Chapter 13

1 0 0
                                    

Naluluhang umiling si Secret. Marahan niyang nilayo ang santol. Nagpadyak-padyak pa siya sa sobrang inis. Gusto niyang humagulgol dahil kay Thadz.

"Ayoko nga sabi niyan! Gusto ko mangga!"

Napakamot ng batok si Thadz, "ate ko naman... next year pa anihan ng mangga-"

"Humanap ka sa palengke!" Magkasalubong ang kilay niya at sumigaw na kay Thadz. "Imposibleng walang mangga ngayon! Gusto ko 'yong matigas ta's maasim."

Bumagsak ang balikat ni Thadz at tumingin kay Lola Maggie. "Lola... hindi naman ako tatay ng anak nito, ah?"

Nailing na lang at natatawa si Lola Maggie. Pinagpatuloy na lang niya ang paghiwa ng sitaw para sa ulam nila. Wala naman siyang magagawa dahil naglilihi na talaga nang malala si Secret.

Paalis na sana si Thadz, pero agad namang sumigaw si Secret. Parang gusto na lang niya maging bulkan.

"Kamias na lang pala!"

Thadz pursed his lips and lightly punched the door. "Sisiguraduhin kong hahanapin ko tatay niyan!" Mahina ang sigaw niyang 'yon sa sarili.

Patagal nang patagal, si Thadz lagi ang nauutusan ni Secret. Wala naman siyang magawa dahil siya lang din naman ang "lalaki" sa kanila para lumabas anong oras na ng gabi. Buntis si Secret at matanda na ang lola niya, wala siyang choice. Si Jaja naman ay masyadong busy at minsan lang bisitahin si Secret, babae pa ito kaya wala din talaga siyang choice.

Huminga siyang malalim, "isusumpa ko talaga mga manyak at kriminal sa mundo. Hindi na tuloy makaalis sa bahay nang matiwasay dahil sa kanila."

Muli na namang bumalik sa alaala niya ang mga utos ni Secret. Gusto niyang mapapadyak sa kalsada pero wala siyang choice. Naakahiya naman kung gagawin niya 'yon.

"Hahanapin ko talaga tatay ng anak niya. Hahanapin ko tatay ng anak niya. Hahanapin ko tatay ng anak niya." Nakasimangot siyang naglalakad, hindi na niya namalayan si Jaja sa harap niya. Hindi niya pa narinig ang sitsit nito dahil sa sinasabi niya sa sarili niya.

"Hoy, bakla!"

Napairap na lang siya nang marinig si Jaja. Hinayaan niya itong makalapit bago naiiritang sumigaw. "Jusko! Napakakulit ng buntis na dinala mo sa bahay!"

Humalakhak nang lubos si Jaja, "pwede ka na maging tatay!"

Nangilabot si Thadz at may nandidiring ekspresyon. Habang salubong ang kilay, inabot niya ang buhok ni Jaja para sabunutan. "Mandiri ka nga!"

"Sus, parang walang planong mag-anak, ah."

"ANONG NANGYARI diyan?!" Nanlalaki ang mga mata ni Thadz. Parang hindi na siya bakla dahil sa straight niyang bigkas ng mga salita habang nakatingin kay Secret.

Secret was crying hard. She kept on counting her money. Nang marinig si Thadz, mas lumala ang hikbi niya.

"Jusko, tumigil ka nga sa kakaiyak mo, Secret! Baka mapaano ang baby!" Hindi na napigilang mag-alalala ni Lola Maggie. Kumuha siya ng pamaypay malapit sa santo at pinaypayan si Secret.

Napakagat ng labi si Secret, "p-pumunta a-ako..." puro hikbi siya at halos hindi na maintindihan ang sinasabi. "Sanlaan... w-wala... nabenta na d-daw cellphone ko."

Thadz pursed his lips and slapped his forehead. Secret suddenly felt the wave of guilt upon seeing Thadz' reaction. Hindi niya alam kung may mali siyang nasabi. Napalingon siya kay Lola Maggie na nagkibit-balikat lang sa kaniya.

"Anong kailangan mo sa cellphone mo!?"

Napayuko si Secret. Thadz suddenly have his intimidating aura. Gone the gay aura, all left was his strict and manly presence. Napahikbing lalo si Secret.

Secret RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon