanap" hays oo na hinahanap ko na si angelo tss ano ba yan dapat nag momove on nako ei! Kung ganito lagi ang paiiralin ko masasaktan lang ako.

Terrified To Love And To Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon