CHAPTER 18

218 7 0
                                    

I was nervous for nothing. Habang tinitignan ko ang chat ni Cres, hindi ko maiwasang ngumiti. Hindi niya nga talaga ako nireject. Tori and Mariyah were all wrong.

Bryn:

Sunduin kita sa UP? Vacant ko ngayon.

I chatted. I bit my lower lip as I watched the three jumping dots. She's typing for a reply.

Cres:

I have group meeting with my classmates

Bryn:

I can wait. Around school lang ba kayo?

Cres:

Yes, will you?

Bryn:

Yes, paalis na ako.

Mabilis akong kumilos akong at nag ayos ng sarili. I wore a black t-shirt and simple faded jeans. Gusto ko sana mag long sleeve na polo kaso baka overdressed naman ang maging dating ko. Susunduin ko lang naman si Cres. Knowing her, she will look at me weirdly for sure.

I chuckled mentally. Niliko ang sasakyan papasok ng UPD. May mga nakakasalubong akong estudyante na naglalakad at ilang mga pampasaherong jeep.

Halos makabisado ko na ang UP, mas maraming oras pa yatang andito ako kesa nasa sariling university ko ako.

Hindi mahirap makita si Cres. Pinarke ko ang sasakyan hindi kalayuan sa kanila. She's with her classmates. She's listening to them silently.

I chuckled and watched her more. My mind flew with the imagination of Cres as my classmate. Paano kaya kung naging magkaklase talaga kami noong high school? Maiinis din ba s'ya sa kakulitan ko? Itataboy niya ba ako?

I twisted my lips, for sure I'm not backing down. Kukulitin ko s'ya hanggang sa s'ya na mismo ang sumuko at hayaan akong alagaan s'ya.

Mabilis lang ang naging meeting niya sa mga kagrupo. Agad niya akong namataan at pumasok ng sasakyan ko noong matapos sila.

“Sipag naman ng estudyante ko,” I joked.

Kumunot ang noo niya sa akin. “Estudyante? Scholar ako ng bayan,” she said nonchalantly.

“Nag j-joke lang ang tao. Ang hirap naman kapain ng humor mo, girl!” I laughed out loud. Masama niya lang akong tinignan at komportableng sumandan sa backrest ng passenger seat.

“Saan tayo, Ma’am?” I started the engine.

“Ayoko pang umuwi sa bahay,” she took a deep breath.

I nodded. Ilang linggo na rin akong hindi nakakabisita sa apartment niya. Tuwing hinahatid ko s'ya, laging sa kanto lang. O’ kaya kapag sinasabi kong pupunta ako, nagagalit s'ya.

“So it's my choice?” Ngumuso ako.

“Yeah, saan mo ba gusto?”

“Kahit saan lang naman. As long as I'm with you,” my cheek heated up. Tila bigla akong nahiya sa bibig kong walang preno. But I'm just expressing myself?

Whelve (Frisson Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon