Chapter 12

0 0 0
                                    

"Neng! Secret!"

Napaungot si Secret habang yakap-yakap ang unan. Kanina pa may kumakatok sa kwarto niya. Ayaw niyang dumilat dahil anong oras na siyang nakatulog.

"Ineng! Bumangon ka na diyan at samahan mo akong maglakad habang masarap pa sa balat ang araw ng umaga!"

Doon siya unti-unting napamulat. Napatingin siya sa orasan. Gusto niyang humikbi at umungot nang makitang alas-sais pa lang ng umaga.

Tumayo na siya at inayos ang agahan. Wala nang tao sa labas ng pinto niya nang lumabas. Pagkarating niya ng kusina, nakita niyang nandoon sila Jaja, Thadz, at lola Maggie.

"Buti naman at gumising ka na, 'neng. Mag-agahan ka na at samahan mo akong maglakad-lakad sa labas." Nagbabasa ng newspaper si lola Maggie at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ba't mugto mata mo, 'te?"

Nahinto siya sa pag-upo sana sa upuan. Pilit siyang ngumiti at umiling, "ah, wala... wala lang akong mahanap na trabaho kasi hindi muna ako pinapabalik ni ate Cynthia."

Nakita niyang nagkatinginan si Jaja at Thadz. Hindi na lang niya ito pinansin. "Ayoko naman pong maging pabigat dito."

Pagkatapos humigop ni lola Maggie ng kape, tumingin ito sa kaniya. "Nagtitinda kami ng balut, 'neng. Tulungan mo na lang akong mag-asikaso no'n. Sapat na 'yon, para naman mas dumami ang oras ni Thadz sa pag-aaral niya."

A/N: When I was younger, I used to make fun of people spelling "balot" as "balut". Tho, when I got older, it made sense na bakit balut WHAHAHAHA because if balot, hindi mo alam if baaalot ba siya or baloooot HAHAHHAHA. I'll use balut na lang din.

Huminga siyang malalim at nilagay sa mesa ang cellphone. Sabay-sabay na tumingin ang tatlo doon.

"May alam ba kayong sanglaan? 'Yung cellpho—"

"Hindi ba 'yan importante sa 'yo, 'ne?"

Umiling siya, may ngiti pa rin sa labi. Napahawak siya doon, "wala na pong mahalagang nandyadyaan."

Agad na hinablot ni Thadz 'yon, "hay! Sinasabi mo lang 'yan dahil buntis ka!"

"Hindi, Thadz..." umiwas siya ng tingin, "ayaw ko na kasi talagang umuwi sa amin. Ayokong malaman nila kung nasaan ako."

Nagkatinginan ang tatlo at sabay-sabay na bumalik ang tingin kay Secret.

"Ganito na lang, 'te..." napaangat ng tingin si Secret nang marinig si Thadz. "Papayag akong ibenta mo 'to, pero hayaan mo kami ni Jaja na ilagay sa USB or sim card 'yong laman para naman kung sakaling magsisi ka dahil sa bugso ng pagbubuntis—"

Malakas siyang natawa. Natigilan na naman ang tatlo habang siya ay patuloy pa ring natatawa. Nahampas niya ang lamesa at napunas pa ang luhang kumawala sa sobrang tawa. Maski siya ay nahihiwagaan kung bakit siya natatawa. Parang may kung anong kumiliti sa kaniya nang marinig ang 'magsisi' at 'pagbubuntis'.

Nang kumalma, tumikhim siya at uminom ng tubig. Napailing na lang siya at tumingin sa tatlo. Napahawak siya sa kamay ni Thadz, "kung anong ikakapalagay ng loob mo, Thadz."

Bumuntong-hininga si Thadz, "hindi ka ba hinahanap ng tatay ng anak mo—aray!"

Natigilan si Secret at napalingon kay Jaja na masama ang tingin kay Thadz. Napakamot na lang siya ng ulo. Ayaw man niyang sabihin sa mga ito, pero mas maiging wala siyang tinatago.

"Hindi niya alam na buntis ako."

Natahimik ang tatlo. Nilagyan na niya ng kanin ang plato sa harap niya. Wala pa ring nagsa-side comment kahit na tapos na siyang kumuha ng ulam.

Secret RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon