chapter 1

1.9K 36 0
                                    

"Ama namin, Sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.

"Amen..." Bulong ko, habang papatayo sa kinalalagyan ko. Sumasakit na ang mga tuhod ko dahil sa pressure na ibinigay ng katawan ko rito pati ang leeg ko ay nagsimula nang mangalay dahil sa pagyuko ng masyadong matagal. Pero hinayaan ko nalang ito sapagkat alam ko naman na mamaya lang mawawala na ang sakit. Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon para patawarin sa mga kasalanan na ginawa nila. Pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito.

"Sister Y/L/N, masasabi ko na nakakasaya ng puso na makita ka dito every week. Hindi kami gaanong madalas na makakita ng mga ka-age mo na inclined at aware sa Diyos." Ayokong makipag-usap sa kung sino ngayon. Nagpapasalamat ako sa nangyayari sakin ngayon pero hindi ibig sabihin noon na lagi akong good mood na ako para pag-usapan ang mga bagay. Right now, I am very close to calling wise, old Sister Uming out on bulls-no, I am holy. Gusto ko lang talaga na mapag-isa ngayon. The memories are too much.

"Sister Uming, good to see you po. Thank you po, nagpapasalamat lang din po ako sa nangyayari sa'kin ngayon." Pinipilit ko na sincere ang pagsalita ko, hiding away from the fact that gusto ko na umalis dito. Lei has been always good to me, when things went downhill in my life. Andyan siya para sa'kin. Siya na siguro ang isa sa pinaka mabait na 76 yrs old na kilala ko. It's like she's never been touched by the world before; never been exposed to its cruelty. Ang puso niya na gawa sa ginto ay makikita mo sa kanyang mukha at maririnig mo sa kanyang mga salita kapag kasama mo siya. I wish I was as innocent.

"Alam kong nahirapan ka sa mga nangyari lalo na sa pamilya mo..." The elderly woman stops herself not wanting to open the old wounds in front of me. "Gusto ko lang sabihin na isa ka sa nagiging motibasyon namin dito. At alam kong natutuwa ang Diyos sa mga ginagawa mo."

Proud of my efforts. I try to make that mean something to me. Aaminin ko na pagkatapos ng lahat na nangyari, my motivation for faith has declined dramatically. Well... siguro hindi lang nadecline mas malala pa, pero natutunan kong magpatuloy, gusto ko magstay na ganito. At hindi ko hahayaan na magbago lang yun dahil sa isang tukso.

"Thank you... I-Uh mauuna na po ako. May kikitain pa po akong kaibigan para kumain ng lunch." Isang pagsisinungaling.

Wala akong kaibigan.

I can already feel the burning sensation of my chest from the false statement, especially saying it in a Church.

Lies.

Siguro tama nga sila, old habits die hard.

"Sige, anak. Ikamusta mo nalang ako sa iyong..." Nanlaki ang mata ni Uming, at nabigla sa kanyang sinabi.
"Pasensya na Y/N, anak hindi ko sinasadya."

"Okay lang po yun, Sister Uming. Halos lahat naman po naninibago sa nangyari. Dahil na rin po siguro na malaki rin ang presensiya ng pamilya ko po dito sa church. Mahirap pa po na mag-adjust."

Bago pa makapagsalita ang matanda, tumalikod na ako, at iniwan siya, gulat pa rin sa nangyari, As i made my way to exit through the large foyer doors.

Immediately, my breath came out all at once. I empty my lungs, before sucking out as much oxygen into them as possible. Hindi ko gusto ang mga memories na meron 'tong lugar na 'to. I hate the reminders of the person that I used to be, and the person that I was before that. Ang hirap-hirap alalahanin ng mga alala. Gusto ko nalang makalimutan ang lahat. Ang lahat na mali kong nagawa, at lahat ng mga taong nasaktan ko.

good girls, bad habits [Maloi × Female Reader]Where stories live. Discover now